Chapter Twenty Four

19K 394 4
                                        

---

-Alesson-

“Ma’am delivery po para sa inyo” nag angat ako ng tingin at nakita ko si Mang Nelson na ilang linggo ng pabalik balik dito. Ningitian ko lang ito at pinirmahan na ang kailangang pirmahan.

“Hindi niyo pa po ba sasagutin ang manliligaw niyo ma’am? Abay’y nag sasawa na din akong pumunta dito kaya sagutin niyo na” ningitian ko na lang ito. Mag i-isang buwan na kasing nanliligaw si Gerone sa akin eh. At sa loob ng isang buwan na iyon lagi itong nag papadala ng teddy bear sa akin na may kasa-kasamang red tulip palagi. Para ngang teen ager kong makapanligaw ang lalaking iyon eh.

“ Good noon miss Ales, ito po ang special lunch niyo for this day. Si boss chef po ang mismong nagluto” kiming ningitian ko na lang ito pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

“Ah kwan paki sabi sa kanya Rence na thank you” ngumiti ito.

“No problem ma’am! Balik na po ako sa kusina, as usual pinalayas na naman ako ni boss chef! Kung di ko lang mahal ang boss ko na iyon di ko pag titiisan ang ugali non” nakabusangot na turan nito.

“Hala alis na baka mag alburoto iyon pag natagalan ka pa” pag tataboy ko dito

“Yes ma’am” sumaludo pa ito bago umalis. Pagkaalis nito ay niligpit ko ang kalat sa table ko at binuksan na yung tapper ware na pinaglagyan ng ulam. Napangiti ako ng makitang menudo iyon at afritada. May kasama iyong buko salad at tubig. Kinuha ko yung kasamang card

Eat well sweetheart , wag kang mag palipas ng gutom’

Ismiled upon reading the simple message.

“Pahingi naman ng ulam miss Ales” asar sa akin ng mga kaopsina ko. Pag ka alis na alis kasi ni Rence ay nagkumpulan ang mga ito sa cubicle ko.

“Araw araw ka na lang may libreng lunch galing kay sir Gerone ah” panunukso ng isa pang kaopisna ko na si Nelly. Agad na namula yung mukha ko sa sinabi nito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga ito na si Gerone ang may pakana ng lahat na ito. Dahil lagi itong nag pupunta pag closing hours na at sinusundo ako.

“Sagutin mo na kaya?” komento naman ni Jason

“Para di na mahirapan” dagdag ni Nelly

“Pag yan nainip, bahala ka” nakangising sabi ni Jason

“Kasi ako ang sasalo sa kanya!” ang malanding tili ni Jen. Sinamaan ko nga ito ng tingin na ikinatawa lang naman nito.

“Ito naman! Masyadong possessive! Biro lang no. As if naman na pansinin ako ng papabol na iyon kung nasa iyo lang naman ang mga mata non!”- Jen

“Tama! Kaya kung nagtanong na kung pwede na, sagtuin mo na para naman official na kayo na. Alam mo na madaming bubuyog gan sa tabi tabi na gustong makadapo sa bulaklak mo”-Nelly

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Nelly. Paano nga kaya kong mainip na ito? At maghanap ng bago?

*DUG DUG*

Iniisip ko pa lang. Parang nahihirapan na ako

“ teddy bear na naman?” kunot noong tanong sa akin ni Gavin ng lumabas ito ng opisina niya. Pauwi na ito dahil closing hours na.

“Tsk hindi na nag sawa. Hindi na ako magtataka na punong puno na ng teddy bear ang bahay mo Ales. Ginagawa ka niyang bata” naiiling na wika nito. Ningitian ko na lang ito. Puno na nga yung cabinet na binili ko para pagtambakan ng mga teddy bear na binibigay nito.

“O siya, mauna na ako. Nangan naman na ang sundo mo eh” at ngumuso ito. Nilingon ko ang ninguso nito at doon ko nakita si Gerone na wagas kong makangiti habang nakatitig sa akin. Tumayo na ako para salubungin ito.

Because of his pastMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon