Chapter 44

80.8K 2.2K 221
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Duon na ako nakaidlip sa loob ng kwarto ni Zeus. Hindi din kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa pagpapalipat lipat ko sa kwarto niya at sa kwarto ni Zakkie na maya't maya kong binabantayan.

Nang maalimpungatan ako ng bandang ala sais ng umaga ay kaagad na akong nagayos ng sarili at bumaba sa may kusina para tumulong sa paghahanda ng almusal. Ihahatid ko na lamang sa kwarto ni Zeus ang pagkain niya at pagkatapos ay papakainin si Zakkie.

"Yaya!" Tawag ni Zakkie sa akin mula sa second floor ng bahay.

Mula sa aking ginagawa ay kaagad akong tumakbo paakayat sa hagdan.

"Bakit baby?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Namumula ang mata nito habang kinukusot niya. "Pinapaalis ako ni Daddy, bawal daw ako sa room niya" pagsusumbong nito sa akin kaya naman kaagad ko siyang niyakap at kinarga.

"Baby may sakit kasi si Daddy kaya ayaw ka niya duon, ayaw niya lang na mahawa ka sa kanya" pagpapaintindi ko sa kanya.

Nakanguso ito habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. "I want to take care Daddy..." pakiusap niya sa akin.

"Baby soon, pag super strong ka na din...pwede mo ng mabantayan si Daddy. Pero not now okay?" Malambing na pagpapaintindi ko sa kanya.

Nagulat ako ng hawakan nito ang magkabila kong pisngi para paharapin ako sa kanya.

"Are you strong na ba Yaya?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman po" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Yaya, can you take good care of Daddy for me?" Malambing na pakiusap niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nginitian at hinalikan sa pisngi.

"Sure po baby" paninigurado ko sa kanya.

Tuwang tuwa ito dahil sa aking sinabi. Matapos ko siyang palitan ng damit ay ibinaba ko na siya sa may dinning para paghandaan ng almusal at pakainin.

"Zakkie wait for Yaya ha...hahatiran ko lang si Daddy ng breakfast niya" paalam ko dito habang umiinom siya ng kanyang gatas.

"Sure Yaya" masiglang sagot niya sa akin.

Mabilis kong kinuha ang tray ng pagkain para kay Zeus. Soup iyon at sliced fruits, may isang tasa din ng kape na hindi pwedeng mawala sa umagahan niya.

Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay nakaupo na ito sa kanyang higaan. Nakatingin nanaman sa kung saan at nakatitig.

"Good morning po, Sir Zeus" masiglang pagbati ko sa kanya pero kitang kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat ay si Zakkie ang inaasikaso mo?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman napalunok ako.

"Ze...Sir naghatid lang po ako ng almusal niyo. Para po hindi na kayo bumaba dahil baka masama pa din ang pakiramdam ni..." hindi na niya ako hinayaang matapos sa aking sasabihin dahil kaagad niya akong pinahinto.

"Hindi mo na problema iyon!" Asik niya sa akin at tumaas ang kanyang boses kaya naman halos mabitawan ko ang tray na hawak ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa naging reaction na iyon ni Zeus. Kaya naman dahil sa aking pananahimik ay siya na muli ang nagsalita.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon