Chapter Thirty Four

24.6K 466 3
                                        

---

-Gerone-

Nakaupo ako ngayon sa sofa na nasa sala ng bahay ni Alesson. Kaharap ko ngayon si Smirky na nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Seryosong seryoso ito at pinag papawisan na ako ng malamig dahil sa tingin nito.

“Ikaw” napa ayos ako ng upo ng mag salita ito.

“A-ako nga”

“Seryoso ka ba talaga kay Ales?”

“*gulp* O-oo seryosong seryoso.”

Tinignan ako nito at nag smirk. Kinabahan ako sa ngiti nito.

“Weh? Baka saktan mo lang ulit siya. Mapapatay talaga kitang unggoy ka.” Bigla naman akong napaseryoso sa sinabi nito.

“Alam kong ang g*go ko Smirky sa ginawa ko kay Alesson. At hindi ko maipapangakong hindi siya masasaktan ulit. Pero isa lang ang sinisiguro ko sayo. Masaktan ko man siya sa hinaharap, ay may dahilan iyon at para ko na ding sinaktan ang sarili ko. Pero mahal ko si Ales, kaya handa kong gawin ang lahat at hanggat maari hindi ko siya masaktan.” Nakangiting tumango tango ito at bumuntong hininga at nag pout. Sumandal ito sa sofa.

“Alam mo ang sweet mo. Kung ganyan lang ang irog ko sa akin, masaya na ako” nakangiting sabi nito. Napangiti na din ako.

“Seryoso ka ba sa kakambal ko na si Grin?” nakangisi kong tanong.

“Oo naman. Mukha ba akong nag bibiro?”

“Para kasing oo eh. Parang binibiro mo lang si Grin. Parang gusto mo lang siyang inisin.” Ngumisi naman ito pabalik sa akin.

“Bakit ang talino mo huh? Paano mo nalaman?” tumawa ito

“Tama ka. Gusto ko lang inisin yung kambal mo na yun ang seryoso kasi masyado eh *laughs*”

“Yan si Grin. Kung ako puro kalokohan, siya naman saksakan ng kaseryusuhan. But thanks anyways, kailangan nga ng kapatid ko ang isang tulad mo para naman kahit paano umingay yung buhay niya. Aba ikaw lang ang may kayang makapag pasigaw sa kanya” humagikgik ito.

“I know right. Teka asan na ba yung date mo? Ang tagal atang bumaba?”

“Tsk di makapag hintay Smirky? Bakit kasi ito pa ang pinasuot mo sa akin!” agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko doon si Alesson, wearing a black dress that hug her curves perfectly. Napalunok ako ng laway ng makita ito. She’s gorgeous wearing that dress. Tumutunog yung suot nitong stilettos heels. Nakapusod din ang buhok nito pataas, just leaving a strands of her hair sa may bandang mukha, leeg at likod. Simple lang din ang pag kaka make up nito.

“Oh! Ito na pala ang aking masterpiece eh! *Evil laugh* “ – Smirky

tumayo ako para alalayan itong mag lakad. Mukhang hirap na hirap ito sa suot na sapatos.

“Mukhang nahihirapan ka. Okay lang naman na mag flat shoes ka eh” sabi ko. Agad naman na komontra si Smirky

“Hep! Ang baduy niyo alam niyo yun? Okay lang yan angan ka naman na aalay sa kanya eh! At tsaka tsansing na rin yun sayo no bwahahaha!” agad ko naman itong sinamaan ng tingin pero ningisian niya lang ako.

“Hep! Umalis na nga kayo! Humayo kayo at mag parami mwahahaha!”

Napailing na lang kami ni Ales. Ibang klase si Smirky tsk.

* * *

“Tsk inayusan ako ni Smirky sa bahay mo lang pala tayo mag di-dinner” natatawang sabi ni Ales. Ningitian ko lang ito at pinatay na yung makina ng sasakyan ko. Bumaba ako para pag buksan ito ng pinto at alalayan makababa.

Because of his pastMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon