Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Good morning, anak" ngiting ngiting bati sa akin ni Mommy pagkababa ko sa may dinning.
Pinilit kong gantahin ang ngiti niya kaya naman kaagad akong humalik sa kanya tsaka kay Daddy bago ko lapitan si Theo at hinalikan din.
"Kamusta na yung paa mo?" Tanong ni Daddy sa akin bago niya tuluyang ibinaba ang binabasa niyang diyaryo.
"Ayos na po, Daddy" tipid na ngiting sabi ko sa kanya.
Ngiting ngiti naman sa akin si Theo habang kumakain siya ng pancake kaya naman hindi ko napigilang halakan ulit siya sa pinsngi.
Nagsimula akong kumain nang hindi ko man lang tinatapunan ng tingin si Kuya Thomas, kanina pa siya tahimik at kanina ko pa din nararamdaman ang pagsunod ng tingin nito sa akin pero hindi ako nagabalang tingnan o batiin din niya ng magandang araw.
"Sa Kuya mo ba ikaw sasabay Tammie?" Tanong ni Daddy dahil mukhang wala itong pasok.
Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang paghihintay ni Kuya Thomas ng sagot pero mabilis lamang akong umiling. "Sa van na lang po, Daddy. sasabayan ko na lang si Theo" sagot ko sa mga ito na kaagad naman niyang tinanguan.
Hindi na iyon pinansin pa ni Daddy pero kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Mommy. Alam kong ngayon ay nakakahalata na siya na hindi kami ayos ni Kuya Thomas. Pagkatapos kumain ay nauna ng umalis si Kuya Thomas hindi ko pa din siya pinansin kaya naman magkahawak kamay kaming lumabas ni Theo.
"Tammarie..." pagtawag sa akin ni Mommy bago pa kami makapasok ng tuluyan ni Theo sa van.
"Po?" Tanong ko dito pero she just cupped my face bago niya ako matamis na nginitian.
"We're always here for you anak, kung may problema ka nandito lang kami" malambing na pagpapaalala niya sa akin kaya naman nahihiya akong tumango kay Mommy.
Tahimik lamang ako habang nasa byahe, hindi naman gaanong nagsasalita si Theo dahil busy siya sa kung anong ginagawa niya. Tinanaw ko ang repleksyon ko sa may salamin ng van. Sandali kong hinawi ang iilang hibla ng buhok kong hindi nasama mula sa aking pagkakapony tail.
Mabilis kong pinunasan ang bago kong malaking salamin sa mata ng hindi sinasadyang lumabo iyon dahil sa nagbabadyang pagiyak.
"Kuya Thomas kasi..." humihikbing bulong ko habang patuloy sa pagpunas ng aking mata dahil sa pagiyak. Ayoko din naman kasing makita pa ni Theo na ganito ako dahil paniguradong magtatanong lamang siya at hindi ko gustong malaman niyang nagaaway kaming dalawa ni Kuya Thomas.
"Bye Ate, take care po" malambing na paalam niya sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi ng mauna kaming dumating sa kanyang school.
Basang basa ang manggas ng aking suot na kulay puting sweatshirt dahil iyon ang ginawa kong pamunas ng aking luha.
"Salamat po" sabi ko sa aming driver ng pagbuksan pa ako nito ng pintuan pagkadating namin sa school.
Tahimik at nakayuko akong naglakad sa may quadrangle para pumunta sa una kong klase, wala na masyadong estudyante dahil medyo tanghali na din pero sa hindi ko malamang dahilan ay hindi pa din ako nagmamadali at hindi man lang ako nakakaramdaman ng kaba na malate ako sa unang klase.
Lumiko ako papasok sa building namin at hahakbang na sana ako paakyat ng kaagad na may humarang sa akin.
"Good morning, Tammarie" nakangising bati sa akin ni Ellise kaya naman napairap ako at napaiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.