I GOT TAGGED -_-

18.7K 215 32
                                    

_________________________________________________________________________

SORRY, NOT AN UPDATE! I JUST GOT TAGGED BY MY KAPS ^_^
@CreamyIce, lol siya ang me salarinin nito XD

Haha lol, I wonder kung may nag babasa nito? XD siguro wala—kung meron man—mga napadaan lang ^_^

So 20 facts about me! Sasagutin ko kahit SIYA lang ang interesado! Ohh kaps! Asahan ko din yung sayo  huh

#1.100% hot tempered! Mainitin ang ulo ko! Lol tinagalog lang? Haha basta mainitin ulo ko—na kahit konting bagay lang ehh naiinis na ako! Madali akong magalit sa mga maiingay na tao—I mean yung tilian nila -_- masakit kasi sa tenga at na ba-bad mood ako pag naririnig ko yung ang lakas lakas na tilian na parang nakalunok ng megaphone at speaker sa lakas

#2. Reverse Psychology ako! Salungat sa sinasabi ko ang totoo pag bad mood ako -_-Tulad na lang ng  pag galit ako, hindi mo malalaman. Halata mo naman na , na bad mood ako sa ginawa mo, pero once na tinanong mo ako kung galit ba ako, hindi ako aamin. Ayaw ko kasi ng may nag so-sorry sa akin at nag tatanong kung galit ako. Nakakairita lang—kasi paulit ulit na mag tatanong at hihingi yan ng sorry -_- kahit sinasabi mo na okay na.

#3. Ayaw ko ng nag tatanong sa akin kung GALIT AKO SA KANYA -__-, tanungin niyo na ang lahat , wag lang yan! Maiirita lang ako pag tinanong niyo yan—yung tipong hindi ako galit sa inyo tapos tatanungin niyo yan sa akin—magagalit ako sa inyo ng biglaan. -_-

#4. Mahilig ako sa lahat ng genre ng movies! Specially horror movies, then comedy, lahat na—except sa romance -_-… oo, nagsusulat ako ng romance -_- pero di ibig sabihin non—mahilig na ako sa cheesy! Lol, na ko-cornihan na kasi ako pag napanood ko na mismo -__- tapos mag sasabihan sila ng chenes na lines , utang na loob pahiram ng earphones niyo! XD, ang labo ko po no? Nag susulat ako ng cheesy lines—pero ayaw kong makarinig? -_-

Haha mahilig din ako sa Anime! At cartoons

#5.TOPAKIN AKONG TAO.. para sa akin, ang topak ay ang mood. Mabilis mag bago ng mood ganun. Ngayun baliw ako, tapos mamaya, magiging malungkot or bored, tapos maiirita , magagalit tapos tatawa? Tawag nga sa akin, baliw! Kasi nga ang bilis kong mag bago ng mood! 

#6. Music lover! Lalo na ang bands! Inlove ako sa boses, I know I’m weird, pero di ko maiwasang ma LSS sa isang song, may times na papakinggan ko lang ang isang kanta sa loob ng isang oras or dalawang oras!Tapos pwedeng araw araw -_-…

#7. Hmm, mahilig ako sa maanghang na pagkain! Pero hindi yung sobrang anghang—mga mild lang, baka di ko na kaya. Ayaw ko ng mga matatamis na pagkain—tulad ng cake . Pero kumakain din naman ako paminsan minsan kung favorite ko yun. Favorite ko ang street foods ^__^ 

#8. Paborito kong kulay ang Blue(any color that is related sa color Blue) wala lang—ang cute kasi sa mata—at ang sarap tignan. Next ang white, then gray, at nahihilig na din ako sa color black. Ayaw ko ng mga girlish color like pink at purple—wala lang. Di ko lang sila gusto (no offense meant sa mga mahihiig sa color na iyon)

#9. Boyish ako. Wala akong crush—at never na inlove. At tsaka mas gusto ko ang nasa jeans at t-shirt kesa Dress or palda. -_- . Wala akong crush—kasi once na nararamdaman kong malapit na ako doon—gumagawa ako ng way para ma distract ako. Ayaw ko ng make up! 

#10. Hobby ko na ang mag sulat, nag simula ako nong grade five ako. 

#11. Ang subject na A.P lang ang subject na hindi ako na bo-bored. Sobrang active ako doon—specially kung involved ang Europe sa topic. Yung ibang subject—minsan tinutulugan ko na kasi hindi naman ako interesado. Pero kahit natutulog ako—bukas pa naman yung tenga ko para makinig sa mga lectures. Yun nga lang—hindi ako active. Active din ako sa Math—try niyong tulugan ang math—tignan natin kung di kayo bumagsak -_-. Math ang pinaka challenging na subject para sa akin—at ito ang basehan ko ng talino ng isang tao—kasi hindi naman ito tulad ng ibang subject na kailangan ng memorization para makakuha ng grade—ang kailangan mo dito ay ang skills mo sa pag solve ng mga problem. So kung magaling ang isang tao sa math—para sa akin matalino na ito.

#12. Tamad ako. Madali kasi akong ma bore at tinatamad ako pag ganun. Hindi ako nag re-review pag may exam kami—tsaka lang ako mag re-review kung nasa school na ako, tsaka ako mag pa-panic. Hindi din ako gumagawa ng assignments sa bahay—sa school ako gumagawa. Pero pag related ito sa arts—gagawa ako sa bahay.  Madali lang din akong patawanin. Kahit corny na jokes natatawa ako—yun ay kung close ko ang nag joke non. Weird din kasi lahat ata ng bagay tinatawanan ko—kahit di naman nakakatawa -_-

#13. Friendly ako, pero mahiyain in person. Pero pag close tayo, WALANG HIYA ako. Lol,minsan mataas ang confidence ko, minsan naman dina-down ko ang sarili ko.  Kung gaano ako ka walang hiya dito—sobrang mahiyain naman ako in person.

#14. Ayaw ko ng naiistorbo ako—pag busy ako, kunware gumagawa ako ng project—tapos bigla niyo akong uutusan—or guguluhin. Magagalit at masisigawan ko kayo—pero mag so-sorry naman ako pag katapos.Na di-distract at na a-out of focus kasi ako pag ganun. Ayaw ko din ng pinapanood ako pag may ginagawa ako. Naiilang kasi ako pag tinititigan ako. At tsaka ayaw ko ng may gumagaya sa akin. 

#15. Mahilig akong mag puyat.

#16. Masochist ako at manhid. Kahit sinasabihan na ako ng masasakit na salita—kahit kinukutya na nila ako—pinapalabas ko na lang sa kabila kong tenga—at dinededma na lang ito—kasi immune na ako sa sakit. Sanay na sanay na akong mapaasa at makatangap ng rejection. Sanay na akong ma out of place at masermonan ng mama ko. Hinid ako showy at malambing. Cold at distant ako. Walang nakaka alam kung sino ang totoong ako. Kasi akala nila—masaya ako—kasi nag papatawa ako at nakangiti ako—pero mascara lang ang mga tawa at ngiti na iyon—kasi once na nag iisa ako. Yun ang tunay na ako. Mahina at malungkot.

#17. Wala akong ka sweetan sa katawan. Naiilang ako pag benebeso ako, niyayakap ako at kumakapit sa braso ko.

#18. Fickle minded ako—at wala akong isang salita -_-… shems lang, yan ang pinaka ayaw kong ugali.

#19.  Hindi ako talented—kasi wala naman akong talent. 

#20.Madali akong mairita sa ingay. 

Yan ang 20 facts about me. Siguro kaps, mas nakilala mo pa ako dito? XD…sa mga ibang nag basa—ahem! Yan si MsSleephead ^_^ , allergic sa romance—pero nag susulat ng romance -_-….. haha hope na nagustuhan mo kaps, at NIYO naman kung may nagtangkang mag basa :)

1. Once tagged you are to write 20 facts about you.

2. Dedicate this to the person who tagged you.

3. Invite others to play this kind of game.

Because of his pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon