Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Naging mailap din si Zeus sa akin ng nga sumunod na araw. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pero kahit papaano ay nakakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari. Pero kung hindi ko ginawa iyon ng maaga pa lang at ipinagpatuloy ang pagtatago ng tunay kong nararamdaman ay mas malaki ang magiging problema namin pag nagkataon.
"Daddy! Breakfast na po" biglang tawag ni Zakkie sa ama.
Naghahanda ako ng breakfast ng matanaw nito si Zeus na patungo sa dinning. Tipid siyang nginitian ni Zeus pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo.
"Sa office na lang magbrebreakfast si Daddy, Baby. May meeting ako eh" sagot niya sa anak.
Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawang paghahanda pero ramdam ko ang pagsulyap nito sa akin. Hindi ko nagawang tingnan siya pabalik kaya naman napabuntong hininga na lamang ito.
"I'm going" sabi niya na hindi lang para kay Zakkie kundi para rin sana kuhanin ang atensyon ko.
Nang hindi siya nagtagumpay ay bagsak ang kanyang balikat na naglakad palabas ng dinning.
"Mommy, magkaaway po kayo ni Daddy?" Tanong ni Zakkie sa akin. Kitang kita ko ang pagtataka at lungkot sa kanyang mga mata.
Tipid ko siyang nginitian at inilingan. "Hindi po" pagsisinungaling ko.
Nakanguso itong napaiwas ng tingin at tsaka muling itinuon ang atensyon sa kanyang pagkain.
"I'm sad, pag magkaaway sayo ni Daddy" malungkot na sabi niya kaya naman nataranta ako at kaagad siyang nilapitan.
"Zakkie..." pagtawag ko dito.
"Bakit pa kasi nag aaway ang mga Mommy at Daddy. Bakit sina Lolo at Lola hindi naman nagaaway?" Pagmamaktol na tanong niya kaya naman hindi ako nakasagot kaagad.
Hindi ko alam kung ano ang susunod kong ipapalusot kay Zakkie dahil hindi ko naman pwede sabihin ang totoong dahilan kung bakit hindi kami maayos ngayon ni Zeus. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na hindi pa ako sigurado sa Daddy niya, hindi ko pwedeng sabihing natatakot akong pakasalan ang Daddy niya.
"Anak...magiging ayos din ang lahat. Bigyan mo si Mommy ng time. Konting tiis lang" pakiusap ko sa kanya at tsaka ko ito niyakap at hinalikan sa ulo.
Dahil sa pagiging busy si Zeus sa university at sa hospital ay halos araw araw ay hindi na kami nagsstay sa condo. Kung minsan ay iniiwanan ko siya kina mommy or kina Tita Sofia. Busy na din ako sa trabaho ko sa mga high end bars namin, at sa distillery na gustong ipatayo ni Daddy at Kuya para kay Theo.
Kuya thomas is planning to proposed kay Ate Chelsea. Ilang beses ko na siyang tinutulak na wag ng patagalin pa. Pero tinataasan lamang ako nito ng kilay na para bang may gusto siyang iparating.
"Tammie, pwede bang ikaw na ang makipagmeet sa architect?" Tanong ni Daddy na kaagad ko namang tinanguan.
As soon as possible ay gusto ng simulan nina Daddy at Kuya ang distillery dahil sa susunod na pasukan ay magcocollege na si Theo.
Ganuon ang naging routine ko ng isang buong linggo. Hindi din nagbago ang lahat sa pagitan namin ni Zeus hanggang sa isang araw ay siya na mismo ang lumapit sa akin para makipagusap.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.