(For @echoesOfSilence08 thank you 100 times sa pag basa nong The Arrange Marriage of the Bachelor..at pati na din nito ^__^ tsalamat XD)
---
-Gerone-
“Ugh! Ang bigat naman ng babaeng ito” pabagsak na sinara ko yung pinto ng sasakyan ko. Buhat buhat ko ngayon ang babaeng niligtas ko mula sa rapist na yun. Pumasok na kami sa bahay ko at inakyat ko siya sa kwarto ko. No choice dahil iisa lang ang kwarto ng bahay ko. Bakit ko kailangan ng extra—eh mag isa ko lang naman? Gagastos lang ako.
Diretso kami banyo, amoy alak ito at ayaw kong mahawaan ang amoy nito ang kobre kama ko. Kumuha muna ako ng damit ko at boxer—pampalit ko sa kanya. Pero since na ako si gentleman—tinawagan ko ang nag iisa naming kapatid na babae
Calling Gabz
“Ang tagal naman niyang sagutin” inip na sabi ko. Maya maya ay narinig ko ang pag sagot nito
“Hello Gabz?”
“What the fxck?!” napasimangot ako sa naging sagot ng kapatid ko.
“Kailan ka pa natutong magmura ng ganyan huh?”
“Kuya Ge?! Alam mo ba kung anong oras na?! It’s fxcking three o’clock in the morning! Tell you what, you just disturb my sleep so yeah that’s how I learned how to cuss” I can imagine her rolling her eyes at me
“Well sorry kay? I just need your help. Come over here and you will do me a job”
“GAGU!” yan yung huli niyang sinabi bago niya ako binabaan ng telepono. Tinignan ko yung babae na naka upo sa may sink. Ngayon ko lang napansin—ang ganda niya. Umiling iling ako para ma alis kung ano mang iniisip ko. Naligo na ako para matanggal yung amoy ng alak sa akin. Saktong katatapos kong maligo ng makarinig ako ng door bell. It must be Gaz. Nag tuwalya muna ako, at bumaba. Si Gabz nga ang nabungaran ko sa pintuan. Naka sweatshirt lang ito, pajama and then bonnet. Pero maganda pa rin siya kahit naka simangot na ito sa akin
“Hi kapatid” nakangiti kong bati sa kanya
“Hi your face kuya Ge” nakairap na sabi nito. Pumasok na ito sa bahay ko at nilampasan niya ako. Feel at home.
“Buti nakarating ka”sinara ko na yung pinto at hinarap ko ito. Parang kaharap ko ang female version ko.
“As if na may choice ako—“ natigilan ito maya maya ay nag titili.
“Waaaahh why are you only wearing a towel kuya Ge?!” OA nito. Natawa na lang ako sa inasal niya. Ginulo gulo ko yung buhok niya.
“Are you going to rape me?” inosenteng tanong nito—though I know that she’s just acting
“Silly Gabz. Araw araw mo tong nakikita nong nasa poder pa tayo nila mama at papa. Kasama ko pa sila Gavin at Grin noon na binobosohan mo” sumimangot naman ito sa akin
“Hoo yabang mo kuya Ge! Pero infairness-“ ngumisi muna ito at tinignan ako mula mukha ko hanngang sa waist ko, then she lick her lips
“Yummy-licious pa rin yang katawan mo. Ehh yung kina kuya Gav at kuya Grin—ganyan din ba?” tinawanan ko na lang yung sinabi nito at ginulo ko ulit yung buhok nito. Nagulo yung bonnet na nakalagay sa ulo nito. Si Gabz- kalahating baliw- seryoso at mabait. Wag na kayong mag taka na ganyan ang ugali niyan dahil parang pinag halo halo ang mga ugali namin nila Gavin, Grin at ako sa katauhan ni Gabz.
“So kuya, bakit mo ako pinatawag sa disoras ng madaling araw?” takang tanong nito.
“May babae sa kwarto ko” sagot ko, napataas ito ng kilay

BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…