Chapter 7

101K 3.1K 784
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



"Big sis, are you crying?" Biglaang tanong ni Zugui ng mapansin niya ako sa likuran nilang tatlo. Naglalaro sila sa video games na may water gun at babasain mo yung screen para mapatay mo yung Zombie.

Tumayo siya sa kinauupuan nila tsaka niya ako hinarap. Sobrang sweet ng batang ito. "Big sister who make you cry?" Sweet na tanong niya sa akin kaya naman mabilis kong pinahiran ang luha sa aking pisngi.

"Wala po, napuwing lang ako" nanggigigil na sambit ko sabay pitik sa noo niya kaya naman tawa ito ng tawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi sila nasasaktan sa tuwing pinipitik ko ang noo nila pero mas ayos na iyon kesa kurutin ko ang pisngi niyang natural na mamula mula.

Napalunok ako ng maramdaman ko ang presencya ni Zeus sa aking tabi, kagaya ko ay tahimik lang din siyang nanunuod sa tatlo habang naglalaro sila.

"C'mon tell them inaway kita" panghahamon niya sa akin kaya naman kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

"At bakit ko naman gagawin yon?" Laban na tanong ko sa kanya pero napabuntong hininga lamang ito at tsaka problemadong nakapamewang.

"C'mon Tammarie, pagtanggol mo ang sarili mo. Sisihin mo ako para naman magalit sila sa akin, kasi inaaway kita" panghihikayat pa niya sa akin kaya naman halos maguluhan ang utak ko sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling si Zeus kung bakit gusyo niyang gawin ko iyon.

"Zeus, mga bata yan" giit ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at napaiwas ng tingin. "Ano ba talaga ang gusto mo? Gusto mong lumaban ako pero may magbabago ba? Hindi naman mag babago ang tingin mo sa akin diba?" Panghahamon at pagpapaintindi ko din sa kanya, dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Tammarie! Ang iisipin ko lang ba talaga ang mahalaga para sayo?" Sumbat niya sa akin habang matalim ang kanyang tingin sa akin.

Nakatingala ako dahil sa tangkad niya pero hindi iyon naging hadlang para suklian ko din ang matalim niya titig sa akin. Gusto kong isigaw na Oo! Kasi mahal ko siya, ganun naman talaga pag mahal mo ang isang tao, siya at siya lang ang iisipin mo.

"Hindi Zeus, hindi na" pinal na sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinalikuran tanda na tapos na kaming magusap dahil ayoko na siyang kausapin.

"Let's do that!" Matigas na ingles na sigaw ni Keanu sabay turo sa basketball.

Kaagad na binuhat ni Zeus yung tatlo para makababa sila mula sa pagkakatayo sa upuan. Tumakbo sina Keanu at Theo na kaagad namang sinundan ni Zeus.

"Big sis, I want to catch the bear, i'll give it to you" malambing na sabi niya sa akin kaya naman kaagad siyang tumakbo sa Kuya niya para magpaswipe ng card.

Hinila ako ni Zugui papunta duon kaya naman halos maitulak na niya ako papalapit sa kanyang kuya. Mabuti na lamang at nakahawak ako ng mahigpit sa machine para mapigilan ang tuluyan kong paglapit kay Zeus.

Makailang beses na sinubukan ni Zugui, nagtulungan na nga kaming dalawa pero wala talaga kaming nakuha kaya naman sobra siyang nalungkot.

"Major turn off" malungkot na sambit niya habang ang nguso niya ay sobrang humahaba na.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon