---
-Alesson-
*GULP*
Natapos na yung kanta at ito siya ngayon, kung makatitig sa akin sobrang lagkit. Hindi pa ako nakaka recover sa panghaharana niya sa akin tapos may after shock question pa pala siya! Grrr.
“Ano na sweetheart? Pwede na ba kitang ligawan? Or let’s make it officially. Sagutin mo na ako and you are mine” he said that while staring at my eyes. Agad na pinamulahan ako ng mukha ko, kahit kanina pa akong pulang pula sa kinatatayuan ko.
LAhat ng tao na nandirito ay nag silabasan sa kanya kanyang kwarto at ngayon may kanya kanyang nakakalokong ngisi sa kanilang mga labi.
I have to admit it. Serenading me was just too sweet for him to do. Hindi naman na kasi uso ang harana eh. At akalain mo ba ang isang kiss maniac, kiss stealer na lalaking ito ay marunong mangharana? And he has a good soothing voice.
“Sagutin mo na yan Ales!” narinig kong sigaw ni Hawk
“Wag! Pahirapan mo muna!” –Gavin. Sinamaan lang naman siya ng tingin ni Gerone pero ngumisi lang si Gavin.
Tumingin ulit sa akin si Gerone nakataas ang kilay nito.
“Ano? Sasagutin mo na ba ako?” antipatikong tanong nito na ikinainit naman agad ng ulo ko.
“Akala ko ba manliligaw ka muna?!” namumula na ako ngayon sa inis. Ang gulo naman kasi ng lalaking ito eh! Ng ma-realize ko kung ano lang naman ang sinabi ko ay nanlaki ang mga mata ko. Ng tinignan ko ito ay nakangisi na ito.
“So it’s settled then
--
--
I will court you but you are mine already”
* * *
“Ma’am delivery po para kay Ms. Alesson Cortez” napatingin ako sa delivery man na may hawak na bungkos ng red tulips. Napakunot noo ako.
“Ako si Alesson. Kanino galing?” takang tanong ko habang tinuturo yung bulaklak.
“A certain Mr. Gerone Andrano ma’am. Pakipirmahan na lang ito” natigilan ako. Galing kay Gerone? Bakit naman niya ako bibigyan ng bulaklak?
Ano pa ba?! Diba nililigawan ka niya?
Napangiti naman ako kaagad sa naisip ko. Another sweet gesture coming from him. Pinirmahan ko na yung kailangang pirmahan at umalis na yung delivery man. Napansin ko yung card nan aka attach doon. Kinuha ko iyon at binasa
Have a nice day sweetheart
Napangiti ako sa simpleng message na iyon
‘Ang sweet ng loko hmmp!’
Hawak hawak ko pa rin yung bouquet ng red tulips ng biglang dumating yung boss ko. Natigilan ito ng makita yung red tulips na hawak hawak ko tapos napakunot noo.
“Galing kay Gerone?” nakangising tanong nito. Nahihiyang tumango na lang ako.
“Tsk gaya gaya ang ugok na iyon. Alam mo ba na red tulips din ang binigay ko kay Mjeille nong kasalukuyang nanliligaw ako ng lihim sa kanya noon?” nakangiting sabi nito na parang inaalala nito yung nangyari nong nakaraan.
“T-talaga?”
“Yup! I gave her red tulips dahil at that times, we are still cold and distant to each other. At naduwag akong aminin sa kanya that I love her very much. Na inlove na ako ng tuluyan sa charisma niya. “ masayang pag lalahad nito at tumingin sa akin na parang masayang masaya ito.
BINABASA MO ANG
Because of his past
Roman d'amour[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
