Chapter 23

100K 2.8K 438
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Binabasa ko si Zeus sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din maintindihan ang lahat, sobrang gulo pa din.

"Paanong naging para sa akin ito Zeus?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Mas lalo siyang nanlumo sa pamamagitan ng pagkakabagsak ng kanyang balikat, pumungay na din ang kanyang mga mata dahil sa hindi ko malamang nararamdaman niya.

"Tammie..." pagtawag niya sa akin na halos pabulong na lamang dahilan para halos tumagos iyon sa buong pagkatao ko dahil sa lambing ng kanyang boses.

Bayolente akong napalunok dahil sa nagbabandyang kung anong malaking bagay na humaharang sa aking lalamunan. "Paanong naging para sa akin ang bagay na dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng labis labis na sakit..." puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.

Walang nagawa si Zeus kundi ang titigan ako. I saw admiration in his eyes pero it was always pulled back by something that is more bigger than it.

"Hindi para sa akin ito, dahil kung Oo...hindi mo ako sasaktan ng ganito" paalala ko pa sa kanya na may kasamang pagduro sa kanya at sa aking dibdib kung saan umaapaw ang lahat ng sakit.

Napatingala ito at mariing napapikit. "Tammie hindi ko gusto ito, pero mas kaya ko yung ganitong malayo ka sa akin kesa tuluyan kang mawala" frustrated na sambit niya na para bang nakikiusap siyang intindihin ko yung bagay na hindi ko naman alam kung ano.

Napaawang ang aking labi. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya pero napaiwas lamang siya ng tingin.

"Tama na, bumalik na tayo" sabi niya at muli niyang hinawakan ang kamay ko para hilahin na sana paalis duon pero muli ay kaagad kong hinila iyon palayo sa kanya.

"Hindi mo na nakikita na hindi na lang ako lumalayo sayo Zeus, natatakot ka na mawala ako sayo? Bakit?" mariing tanong ko sa kanya.

Nakipagtitigan lamang din siya sa akin. "Bakit Zeus? Hindi pa ba ako nawawala sayo ngayon...hindi mo ba nararamdaman?" Malumanay pero madiing tanong at pagpapaliwanag ko sa kanya para sana maimtindihan niya ng mabuti.

Kitang kita ko kung paano pumungay at magtubig ang mga mata nito. "Soon, when the time is right...maiintindihan mo din Tammie" pakiusap pa niya sa akin na para bang nagmamakaawa siyang tanggapin ko na ang paliwanag niyang iyon at wag ng magtanong pa.

"Zeus!" Inis at nanggigigil na pagtawag ko sa kanya na may kasama pang pagpadyak.

"Kailan pa? Kung kailan hindi na kita mahal?" Desperadang tanong ko sa kanya.

Ang namumungay nitong mga mata ay kaagad na nanlaki dahil sa gulat. Tumaas ang kamay ko papunta sa aking puso tsaka ko ito tinuro.

"Zeus nahuhulog na siya kay Marco...pinapalitan niya na ang pangalan mo ng pangalan ni Marco. Hindi ko alam kung matatakot ako o magsasaya dahil sa wakas, I can get over you" umiiyak na paliwanag ko sa kanya sa aking tunay ng nararamdaman habang nakaturo sa aking dibdib diretso sa aking puso.

Kasabay ng pagiyak ko ay ang unti unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Zeus. "Wa...wala na akong magagawa duon" wala sasariling sambit niya habang sa kung saan nakatingin.

Dahil sa pagkainis ay kaagad ko siyang nilapitan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at kahit mahirap para sa akin dahil sa laki ng pangangatawan niya ay inalog alog ko siya.

My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon