Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Kanina pa kami nasa byahe ni Kuya Thomas. Pakanta kanta pa ito habang sinasabayan ang kanta sa radio.
"You're so fucking precious when you smile..." pagsabay ni Kuya sa kanta sa radio na sinasabayan niya talaga ngmalulutong na mura.
"Tammie"
Grabe ang paglipad ng aking utak na para bang hanggang sa pinakasulok ng mundo ay maabot ko na kung sakali. Halos mawalan ako ng hininga dahil na din sa nangyari kanina. Hindi man lang siya natakot at pinagkatuwaan pa ang nangyari sa amin kagabi. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Tita Sofia at nakisakay na lang sa biruan nila Kuya at Zeus.
"Tammarie!" Tawag sa akin ni Kuya na may kasamang pagpitik sa noo.
"Aray ko naman!" Hiyaw ko sabay hawak sa aking noo na pinitik niya.
"Muntik ka ng lumipad diyan sa kinauupuan mo ah" kantyaw pa niya sa akin kaya naman inirapan ko siya bago ko inayos ang pagkakasuot ko sa malaki kong salamin sa mata.
"May iniisip lang" nakangusong sabi ko sa kanya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Kuya thomas bago siya muling nagsalita.
"Saan ka natulog kagabi?" Seryoso nang tanong niya sa akin.
Biglang tumalon ang puso ko dahil sa hindi malamang nararamdaman. Takot, iyon ang tunay na nangingibabaw sa akin.
"Sa kwarto ni Zafara" mabilis na sagot ko.
Nakakatakot kausap minsan si Kuya Thomas lalo na at nagaaral ito ng abogasya mababasa niya panigurado kung nagsisinungaling ang isa tao o hindi base lamang sa galaw nito, sa boses o sa likot ng kanyang mata.
"Liar" matigas na sambit niya kaya naman halos mahigit ko ang aking hininga.
"Pe...pero" nauutal na pagtanggi ko pero kaagad lamang ako nitong tinapunan ng tingin.
"Sabi sa akin ni Tita Sofia sa may movie room daw nila kayo natulog kagabi" kaswal lang na sagot niya sa akin kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Ah...Oo, oo madaling araw na kaming lumipat sa kwarto ni Zafara" sabi ko na lang para pang dugtong.
"You can't lie with me sweetheart" pangaasar pa niya sa akin kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko alam pero kinakabahan na ako kay Kuya Thomas. Tama siya, hindi ko kayang pagtakpan ang mga sikreto ko ng matagal. Lalo na at palagi kaming magkasama. Kilalang kilala niya ako, mga kilos at bawat galaw ko ay kabisado niya.
Kaya nga nung sinisi ako dahil sa pagkamatay ni Martina ay hindi siya umalis sa tabi ko. Naniniwala daw siya sa akin, naniniwala siyang wala akong kasalanan. Kaya naman sobra akong nagpasalamat kay Kuya. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Sa tuwing may magpaparinig o mangaaway sa akin. Hihilahin niya lang ako papalapit sa kanya at tsaka niya ako yayakapin ng mahigpit.
Tanghali na ako nagising kinaumagahan. Linggo naman at walang pasok bukas, Lunes dahil holiday.
"Pupunta tayo mamaya sa Tita Theresa niyo, duon tayo magdidinner" sabi ni Mommy nang nasa may dinning kami at naglalate breakfast kami ni Kuya. Wala na si Daddy dahil may kailangan siyang puntahan tungkol sa bussiness.
"Ma sa BGC kami mamaya...magpapainom si Kuya Ken" sabi ni Kuya habang sumasandok ng gabundok na kanin.
"After na Thomas, magdidinner lang naman tayo sa mansion" paliwanag sa kanya ni Mommy habang busy ito sa pagaayos ng mga flower vase namin.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.