---
-Gerone-
Hindi na ako naka react pa sa sinabi ni Drei. Gusto ko na itong sakalin dahil sa ginawa niyang pangbubuking sa akin.
“Okay lang yan pinsan!” naramdaman ko ang pagtapik sa akin ng siraulong si Drei…kahit hindi ko ito lingunin—alam kong siya iyon boses pa lang niya alam ko na—ganon kami ka close.
Nilingon ko ito at binigyan ng pinakamasamang tingin na kaya kong I master, pero ang loko tinawanan lang niya ako. Umupo ito sa tabi ko.
“Anong okay? Sinira mo lang naman yung diskarte ko!” inis na sabi ko. Pero tinawanan lang niya ulit yung sinabi ko.
“Alam mo pinsan daig mo pa ang pagong” napakunot ako pero nanatiling masama ang pagkakatingin ko dito.
“Ayan ka na naman sa mga bugtong mo Drei! Pwede? Wag mo akong kakausapin gamit yang alien language mo!” agad naman itong nag pout
“Tsk slow ka lang!” nakapout pa din ito
“Ano ba kasing ibig mong sabihin?” tanong kong bad trip na din
“Kasi pinsan—ang bagal mo! Ang torpe mo! Ako na nga ang gumawa ng moves para malaman ni Ales na gusto mo siya ehh! Pero wala ka namang ginawa kundi ang umupo dito at titigan siya!—aray ko” binatukan ko nga . Ang daldal na ehh at tsaka tama naman ito. Wala na akong ginawa kundi ang umupo dito at titigan siya. Pero—
“Mali pa rin ang ginawa mo! Pinangunahan mo ako! Binigla mo yung tao, ngayon ano ng sasabihin niya? Na sinasamantala ko ang pagiging boss ni Gavin sa kanya at pag lalaruan ko lang siya. Kaya wag mo sabihing na dapat thankful pa ako sayo Drei, dahil sa totoo lang—kanina pa nangangati kamay kong sapakin ang pagmumukha mo! Panira ka ng diskarte badtrip ka!” natigilan ito at halatang nag iisip
“Oo nga no?" ngali ngali ko tong mabatukan.
“Pero ano bang ginagawa mong diskarte huh? Titigan siya? Magpapansin sa kanya? Dude! PArang kang high school dafuq lang” nakasimangot na sabi nito. Para naman akong natamaan sa sinabi ni Drei. Para nga akong high school dahil wala na akong ginawa kundi ang magpapansin sa amazona na iyon
At ang nakukuha ko ay ang pagsusungit pa nito sa akin. Mas lalo pa siguro itong naasar sa akin sa pag pwersa ko ditong sumama sa akin. Agad na uminit yung ulo ko.
“Ehh anong gusto mong gawin ko?!” ngumisi ito ng nakakaloko sa akin. Tae , ayaw ko pag ngumingisi ang isa sa mga pinsan ko o ng kambal ko—dahil iisa lang ang ibig sabihin ng mga ngisi namin
--
Kalokohan
-Alesson-
Kanina pa kami na andito sa reception ng binyag—kung saan ay sa hacienda ng mga Andrano ginanap—at kanina ko pa ramdam ang mga matang parang laging nakasubaybay sa bawat galaw ko. Gustuhin ko mang lingonin kung sino ang taong iyon ay hindi ko magawa dahil natatakot ako na malaman ko na baka hindi SIYA iyon.
Heto na naman ako nag a-assume. Ayaw kong tumingin dahil baka kung malaman kong hindi naman pala SIYA iyon—ma disappoint na naman ako.
“Alesson” nanigas yung likod ko habang nagmumuni muni ako ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. Boses pa lang niya—alam ko na kung sino ang tumawag sa akin non, at parang ang sarap sa pakiramdam ng bangitin nito ang pangalan ko. Nilingon ko ito
“A-Axel” I stammer when I said his name. Yeah Axel, bakit sinong akala niyo?
“Hi long time no see! Di ko aakalain na dito kita makikita” nakangiting sabi nito
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…