Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Tahimik akong umiiyak sa pinakadulong table sa may library. Walang tigil pa din ang pagtulo ng aking mga luha pero hindi pa din ako tumigil sa pagbabasa ng libro.
Gusto kong sumigaw, tumakbo at humingi ng tulong. Pero hindi ko alam kung ano talaga ang dapat kong gawin kaya naman tahimik na lamang akong umiyak. Nagbasa ng libro at nanahimik.
Pagkatapos kong maibuhos lahat ng luha ay napagpasyahan ko ng bumaba. Pinahiran ko ang mukha kong basang basa ng luha gamit ang laylayan ng aking suot na sweatshirt. Ang nilinis ko din ang aking malaking salamin sa mata dahil nanlabo ito dahil sa akin pa kaninang pagiyak.
"Tammie" mahinang tawag sa akin ni Ate Zena dahil na din nasa library kami at bawal gumawa ng kahit anong ingay.
"P...po?" Tanong ko sa kanya.
Hinawakan ako nito sa balikat tsaka niya ako tinitigan sa mukha bago niya hinawi ang mga tikwas ng buhok kong humaharang sa aking mukha.
"Mag cocoffee ako, wala akong kasama" nakangusong kwento niya kaya naman alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari.
Niyaya ako ni Ate Zena na pumunta sa coffee shop malapit sa university. Siya na din ang umorder para sa akin dahil sagot na daw niya dahil siya naman ang nagyaya.
"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mong sweatshirt Tammie?" Tanong niya sa akin habang sumisimsim siya sa binili niya frappe.
Nahihiya akong napangiti. "Mas comportable po kasi ako dito" sabi ko sa kanya sabay ayos nuon.
Tumango tango naman si Ate Zena bago niya iginala ang paningin niya sa buong coffee shop. Bumaba ang tingin ko sa makapal na librong nakalagay sa hita ko habang ang aking backpack ay nasa likuran ko pa din at halos madaganan ko na dahil sa aking pagkakaupo.
"May boyfriend ka na ba Tammie, nanliligaw o crush?" Biglang singit ni Ate Zena ng mukhang wala nanaman siyang ibang napuna kaya ako nanaman ang pinagdiskitahan niya.
Mabilis akong umiling. "Wala po, Ate" malumanay na sagot ko sa kanya sabay sipsip sa aking inumin.
"Bakit hindi ka nahawa kina Kendall at Zafara, yung mga batang yun, nagmamadaling magdalaga. Though dalaga naman na talaga kayo..." sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalo lamang akong napayuko.
"Mas sanay po kasi ako na magisa at nagbabasa lang ng libro" kwento ko pa na kaagad naman niyang tinanguan.
"Kaya nga! Kayong dalawa ng Kuya mo, kaya nga hindi na nagtaka sila Mommy ng gustong maging abogado ni Thomas"
Maya maya ay tumigil na siya kakatanong sa akin dahil inilabas na niya ang kanyang laptop. Tahimik ko namang inubos yung frappe ko at yung slice cake na inilibre niya sa akin. Minsan nakakabagot talaga ang may mahabang break time. Hindi ko naman pwedeng puntahan sina Kendall at Zafara dahil baka mamaya ay makita ko pa si Zeus.
Sabi niya, wag na daw akong magpapakita sa kanya. Halos kumirot ang dibdib ko habang iniisip ko iyon. Na ayaw niya na akong makita. Mukhang seryoso siya kay Ellise kaya naman mas lalo akong nasasaktan. Dahil sa pangalawang pagkakataon, hindi pa din ako nagustuhan ni Zeus.
Bata pa lang kami magkakasama na kaming lahat. Sigurado din naman akong alam niyang matagal ko na siyang gusto pero si Martina pa din ang napansin niya at hindi ako. Ngayon ibang babae nanaman ang gusto niya kahit ako naman ang palaging nasa tabi niya. Hinahayaan ko siyang gawin ang mga bagay na hindi ko naman talaga gusto dahil nagbabakasakali akong, matututunan din niya akong mahalin.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.