Chapter 25

94.3K 2.6K 532
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari sa pamilya ni Marco iyon, marahil ay may nagawa ngang kasalanan si martina sa pamilya nila warren, pero nasaktan din naman niya si martina. Gusto niyang ipalaglag ang batang dinadala nito. Isa pa, kung ano man ang nangyari sa pagitan nina Martina at Warren ay labas ang pamilya nila Marco duon. Walang dahilan para idamay sila sa gulong iyon.

"Tammarie" pagtawag ni Zeus sa akin pagkalabas ko ng classroom.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya dahil para bang kanina pa siya nanduon naghihintay.

"Sabi ng Kuya mo, iuwi na daw kita" sagot niya sa akin at kaagad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hihilahin na sana ako ng kaagad kong binawi iyon.

"May pupuntahan pa ako" sabi ko dito at tsaka ako tumalikod sa kanya, tinahak ang dahan salungat sa daan papuntang parking space.

"Tammarie!" Habol na tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan, tumakbo na ako palayo duon.

Dumiretso ako sa court at nagbakasakaling makita ko duon ang mga kaibigan ni marco. May ilang naglalaro pa kaya naman pumasok na ako. Napatigil ang isa sa kanila ng makita ako.

"Oh tammarie, may kailangan ka?" Tanong nila sa akin.

Sandali kong inayos ang malaking salamin ko sa mata na halos mahulog na dahil sa aking ginawang pagtakbo. "Naka punta na kayo kay Marco?" Tanong ko sa kanila.

"Papunta pa lang, magbibihis lang kami" sabi ng mga ito.

Gumala ang mga mata ko sa mga kaibigan nito. Mababait naman sila sa akin, kaya naman kahit medyo nahihiya ay sinubukan ko na. "Pwede...pwede ba akong sumabay?" Tanong ko sa mga ito.

Sandaling natigil ang mga ito, pero kaagad din namang tumango. "Ok sige, magbibihis lang kami" paalam nila sa akin kaya naman tumango na din ako at tsaka tahimik na umupo sa may bleacher habang naghihintay sa kanila.

"Tammie" hinihingal na pagtawag ni Zafara sa akin, kagagaling lamang nito sa pagtakbo. Pero nakuha ng naglalakad na si Kendall sa kanyang likuran ang pansin ko.

"Oh bakit may problema ba?" Nagaalalang tanong ko kay Zafara, kita ko ang sobrang pagaalala sa mukha nito at ang halos namumula na niyang mga mata.

Bago siya magsalita ay kinundisyon niya muna ang kanyang sarili. "Nabalitaan ko yung nangyari kay marco, kamusta siya?" Tanong niya sa akin kaya naman medyo nagulat pa ako.

"Uhmm, ngayon pa lang kami pupunta sasabay ako sa mga kaibigan niya" sagot ko sa kanya.

Napatango tango ito. "Pero ok naman daw siya diba?" Tanong pa niya ulit sa akin kaya naman tinanguan ko siya.

"May problema ba Zaf?" Tanong ko sa kanya na mabilis naman niyang inilingan.

Huminto sa paglalakad si Kendall hindi kalayuan sa amin. "Zafara tara na" pagtawag niya dito ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nasasaktan ako sa pagkakalayo ng loob nila sa akin, silang dalawa na ang bestfriend ko simula pagkabata kaya naman masakit para sa akin na ganito kami kalayo ngayon.

"Tara na, Tammarie?" Tanong sa akin ng mga ito ng makumpleto na sila.

Kaagad akong tumango tsaka ko sinuot ang backpack ko at sumama sa kanila. Isang buong van sila halos kaya naman sa pssenger seat na nila ako pinaupo para naman daw hindi ako mailang.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon