Chapter Nineteen

21.2K 378 6
                                        

---

-Gerone-

 

Kunot na kunot ang noo ko habang binabasa ang librong hawak ko. Napapahimas na din ako sa baba ko para mas makapag isip pa ako kung anong gagawin ko.  Hindi ko alam na ganto pala kahirap manligaw. Wala pa naman akong nililigawan. Hindi na ako nag seryoso sa isang relasyon mula ng araw na iyon

*BLAAG*

Napaangat ako ng tingin sa pintuan kong muntik ng masira. Sinamaan ko sila Drin, Drei at Gavin na naroroon at naka peace sign lang sa akin.

“Anong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko. Biglang nag pout ang mga ito.

“Naku Gerone! Ganyan mo na ba batiin ang mga bisita mo ngayon?”-Drei

“Langya ka, welcome na welcome ka sa opisina ko tapos di ako welcome dito?”-Gavin

“Waah Ge! Ayaw mo na ba makita ang kagwapuhan ko?!” nahilot ko yung sintido ko. Alam ko, mas malala pa ang kaya kong gawin sa tatlong ugok na ito. Pero nag co-concentrate ako sa binabasa ko! Kaya kung maari sana wala munang istorbo.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at binalik ko ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Naramdaman ko naman ang pagalapit ng mga ito sa lamesa ko at biglang

“HOY!” sigaw ko. Inagaw kasi ni Drei yung librong binabasa ko. Akmang aagawin ko iyon pabalik ng hilahin naman ako nila Gavin at Drei. Tenne pinag tutulungan ako ng tatlong to! It’s so unfair Ms.Narrator!

“Ano to Ge?” tanong ni Drei

“Baka book yang hawak mo Drei” pambabasag ni Drin dito. Tinignan lang naman siya ng masama ni Drei.

“Alam kong libro ito! Ang tinatanong ko, anong klaseng libro!”

“Bakit ano ba yan?” curious na tanong na din ni Drin, Sinamaan lang naman siya ng tingin ni Drei.

“Baka book Drin?” balik tanong dito ni Drei. Nagsukatan ng tingin yung kambal, kaya napapailing na lang na binitiwan ako ni Gavin at lumapit kay Drei na hawak yung libro. Binabasa iyon ni Gavin at napakunot noo.

“Ano to Gavin?” tanong ni Gavin sa akin

“BAKA LIBRO?!” ang sabay na tanong nong dalawang kambal. Sinamaan naman ng tingin ni Gavin ang dalawang ito.

“I mean—how to court a lady? Manliligaw ka na dude?” nakangising asong tanong nito.

“Kaya nga niya binabasa yang libro na yan diba para—wait MANLIGAW?!” freak out ni Drin. Nag papalit palit ang mga tingin ko sa tatlo na kapwa mga nakanganga at di makapaniwala.

“Guys are you okay?” tanong ko. Sabay sabay na umiling iling ang mga ito. Nakita kong naglabas ng panyo si Drin at kunwaring pinunasan ang luha niya at suminga pa na wala naman nilabas na sipon at tsaka suminghot singhot na parang umiiyak

“Waah bakit ka umiiyak Dos?” concern na tanong ni Drei dito sabay haplos sa likod ng nakababatang kapatid.  Umiling iling si Drin

“I’m just so proud of Gerone” sabi nito sabay tingin sa akin

“Sa wakas binata ka na din! Waaah!” at ngumawa ito. Sinamaan ko ito ng tingin. Anong akala niya sa akin?! Hindi binata?!

-____-

“Oo nga no! Binata ka na Gerone! Marunong ka ng manligaw! Were so proud of you!” segunda ni Gavin. Pinukol ko ang mga ito ng tingin na ngayon ay nagtatawanan na. Mga sira ulo. Ang lalakas ng trip.

“So seryoso ka na kay Ales?” nakataas na kilay na tanong ni Drin. Natigilan ako sa tanong nito. Ako seryoso kay Ales? I just shrug na ikananganga nila.

Because of his pastMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon