Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
(Flashback)
"Happy anniversary Timothy" nahihiya pang sabi ni Mommy nang batiin niya si Daddy pagkadating nito galing trabaho.
Ngiting ngiti si Daddy na para bang wala kami ni Kuya sa harapan nilang dalawa. "Nahihiya ka pa rin sa akin hanggang ngayon?" Hindi makapaniwalang sabi ni Daddy pero ramdam na ramdam ko ang saya sa kanyang boses.
Napanguso si mommy. "Wag mo na akong asarin, wag sa harapan ng mga bata" pagmamaktol ni mommy dito pero kaagad siyang hinila ni daddy at niyakap ng mahigpit.
"I love you, Christina..." buong lambing na sambit ni Daddy na may kasama pang paghalik.
Hindi na nakasagot pa si Mommy dahil sa pagiyak kaya naman natawa na lamang kami kasama si Daddy at tsaka pinagtulungang asarin si Mommy.
"Sige na anak matulog ka na" sabi nito sa akin pagkatapos ng aming family dinner.
Nakaupo pa din ako sa may kitchen counter habang hawak hawak ang librong una kong nabasa, isa iyong tragic love story pero sobra kong nagustuhan, at dahil duon ay nagumpisa na ang pagkahilig ko sa iba't ibang klase ng libro.
"Mommy..." pagtawag ko sa kanya.
"Bakit?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Paano naging kayo ni Daddy?" Tanong ko sa kanya out of curiosity.
Sandali itong natigilan at napatingin sa akin. "Tammarie 13 years old ka pa lang...may nagugustuhan ka na ba?" Tanong niya sa akin na para bang hinuhuli niya ako sa aking isasagot sa kanya kaya naman kaagad akong napailing para ipagtanggol ang aking sarili.
"Hindi po Mommy, curious lang po talaga ako kung paanong nagkikita ang dalawang taong totally stranger sa isa't isa...possible po pala talaga yun noh, na maattach ka sa isang taong hindi mo naman kilala" sunod sunod na tanong ko sa kanya kaya naman nakatitig lamang sa akin si mommy.
Napababa ang tingin nito sa librong hawak ko tsaka napangiti. "Nag dadalaga na ang baby ko" pangaasar niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Hindi po Mommy!" Laban ko pa pero tinawanan niya lamang ako.
Matagal itong natahimik kaya naman akala ko ay hindi na talaga siya magkwekwento sa akin pero nagkamali ako.
"Una ko pa lang kasi nakita ang Daddy mo nakaramdam na ako ng connection" paguumpisa niya kaya naman napaayos muli ako ng upo sa may kitchen counter.
Napanguso ako. "May ganuon ba Mommy?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napatawa ito. "Lahat ng kinkwentuhan ko niyan ganyan din ang sinabi sa akin. Pero anak, hindi naman lahat ng tao parepareho ng nararanasan pag dating sa pagibig" sabi pa niya sa akin kaya naman tinaggap ko na lamang.
"Pero gaano ka sure na si Daddy na talaga Mommy?" Tanong ko pa na parang hindi na ako nahihiya pang iopen sa kanya ang bagay na iyon dahil gusto ko talagang malaman ang sagot.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.