Tamad na tamad akong nakaupo sa may duyan sa garden namin malapit sa pool side habang nagbabasa ako ng libro. Wala na namang pasok dahil ilang araw na lamang ay mag-uumpisa na ang intrams. Busy ang lahat, at kagaya ng nakasanayan ay mag-isa na naman ako.
Ako lang ang tao sa bahay dahil nasa practice si Kuya, nasa school si Theo, at nag-out of town sina Mommy at Daddy.
"Ma'am Tammarie, may tawag po," sabi ng isa sa aming mga kasambahay, kaya naman kaagad akong napaayos ng upo nang iabot niya sa akin ang wireless home phone namin.
Akala ko ay sina Mommy at Daddy iyon at kakamustahin ako, pero kaagad akong nagulat nang malaman kong si Tita Sofia iyon. Kinamusta ako nito dahil alam niyang wala sina Mommy at alam din niyang sa aming lahat, ako lang ang walang ginagawa.
Matapos ang tawag na iyon ay nag-ayos ako at kaagad akong nagpahatid sa may Valenzuela para pumunta sa bahay nina Tita Sofia. Medyo close din talaga kami sa kanya, kaya naman kahit hindi namin kasama sina Mommy ay pumupunta talaga kami sa kanya.
"I'm glad you came, anak," tawag niya sa akin pagkatapos ay niyakap niya ako at saka hinalikan sa pisngi.
"Busy sina Kendall at Zafara," anunsiyo niya kaya naman napatango na lamang ako.
Isinama niya ako sa may kusina kaya naman mabilis akong nagpahila. Hindi pa man ako nakakaupo sa kitchen counter nila ay kaagad na siyang naglapag ng pagkain para sa akin.
"Salamat po, Tita," sabi ko.
Matamis lamang ako nitong nginitian. "Balak ko sanang magkaroon ng surprise party para kay Zafara, buti na lang at nandito ka," sabi ni Tita, kaya naman nginitian ko na lamang siya bago ko kinain ang choco mousse na ibinigay niya sa akin.
"Siguradong matutuwa 'yon, Tita, mahilig pa naman 'yon sa mga surprise," pagsang-ayon ko sa kanya.
Sandaling nagpaalam si Tita Sofia sa akin, kaya naman ako na lang ang naiwang mag-isa sa may kusina. Kain lang ako nang kain doon hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng ref. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hubad na likod ni Zeus habang nagsasalin siya ng tubig sa baso.
Kitang-kita ko ang pag-flex ng muscle sa likod nito dahil sa kanyang paggalaw. Tanging kulay gray na cotton shorts lamang ang suot nito at sobrang gulo pa ng buhok na para bang bagong gising lamang siya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko pero mabilis ako nitong nilingon at halos sinisipat pa niya ako bago niya kinusot ang kanyang mga mata.
"Bahay ko 'to, bakit? Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" parang iritableng tanong niya sa akin pero halos mapalunok ako nang maagaw ng kanyang katawan ang aking pansin.
Maaga pa lang kasi ay na-expose na sila sa pagwo-work out at pagdyi-gym. Maaga kasi silang naimpluwensiyahan ni Kuya Mikhael. Silang dalawa ni Kuya.
Napaiwas ako lalo ng tingin nang unti-unti itong lumapit sa akin. Grabe ang tibok ng puso ko habang halos matuyo ang laway sa bibig ko. He is literally a jaw-dropping view right now. With the sexy body, messy hair, and a just-woke-up look.
"Kausap ko si Tita Sof . . ." Hindi ko na naituloy ang pagkautal ko nang kaagad nitong kinuha ang kutsara sa platito ko at tinikman ang choco mousse ko. Hindi pa siya nakontento dahil parang sarap na sarap pa siya sa kutsara sa paraan niya ng pagdila dito habang deretsong nakatingin sa akin.
Halos mag-palpitate ako dahil sa tingin niya. Mabuti na lamang at nakahinga ako nang maluwag nang dumating si Tita Sofia.
"Oh, anak, gising ka na pala . . . kamusta na ang kamay mo?" tanong ni Tita, kaya naman kaagad na lumapit si Zeus sa ina at hinalikan ito sa ulo.

BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence (Game of Love Series #2)
RomanceZeus Anthony Alonzo always seems out of reach for Tammarie Celestine Dela Vega, but little did she know that Zeus had already owned her ever since he stole her innocence from her. Can they still deny the tension between them and avoid falling head o...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte