Chapter Twenty Seven

20.8K 405 9
                                    

---

-Alesson-

Nakayuko ako habang naglalakad sa mahabang hallway ng Gavin Andrano Inc.  Paano naman kasi, hawak hawak lang naman ni Gerone ang kamay ko at taas noong naglalakad habang ako nakayuko at gusto ng magpalamon sa lupa. Pilit kong binabawi yung kamay ko dahil lahat ng nadadaanan namin ay napapalingon at napapatitig sa amin. Yung iba mag tataas ng kilay at mag bubulungan.

“Ge—let go of my hand please?” paki usap ko sa kanya. Pero hidi niya binitawan yung kamay ko. Nag angat ako ng tingin at nakita kong mag kasalubong ang dalawang kilay nito at nakakunot noo. Mukha siyang seryoso at the same time parang galit.

“Kinakahiya mo ba ako Ales?” basag nito sa katahimikan. Nandito na kami ngayon sa elevator. Nagulat ako sa naging tono ng pananalita nito. It’s cold.

“Ge, hindi naman sag anon.”

“Then bakit ayaw mong hawakan ko yung kamay mo? Bakit ayaw mong ipaalam sa kanila kung anong relasyon meron tayo? Halos takbuhan mo na ako kanina kung di ko pa hawak mga kamay mo.” Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi nito. Halata mo sa boses nito na galit ito.

“It’s not like that and you know that.” Tumingin ito sa akin.

“I don’t know anything. What I know is that you love me and that’s it. You’re afraid to show it to others like you are ashamed that you and I are together.” Bago pa ako makasagot ay bumukas na yung elevator. Nakita kong ngumiti ito ng mapait at marahang tinulak ako palabas ng elevator.

“Enjoy your day Ales, without me” hindi na ako nakasagot dahil nagsara na yung elevator. Nasapo ko yung noo ko. What happened? Parang kanina lang na ang saya saya namin at ngayon, para naman kaming mag ka away. What have you done Ales?

* * *

Nanghihina na umuwi ako ng bahay. Naabutan ko sa sala si Smirky na prenteng naka upo doon. Nagtaas ito ng kilay ng makita ako.

“Oh? Anyare sayo? Bakit parang luging lugi ka? Parang kanina lang na nag lalampungan kayo ng boyfriend mo gan sa labas ng bahay kaninang umaga ah” dire diretso nitong sabi.  Pero hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kawalan.

“Tell me Ales. May problema ba?” nag aalala nitong tanong. Bumuntong hininga ako at tumango.

“Yup. May problema. Kami” nanlaki ang mga mata nito.

“Agad agad?! Eh kakasagot mo lang sa kanya kagabi ah! Ang bilis naman ng Lq niyo” napayuko na lang ako.

“Right. And it’s my fault. Hindi ko naman siya kinakahiya eh. AKo ang nahihiya. KAsi sino ba ako? Eh hamak lang naman ako na empleyado sa kompanya ng kapatid niya? Eh siya? Isa siyang well known eligible bachelor. Nahihiya ako kasi parang ang layo niya sa akin. KAsi ang taas taas niya kompara sa akin”

“Hay naku Ales! Seriously ang sarap mong batukan ngayon eh! Kung kailan hindi mo kailangang mag drama tsaka ka mag da drama! Hindi mahalaga sa kanya ang estado niyo sa buhay kung milliones ang pera niya at ikaw wala lang! mayaman ka naman talaga eh. Kung di lang ninakaw ng magaling mong kapatid ang dapat na sayo”

“Smirky naman eh! Seryoso ako!”

“Well seryoso din ako Ales! Wag mong intindihin kung anong sasabihin ng ibang tao tungkol sa inyo. Hindi sila ang girlfriend at lalong wala silang alam! Dapat na intindihin mo ay ang boyfriend mo at hindi sila. Aba kahit na sino masasaktan kong parang yung girlfriend mo ay kinakahiyang kasama ka”

“Sabi ng hindi ko siya kinakahiya eh! Nahihiya lang ako.”

“PAreho lang yun!” napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako mananalo sa kahit anong argumento kay Smirky.  Tumahimik na lang ako.

Because of his pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon