--
-Gerone-
“Gerone ayaw ko ng late”
“OO na! Sino bang nag sabing ma la-late ako?”
“Tsk kilala kita! Walang araw na hindi ka na late!” napasimangot naman ako sa sinabi ni Gavin. Kasalukuyan ko itong ka usap sa telepono at halos mag ka undagaga na ako sa pag bibihis – dahil late nga ako na nagising.
“PAg ikaw na late—I swear hindi kita papapasukin sa simbahan!” banta nito. I just smirk
“Don’t worry—hindi ako papayag na ma miss ko ang isa sa pinakaimportanteng okasyon ng mga pamangkin ko”
“Siguraduhin mo lang!” sigaw nito. Napailing iling na lang ako. Ngayong araw na ito ang binyag ng bagong triplets ng Andrano. And since ako tong si Mr. Always Late—talagang naka todo ang bantay sa akin ni Gavin para di ma late—pero heto ako sa kwarto ko at halos hindi ko ma isuot ang damit ko sa pagmamadali.
Yeah right ako na si Mr.Always late
Halos paliparin ko na yung sasakyan ko sa bilis ng pag papatakbo ko. Ng biglang—
*PREEENO*
Agad kong tinapakan ang break ng sasakyan ko ng makita ang isang tricycle na nasa gilid ng daan at nakita ko si Amazona na nasa harapan at kinakausap yung driver. Napanganga ako ng makita ko ito. Simpleng white dress lang ang suot nito, pero bakit parang mas gumanda siya lalo? Tapos nakalugay pa yung buhok niya. Natigil ang dalawa sa pag uusap at napatingin sa akin. Napakunot ito ng makita yung sasakyan ko. Kaya binaba ko yung bintana at nagulat ito ng makita ang gwapong si ako. Kumaway ako sa kanya.
“Hello sweetheart!” bati ko dito. Agad naman na namula yung magkabila niyang pisngi. The last time na nag blush siya hinalikan ko – okay. Wala na akong sinabi.
“What are you doing here?” takang tanong nito.
“Sa pagkaka alam ko daanan ito ehh. So malamang na pwede akong dumaan dito?” pamimilosopo ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Binalingan ko na lang yung tricycle driver na napapakamot ng ulo habang nanunuod sa amin.
“Manong, ano hong problema dito?” magalang kong tanong.
“Naku hijo, nasiraan ako. Mahina na kasi ang maintenance ng tricycle ko ehh, di ko naman inaasahan na mangyayari ito” tinanguan ko yung tricycle driver.
“Ano na pong gagawin niyo?” tanong ko
“Ehh sabi ko kay ma’am , aayusin ko po yung makina. May mga gamit naman po ako gaan. Pero matatagalan pa ho bago maayos. Ehh baka mahuli na si ma’am sa pupuntahan niya” sagot nito. Tinignan ko ulit si Ales. May ideya na ako kung saan ito pupunta.
“Kung ganun—makisabay ka na lang sa akin Ales” offer ko dito, pero napakunot noo lang ito
“Bakit naman ako sasabay sayo?” nanlalaki ang mata nitong tanong habang nakatingin sa akin.
“KAsi nasiraan ng tricycle si manong” sagot ko sa tanong nito. Hindi ito naka imik
“Kaya kong maghintay dito hanggang matapos si manong” sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin. Napakamot ng ulo yun tricycle driver.
“Naku ma’am aabutin tayo ng siyam siyam dito”- manong. Tinignan ko ito. Mukhang ditermenadong huwag makisabay sa akin.
“Tsk ma la-late ka na sa pupuntahan mo. BInyag ng anak ng kapatid ko ang pupuntahan mo diba?” napanganga ito at nanlalaki yung mga matang tumingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…