---
-Gerone-
Ugh fxck ang sakit! Hawak hawak ko yung pinakainiingatingatan ko habang pumasok sa opisina ni Gavin. Bad trip ang amazona na iyon ka asar! Hindi na nga ako nakahalik, nasipa pa ako! I swear, pag nakita ko ulit siya, pagbabayaran niya tong ginawa niya sa akin!
"Waaaah Gavin!" sigaw ko habang papasok ako sa pinaka private office nito. Nagtaas naman ito ng mukha mula sa kung ano ang tinitignan niya sa computer screen at napataas ang kilay ng makita ang hitusra ko
"Oh?Anyare sayo? Para kang bagong tuli niyan ehh" balewalang sabi niya at ipinagpatuloy ang kung ano mang ginagawa niya sa computer niya.
"Tenne! Mas masakit pa to sa tuli! Naranasan mo naman na sigurong masipa diba?!" natigil ito at muli akong tinignan. Tinignan niya yung mukha ko pababa sa mga kamay ko na nakatakip sa *to-toot* ko tapos binalik niya yung tingin sa akin, at napabulanghit ito ng tawa.
"Hahaha seryoso? Nasipa ka gan?!" tawa tawang sabi nito sabay turo sa *to-toot* ko. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Walang nakakatawa Gavin! Ang sakit sakit na nga ng pagkakasipa ehh!" ngumisi ito sa akin.
"Well, naniniwala na ako ngayon. That karma is a bitch. Tinawanan niyo din ako noon nong sinipa ni Mjeille yung *to-toot* ko, kaya ngayon, kayo naman ang mga masisipa sa mga *to-toot* niyo hahaha" sinamaan ko ito ng tingin.
"Langya! Kapatid ba talaga kita?"
"Naman dude. Nasa mukha na ang ebidensya"
"Kung ganon, bakit parang di ka concern sa akin?!"
"Malaki ka na. At tsaka isa pa, pwede Ge? Act like a man! Hindi yung nag papa-baby ka sa amin ni Grin." Nag pout ako.
"Paano kung mabaog ako dahil sa sipa na yun? Paano kung wala ng magkagusto sa akin dahil hindi ko sila mabigyan ng anak? Paano kung di ito tumayo? Paano kung-"
"Paano kung tumahimik ka kaya muna gana at wag kang mag panic? Ang ingay mo ehh" pigil nito sa akin sa iba ko pang sasabihin. Mas nag pout ako.
"Ang mean mo Gavin." Napabuntong hininga na lang ito at napapiling iling pa.
"Alam mo Ge, una sa lahat. Okay lang na mabaog ka kasi may anak naman na ako, may mag papatuloy na sa lahi natin. Pangalawa, may magkakagusto pa din sayo dahil gwapo ka. At panghuli tatayo pa din yan. Tsk" naiiling na sabi nito.
"Talaga?"
"Tsk para kang bata. Sino ba ang sumipa sayo?"
"Si amazona. Langya, pag nakita ko ulit iyon. I swear, pag babayaran niya tong ginawa niya sa akin!" nanlaki yung mga mata nito, maya maya ay humagalpak ito sa kakatawa.
"Haha really? Siya yung nansipa sayo?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba kasing ginagawa ng amazona na iyon dito? Dito ba siya nag ta-trabaho?" automatic na natigil ito sa kakatawa. Tapos tumingin sa akin ng nakakaloko.
"Ge, anong gagawin mo kung dito siya nag ta-trabaho?" nakakalokong tanong nito. Natigilan naman ako. Anon gang gagawin ko kung dito siya nag ta-trabaho? I just shrug
"Bukas Ge. Punta ka ulit dito. May supresa ako para sayo" napakunot noo ako. Ano kaya yun?
"Sir may tawag po kayo, galing po kay Mr.Adrin Lee" inform sa akin nong secretary ko. Andito kasi ako ngayon sa kusina at kasalukuyang ina assist yung mga chef dito. Napakunot noo ako. Ano na naman kayang kailangan nong ugok na iyon? Lumabas ako ng kusina at pinuntahan ko yung telepono
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
