---
-Alesson-
Bwiset! Grr! Yung manyakis na yon! Ang lakas ng loob niyang—Arrh! Halikan ako!
Napahawak ako sa labi ko. P-pero. First kiss ko yun! At sa manyakis lang na iyon napunta? Kahit niligtas niya ako kagabi mula sa rapist na yun, hindi yun sapat na rason para halikan ako!
Padabog na binuksan ko yung pinto ng bahay ko. Itutulog ko na lang ang bad trip ko na to. Akmang papasok na ako ng kwarto ko ng makarinig ako ng katok. Napakunot noo ako. Sinong kakatok sa pinto ko? Wala akong inaasahang bisita ko—at wala talaga. Nalilito man ay binuksan ko yung pinto ko—at nagulat ako sa taong nasa harap niyon
“Tadaa! Surprise?” nalaglag yung panga ko.
“Smirky?” takang tnaong ko. Nakangiti itong tumango tango bago ako dinamba ng yakap. Ako hindi pa din nag pa-process sa isip ko na nandito si Smirky
“Waaah! Namiss kita ALesson!” parang batang sambit nito. Hinalikan pa ako sa labi! Haha wag na kayong mag taka. Si Smirky talaga ang first kiss ko. Pero babae siya—kaya friendly kiss iyon. Pero yung lalaking yon—
“Hindi mo ba ako na miss ALesson?” nahinto ako sa pag iisip ko ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng naka pout. Ngumiti ako sa kanya at ako na ang yumakap dito
“Siyempre na miss kita! Gaano na ba katagal mula nong nagkita tayo?” tanong ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Agad naman itong nag pupumiglas
“Aray ALesson! Di naman obvious na namiss mo ako ng sobra? Ang higpit ng yakap mo! Gusto mo ba akong patayin?!” sabi nito at pilit na kumakawala sa yakap ko. Natatawa naman na pinakawalan ko ito.
“Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? At sa bahay ko pa?” taka kong tanong. Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay ko, at pinaupo ko muna ito sa sofa na nasa salas. Mukhang pagod na pagod ito at namumutla pa.
“A—I run away from home” balewala nitong sabi na ikinapanlaki ng mga mata ko. I look at her to see if she is just joking—pero seryoso ang mukha nito.
“You did what?” pag uulit ko para makasigurado. I heard her sigh tapos tumingin sa glass door kung saan makikita mo ang garden ko.
“Nag layas ako. Hindi ko na kaya Ales, masyado na akong sinasakal nila mama at papa. They’re controlling my life for god sake!Wala na ba akong karapatang mabuhay? I want to live freely—na walang nakatali sa mga paa ko” naiiyak na sabi nito. Lumapit ako dito para hagurin ang likod nito. She sob at first tapos humagulgol na ito ng iyak.Alam ko kung ano ang pinag dadaanan ni Smirky. At alam ko kung paano siya pag higpitan ng parents niya.
“Can I stay here for a while Ales?” tanong nito nong humupa na yung iyak niya. I smiled at her then said
“Sure”
“YOU are fired!”umalingawngaw sa kusina ang sigaw na iyon ng boss ko.
“Ahh talaga! You don’t need to fired me, I am quitting!” sabi ko sabay bagsak nong mga hawak kong tasa ng kape at walk out. What a nerve. Manyakis pala ang boss ko na iyon! May hidden agenda pala sa akin kaya ang bait bait—yun pala balak niya akong gawing kabit! I am aware that that old man is married—pero kanina pinatawag niya ako sa office niya para ipagtimpla ko siya ng kape. Sumunod ako kaagad, di ko naman aakalain na habang nagtitimpla ako ay pinisil niya lang naman ang pang upo ko and whisper in my ears to be his mistress! Hindi na ako nakapag timpi kaya binuhos ko sa kanya niya yung kape na tinitimpla ko. Pasalamat siya at hindi sa mukha niya ko binuhos yung kape, kundi lapnos na ang pag mumukha niya ngayon!Grr
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
