---
-Epals pov!
Hello guys! May nagbabasa ba?Ako si Epal slash narrator! Ang mga naka italicized na words ay flashback lahat! So yun lang kung may nag babasa man, thank you in advance!
* * *
-third persona-
“Oh sh.t!” napamura si Gerone ng may mabunggo siyang babae. Pag tingin niya sa babae ay napakurap kurap siya.
“Ano ba yan! Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo!” singhal sa kanya nong babaeng nabunggo niya. Hindi agad siya nakapag react. Paano nga ba mag react ang isang torpeng lalaki kung ang nabangga niya lang naman ay ang matagal na niyang crush na babae?
“Hoy ano ba! Tutunganga ka lang ba gan?! Wala ka bang sasabihin?!” galit na sigaw nito sa kanya.
“Ahh kwan, sorry” nahihiyang sabi ni Gerone. Napakamot siya sa batok niya
“Umh, hindi ko sinasadya na mabangga ka”
“Next time tumingin ka sa dinaraanan mo! Gerone Andrano” irap nitong sabi sa kanya bago tumalikod. Nagulat siya dahil nakilala siya nito sa kabila ng pag kakaroon niya ng dalawang kakamabal.
“Teka Alex!” habol niya dito. Huminto naman ito at tinaasan siya ng kilay.
“Aba at kilala pala ako ng isang Gerone Andrano” nakangiting sabi nito sa kanya. Pinamulahan naman siya ng mukha. Ningitian siya ng crush niya! Shet kinikilig ako!
“Ahh oo naman. Sikat ka din naman sa school dahil ikaw ang cheer leader ng cheering squad.”
“Oww ganun ba?” nakangiti nitong sabi.
‘Oh lord! Hihimatayin na ata ako dahil sa ngiti ng anghel na ito!’
“Oo ganun na nga. Ikaw paano mo ako nakilala? Eh may dalawa pa akong kakambal?”
“Ah kasi ikaw lang naman ang kulot sa inyong tatlo. Si Grin naman ay may suot na eyeglass at suplado si Gavin normal lang. ikaw may pag ka kulot yang buhok mo kaya alam ko” parang tumalon naman yung puso ng binata sa kanyang narinig. Napapansin pala siya ni Alex kahit papaano.
“Sige Gerone mauna na ako sa klase ko. Sorry kung nasungitan kita, akala ko kasi suplado ka katulad ng mga kapatid mo na sila Gavin at Grin”
“Ha? Naku hindi ah! Ako kaya ang pinaka mabait sa aming tatlo!”
“Ah talaga? Ang sakit naman yang pakinggan!” wika ng isang tinig na nanggagaling sa likuran namin. Bago pa ako makalingon ay naramdaman ko ng umakbay ito sa akin.
“Hi there kamabal kong Gerone! Umagang umaga nang chi-chick ka! What’s up? And who’s this girl?” tanong nito sabay nguso kay Alex
“Wala ka na dun Gavin!” asar kong sabi. Paano naman kasi! Ngayon lang kami mag uusap ni Alex eepal pa sa moment namin!
“Sige una na ako sa inyo guys, ma lalate na talaga ako!” paalam ni Alex sa amin sabay takbo papaalis.
“Sige bye miss beautiful” paalam naman dito ni Gavin.
“Teka Alex—“ akmang hahabulin ko na siya ng hinila ni Gavin ang kwelyo ko sa likod.
“Ano ba Gav! Bitiwan mo nga ako! Wrong timing ka naman oh! Ayon na oh kausap ko na si Alex tapos e-eksena ka?! I so hate you right now!”nakasimangot kong sabi sa kakambal ko. Pero tinawanan lang ako ng loko! grrr
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…