---
-Gerone-
“Ano kayang meron?”
“Ewan ko ba at bakit ngiting ngiti si boss chef eh”
“Baka naman inlove?”
“Eh matagal naman na yang inlove kay miss Ales! Ako pa nga tagahatid ng lunch non eh!”
“Eh ano? Bakit ang saya saya niya ngayon?”
Kanina ko pa naririnig yung mga bulungan nong mga chef sa paligid ko. Pero wala akong paki alam. Basta masaya ako. Period.
“Boss Chef?” nilingon ko yung tumawag sa akin
“Bakit chef Rence?”tanong ko at binalik ulit yung atensyon ko sa hinihiwa kong ingredients.
“Bakit ang saya saya niyo ngayon?” takang tanong nito. Ningitian ko lang ito
“Wala lang. lagi naman akong masaya ah? Anong bago?”
“Eh parang doble ang saya niyo ngayon”
“Don’t mind me. Mag luto na lang kayo gan” tumango tango ito bago bumalik sa pag luluto. Hindi pa din napapalis yung ngiti ko sa mga labi ko. Ganito na siguro ang inlove. Walang paki alam kung mukha ng tanga, basta masaya naman.
“Sir Gerone” napalingon kami ng pumasok sa kusina yung nag sisilbi kong secretary. Ah once that Ales and I are married, I’ll ask her to be my secretary para hanggang dito mag kasama kami. Or pag reresignin ko siya kay Gavin at sa bahay na lang siya.
“Yes?” I ask my secretary
“May nag hahanap po sa inyo.” Napakunot noo ako
“Sino?” takang tanong ko
“Ayaw niya pong ipag sabi yung pangalan. Surprise daw. Tsaka kilala niyo naman daw po siya” napaisip ako. Baka naman si Ales ito? Baka gusto niya akong i-surprise? Napangiti ako lalo sa naisip ko.
“Okay paki sabi susunod ako sayo”agad naman na tumalima yung secretary ko. Hinarap ko yung mga chef ko
“Alright! Pag wala ang pusa mag lalaro ang daga. At kayo ayusin niyo ang pagluluto niyo kung ayaw niyong tanggalan ko kayo ng trabaho! Naiintindihan niyo?”
“Yes Boss Chef!” sabay sabay nilang sagot. Napangiti naman ako
“Good! Sige gan na kayo! Mag la-loving loving muna kami ng sweetheart ko!” napuno ng hiyawan yunh kusina bago ako lumabas. Tinungo ko ang opisina ko na may ngiti sa aking mga labi. Binuksan ko ang pinto ng opisina ko at—
“Hello sweet—“ hindi ko na natapos ang kung ano mang sasabihin ko. Because, in front of me is
“Hello Gerone, miss me?” mapang akit na tanong ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Nagbaga ang mga tingin ko.
Meet Alexandra Santos, or Alex, ang babaeng nasa nakaraan ko at pilit kong binabaon sa limot para kay Ales. Bakit kung kailan perpekto na ang lahat? Tsaka naman babalik ang babaeng ito?
“What are you doing here?” malamig kong tanong. Lumapit naman ito sa akin, na parang inaakit niya ako.
“Bakit babe? Hindi mo ba ako na miss?” mapang akit na tanong nito. iniyakap nito ang mga braso sa leeg ko na agad ko namang binaklas.
“Don’t touch me Alex” malamig kong sabi.
“Bakit? Don’t you love me anymore baby?”mahinang tanong nito sa akin.
“Yes. I don’t love you no more Alex so please leave my office now.”
“Ouch. Napaka straight forward mo naman baby. Why? Is that because my bago ka ng minamahal ngayon? I thought your love for me is unconditional? Eh bakit parang ngayon limot mo na ako?”
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
