Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Nakayuko ako habang paika ikang tinatahak ang hallway papunta sa aming classroom mahigpit ang kapit ko sa suot kong sweat shirt dahil sa panghihina. Tinutoo ni Zeus yung sinabi niyang halos hindi na ako makakalakad pagkatapos nuon.
"Ms. Dela vega! Bakit ka late?" Galit na salubong sa akin ng aming professor.
Lahat ng mata ay nasa akin, bigla akong nahiya kaya naman mahigpit kong niyakap ang librong hawak ko na kanina ko pa sana babasahin.
"Sorry Ma'm may emergency..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng kaagad niya akong pinigil.
"Hindi ka ba tinuruan ng Mommy mong magayos ng sarili?" Masungit na tanong niya sa akin with matching tingin pa sa akin mula ulo hanggang paa.
Wala sa sarili kong nasuklay ang natural kong kulot na buhok at sandaling pinasadahan ng hagod ang aking sweatshirt. Napalingon ako sa iilang mga kaklase ko na napatawa habang minamata din ako.
Hahakbang na sana ako papasok ng muli nanamang magsalita ang aming masungit na professor.
"Sinabi ko na bang pwede kang pumasok?" Panghahamon niya sa akin kaya naman napayuko ako. Nagbabadya nanaman ang luha sa aking mga mata.
"Nakakapanira ka ng mood! Nakakairita ang itsura mo...lumabas ka!" Sabi niya sabay turo sa pintuan.
Umawang ang aking bibig dahil sa hindi malamang dahilan. Unti unti ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Kaya naman ng hindi ko na kinaya ay lalakad na sana ako palabas ng kaagad akong mabunggo sa taong nakaharang ngayon sa may pintuan.
"Mr. Alonzo" nahihiya at medyo takot na sambit ng aming professor.
Kaagad na nagtaasan ang balahibo sa aking katawan ng maramdaman ko ang kamay ni Zeus sa aking magkabilang bewang para supporta sa kaninang pagkakabangga ko sa kanya.
"What are you doing?" Nakakatakot ang kanyang boses, punong puno ng awtoridad iyon. I almost heard crickets because of the deadly silence.
"I'm sorry Mr. Alonzo. Late na kasi si Ms. Dela vega sa klase kaya..." hindi niya matuloy tuloy ang sinasabi niya because of trembling.
"And still, you don't have the rights to make fun of anyone. Makakarating ito sa President" pagbabanta ni zeus tukoy sa daddy niya.
Magproprotesta pa sana ang professor namin pero kaagad ng umalis si Zeus, hila hila ako.
Wala ng tao sa hallway dahil nagsisimula na ang klase ng lahat. Umiiyak na ako dahil sa hindi malamang dahilan. Pero hila hila pa din ako ni Zeus ng medyo makalayo layo na ay pinilit kong bawiin sana ang aking maya pero hindi siya pumayag.
"Sa iba na lang ako" umiiyak na sambit ko sabay hila ng kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak pero hindi siya pumayag.
"You'll go with me" matigas na sambit niya pero kaagad akong naalarma.
"Zeus, masakit pa..." nanghihinang sabi ko sa kanya pero sinamaan lamang ako nito ng tingin.
Tinahak namin ang daan papunta sa cafeteria. Walang katao tao, tanging tunog lamang ng mga naguusap na nagluluto at mga kaldero.
"Good morning Mr. Alonzo" bati ng iilan dito.
Nanatili akong nakayuko habang nakatingin sa pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan. Nagsalita siya at umorder ng kung ano ano na magiliw namang pinakinggan ng mga naroon.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.