---
-Alesson-
Nakatulala lang ako sa kawalan. Nandito ako ngayon sa opisina at wala akong magawa. Parang walang balak mag share si Sir Gavin ng mga paper works niya tsk tsk tsk. Kaya ang ginagawa ko buong maghapon ay maghintay ng tawag ng mga client at i-take down notes ang mga appointment nito.
*KRRRIIIIINNNNG*
Napatalon ako sa gulat ng biglang mag ring yung telepono. Nanginginig yung mga kamay ko na itinaas yung receiver at sinagot iyon.
“Hello good morning sir/ma’am. You are calling from Gavin Andrano Inc. and this is the president secretary, how may I help you?”
(n
: alam kong mali. -_- wala akong alam sa mga ganyan kaya peace po)
“Hello sweetheart. Ang galang mo naman” natigilan ako at parang nalunok ko bigla yung dila ko. Hindi ako nakasagot agad. Boses pa lang alam ko na kung sino ito. Lumipas ang ilang sandali at nanatili kaming tahimik. Nakiramdam ako at narinig ko itong nag chuckle mula sa kabilang linya.
“Haha surprise sweetheart?” pang aasar nito sa akin. Tumigin ako sa salamin na andon sa table ko and I swear, nakikita kong namumula ang magkabilang pisngi ko.
“W-who’s this?” pag mamang maangan ko. Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya.
“Sweetheart. Ang sama mo. Bakit mo kinakalimutan ang gwapong boses ko? And you should recognize me because of the endearment I used to call you. Don’t tell me may iba pang tumawag sayo ng sweetheart? I swear, bubugbugin ko man kung sino yun” hindi ako naka imik sa sa sinabi niya. How can be this man so sweet, and mean at the same time?
“Tsk anong kailangan mo?” tanong ko na lang
“I want you” mas dumoble ang pula nong mukha ko ngayon. Ipinag papasalamat ko na a telepono kami nag uusap ngayon, kundi aasarin na naman ako ng lalaking ito. Narimig ko ulit itong natawa.
“I badly wanted to see your face right now. Because I know ,
--
You’re blushing like a hell”
Napasinghap ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman? Or hula lang niya?
“Kapal ng mukha mo ahh! Ako nag ba-blush? Asa ka! Bakitnaman ako mag ba-blush huh?”
“Because I want you” nanahimik ako.
“I want to be with you. I’m coming there in a minute. Wait for me. Mag da-date ulit tayo”
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw?!
“W-wait, what do you mean?”
“Secret. It’s a surprise” yun lang at denial tone na yung narinig ko.
-Gerone-
Napailing na lang ako nong binaba ko yung telepono. Damn. Anong nangyayari sa akin? Napatingin ako sa repliksyon ko sa salamin mula sa glass wall ng opisna ko.
“I’m smiling like an idiot” nasabi ko
“And you’re talking to yourself like an idiot” muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan kong swivel chair.
“Sh.t!” pagmumura ko. Napatingin ako sa nagsalita, and yeah right. Hindi niyo na kailangang maghula kung sino ang mga ito.
“Hahaha ang epic nong reaksyon mo Gerone!” pang aasar sa akin ni Drin
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romansa[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
