---
-Gerone-
Tahimik kong pinag mamasdan yung mga pinsan kong nag haharutan. Nandito kami sa isa sa mga beach resort ni Drei. Ang resort na ito ay inilaan niya lang para sa amin. Private kumbaga. Napabuntong hininga na lang ako.
“Ang lalim naman non Ge” nagulat ako sa dahil mayroong biglang ang salita. Nilingon ko ito at nakita ko si Gavin.
“Sinong iniisip mo? Si Ales ba?” tanong ni Gavin. Nasamid naman ako sa sinabi nito. Naiilang na nag iwas ako ng tingin.
“No” matigas kong sagot.
“Oh really? I think she miss you too” sabi nito na ikinatigil ko. Si Ales? Na miss ako? Para naman tumalon yung puso ko sa sinabi nito. Pero agad kong sinuway yung sarili ko.
“Hahaha” I fake a laugh. “Iyon ma mi-miss ako?” sabay turo ko sa sarili ko. “ Are you kidding me Gavin?” asar kong tanong. It’s been a week since the last time that I saw her. And just hearing her name makes me want to hug her and kiss her. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nag pakita sa kanya ng isang linggo. I admit. Iniiwasan ko siya. Pero hindi ko din alam kung bakit ko siya iniiwasan. Maybe I wanted to think. Dahil parang lumalalim ang epekto sa akin ni Ales. At hindi iyon pwedeng mangyari.
“Hindi kita binibiro. Natatanaw ko minsan si Ales na nakatulala at mukhang malalim ang iniisip. Minsan pag lalapitan ko siya ay agad itong mag tataas ng tingin as if that she’s expecting someone else, and that is you. Tapos kung makikita niya na ako lang iyon, ang lungkot nong mukha niya. Bakit mo ba kasi siya iniiwasan Ge? Akala ko ba liligawan mo na siya?” nakakunot noong tanong sa akin ni Gavin. Hindi ako nakasagot.
“Nga pala. I invited her here. Kahit wala naman talaga akong ipapagawa sa kanya, pinapunta ko na siya dito para magkita na kayong dalawa at ng mag kausap na kayo” nakangisi nitong sabi. Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi nito.
“Bakit mo ginawa iyon?!” freak out ko. Pero ningisian lang ako ng GAGU kong kapatid. Grr!
“Kasi pakipot ka pa Ge. Tsk tsk tsk ikaw din. Pag may naka agaw sa kanya, bahala ka sa sarili mo! Manliligaw ka na nga lang to-torpe torpe ka pa!” kinabahan naman ako sa sinabi nito. Paano nga kaya kung sa loob ng isang linggo ay may umaaligid na dito? Nong nilalapitan ko pa nga ito ay may umaaligid na sa dito na mga ka-opisina nito. Ngayon pa kayang wala ako sa tabi nito?!
‘Damn sh.t! bakit ko kasi siya iniiwasan! Arrgh’
“Sino ang maghahatid sa kanya dito?” tanong ko. Private resort ito. At tanging kami lang na mag kakamag anak ang nakaka alam kung paano makapunta dito. Kung mag dadala naman kami ng mga ibang tao dito—malabong makabisa nila ang papunta dito. Dahil iikot iikot muna kami at tsaka bago may papasukan kaming isang daanan na parang hindi nadadaanan ng mga tao at iilan lang ang napapadaan na mga sasakyan. Mga naliligaw.
Hindi ako sinagot ni Gavin. Ningisian lang niya ako.Na lalong ikinainis ko.
“Damn Gavin! Sino!” hindi pa din ito sumagot. Bagkus ngumuso ito. Napalingon naman ako sa ninguso nito. Napakunot noo ako ng makita ito doon—
Tumatawa kasama ng pinsan naming si Hawk. Natigilan ako ng makita kung gaano ito kasaya kasama si Hawk. Parang kumukulo yung ulo ko sa nakikita ko. Naitikom ko yung kamao ko at nangigil na iyon ngayon. Nanggigigil na makasapak ng tao.
“Na mi miss pala huh” mariin kong sabi.
“Ge—“ hindi ko pinakinggan ang pagtawg nito sa akin. Nilapitan ko na ang mga ito. Bahagyang nakayuko noon si Ales. Saktong nasa harapan na nila ako ng mag angat ito ng tingin. Halatang nagulat ito na makita ako doon.
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romansa[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…
