Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Ate tammie, LQ kayo ni Kuya Marco?" Out of nowhere na tanong sa akin ni Xalaine habang hinihimay himay namin ang dahon ng malunggay.
Paborito daw kasi iyon ni Tita Elaine, kalabasang may gata, sitaw at malunggay na may sahog na baboy. Hindi naman na bago iyon sa akin dahil minsan na ding nagluto ng ganuon si Mommy dahil laki din naman siya sa probinsya. At alam kong mas masarap kainin iyon lalo ngayon at nasa probinsya kami.
Mabilis akong napailing sa kanya. "Ha, hindi ah" pagtanggi ko.
Pero tiningnan lamang ako nito na may kasamang pangaasar. "Kahapon ko pa napapansin na iniiwasan mo siya pagkatapos ng pangangabayo natin" sabi nito sa akin kaya naman alangan akong napangiti. Sandali kong inayos ang malaking salamin ko sa mata bago ko siya muling sinagot.
"Hindi naman sa ganun..." sasagot na sana ako ang kaso ay napatigil kami ng kaagad naming marinig ang pagtawa ni Eroz.
Magkakasama sila nila Tito Darren at Marco. Kapwa sila walang suot na pangitaas at may karga kargang mga kahoy sa kanilang balikat.
"Aba mukhang sanay ka talaga sa bukid ha" nakangiting puri ni Tito Darren sa kanya samantalang si Eroz ay hindi alam kung paano bubuhatin ang kahoy sa kanyang balikat.
"Konting practice pa pamangkin! Ang Daddy mo nga nuon mabilis na natutong mag araro ng kalabaw, basta makuha lang ang Mommy mo" natatawang kwento nito.
Mariin din akong nakikinig sa kanila ng mapadapo ang tingin ko kay Marco na kanina pa din nakatingin sa akin. Kinusap niya ako kagabi para sana magpaliwanag ng maayos pero pinigilan ko siya dahil hindi pa ako handa.
"Hala, Ate Tammie nakatingin sayo si Kuya Marco oh" pangaasar sa akin ni Xalaine kaya naman mabilis akong napaiwas ng tingin.
Itinuon ko ang buong atensyon ko sa ginagawa pero hindi ako tinigilan nito.
"Kausapin mo na siya Ate...kawawa naman siya, kitang kita ko sa mga mata niya na he feels so sorry for what ever he did to you" pagpapaintindi nito sa akin na para bang alam niyang may nagawa sa akin si Marco.
Napatingin ako kay Xalaine pero tipid lamang niya akong nginitian. Kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang gantihan ang kanyang ngiti sa akin.
Magulo pa din ang isip ko habang nagaayos kami ng pananghalian. Sa ilalim ng malaking puno ng mangga kami kakain. Mayroon kasi duong lamesang gawa sa kawayan. Masarap ang simoy ng hangin kaya naman parang ayaw ko na ding umalis duon.
"Tammarie..." pagtawag sa akin ni Marco ng tabihan ako nito at tulungan sa paglalapag ng nga plato at baso na dala dala namin sa basket.
"Mamaya na tayo magusap pagkatapos kumain" seryosong sabi kona lamang sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan sa mata.
Kitang kita kong gusto pa sana nitong magsalita pero kaagad niya na lamang pinigilan ang sarili dahil na din sa sinabi kong mamaya na lamang kami maguusap.
Tahimik kaming kumain, nakinig lamang ako sa mga kwentuhan nila. Nagkwekwento si Tito Darren sa kung paano sinuyo at niligawan ni Tito Axus ang pamilya ni Tita Elaine para mapakasalan niya ito.
"Tammarie, mukhang hinahanap ka na ng Kuya mo" bulong sa akin ni Marco kaya naman napatigil ako sa pagkain.
"Nakatanggap ako ng text mula sa isa sa mga kaibigan ko, nagtatanong tanong na daw si Thomas sa kung sino sino na baka nakakita sayo" pagpapatuloy pa niya sa akin pero wala lamang akong isinagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.