Chapter Twenty

21.2K 382 3
                                        

---

-Alesson-

Maaga pa lang ay gising na ako. Naligo na ako at tsaka nagbihis ng damit na angkop sa pupuntahan namin mamaya. Isang bulaklaking bistida ang isinoot ko, kulay asul iyon at kulay puti ang mga maliit na bulaklak na desenyo nito. Abot hanggang lagpas ng tuhod ko ang haba, sleeveless iyon. Tinernuhan ko iyon ng sombrero at sandals. Bitbit ang bag ko na naglalaman ng ilang damit at gamit ko ay bumaba na ako ng bahay.

“Wow ang ganda mo naman! Sabi ko sayo ehh, bagay mo” ningisian ako ni Smirky. Sinimangutan ko lang ito. Dapat kasi mag papantalon ako at t-shirt kaya lang sabi ni Smirky hindi angkop ang suot ko sa pupuntahan namin. Kaya pinahiraman niya ako ng damit niya at pinilit na iyon ang isuot.

“Tsk ewan sayo Smirky! Ikaw na ang bahala dito sa bahay huh? Wag kang magpapapasok ng mag nanakaw!” natatawang sumaludo ito sa akin

“Opo commander! Takot ko lang sa inyo” ang nakabungisngis na sabi nito. Sesermunan ko pa sana ito kaso may bumusina. Napatingin kami ni Smirky sa isat isa.

“Ayan na ang sundo mo. Bilisan mo at baka si prince charming mo yan” pang aasar nito sa akin. Inirapan ko lang ito.

“Tsk hindi siya iyon. Sabi ni Gavin may ipapadala daw siya na driver dito, malamang na iyon ang bumusina. Hindi na nag paparamdam ang sinasabi mong prince charming sa akin, kaya mabuti pang magkalimutan na lang kami!” nakasimangot na sabi ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata habang nakangisi

“Haha ang bitter mo Ales! Di mo na lang aminin na na mi-miss mo na yung tao!” nakakalokong sabi nito.

“He! Gan ka na nga!” padabog na lumabas ako ng bahay. Tama nga ang hinala ko. Ito yung driver na ipinadala ni Gavin para ihatid ako sa beach resort na pag mamay-ari ng pinsan nitong si Drei.Hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang na hindi ang manyakis na iyon ang madadatnan ko sa labas. Sa maikling panahon na pangbwibwiset nito sa akin, ay na mi-miss ko ang kakulitan nito. At ang akala kong panliligaw nito sa akin, akala ko seryoso. Hindi naman pala. Napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sa lalaking nag aabang sa sasakyan nito. Napakunot noo ako ng malapitan ko ito. Driver ba ito? Pero bakit ang gwapo? Tinitigan ko yung lalaki, kulang ang salitang gwapo para ilarawan ito. Hindi ko mawari kung sino ang mas gwapo sa kanila ni Gerone. Pero iisa lang ang masasabi ko. Pareho sila ng mata.

“Hello Ales” napakunot noo ako. Hindi na ako magtataka na alam nito ang pangalan ko. Marahil ay sinabi iyon ni Gavin. Pero hindi iyon ang ipinag tataka ko.Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Hindi ito mukhang driver.

“Ikaw ang driver?” nagtataka kong tanong. Napakunot noo ito at maya maya ay natawa ito. Kahit hindi ito mukhang driver sa hitsura nito ay mabuti na ang nakakasigurado.

“Yan ba ang sinabi ni Gavin?” nakangisi nitong tanong. Hindi na ako magtatakang Gavin ang tawag nito imbes na Sir Gavin. Baka ayaw talagang magpatawag nito sa sir. Marahan akong tumango

“Kung ganun, we’ll let it that way then. Sakay ka na?” nakangiti nitong sabi bago inilahad yung kamay sa passenger seat. Tumango na lang ako bago sumakay. Pagkasakay ko ay yumuko pa ito bago isinara yung pinto at umikot papuntang driver seat. Agad nitong pinaandar yung makina nong sasakyan at pinasibat iyon paalis. Tahimik lang kami habang nasa daan which is awkward.

“So, boss mo si Gavin?” tanong nito. Napahinga ako ng maluwang. Narinig ko naman na natawa ito.

“Oh, para saan ang malalim na buntong hininga na iyon?” natatawa nitong tanong. Umiling iling ako.

“Wala. Akala ko mapapanis na yung laway ko dahil ang tahimik mo.” Pairap kong sagot dito na lalong ikinatawa nito.

“Uy hindi ah! Ikaw nga tong tinatyansa ko ehh. Nahihiya kasi ako. Baka ayaw mo ng may kausap” pagrarason nito. Napaismid naman ako sa sinabi nito.

Because of his pastMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon