---
-Alesson-
“So graduated ka sa kursong BIM, and you already work as a secretary sa isang company, na malapit lang din dito. Tell me. Why did he fire you?”
“Tinapunan ko siya ng kape, because he is a maniac” walang pakundangan kong sagot. Nagulat ito sa una at napahagalpak ito sa tawa. Nakatitig lang ako dito. Kahit saan ko siya tignan ay kamukha talaga niya si manyakis ehh.
“You are really one of a kind. Don’t worry. Hindi ako maniac. Loyal ako sa asawa ko. Takot ko lang na sipain ako non. And besides I love her very much” wala sa arili nitong sabi. Kumikinang ang mga mata nito because of happiness. He seems so inlove to his wife. Bumaling ito ng tingin sa akin at ngumiti.
“Bakit kunot na kunot yung noo mo? May kamukha ako no?” then his lips form into a thin playful smirk. Nagulat ako sa tanong nito. Nababasa nito ang isip ko?
“I was there nong mangyari ang insidenteng iyon. Akala ko namamalikmata lang ako na ikaw yung nakita ko kanina na nasa dulo ng pila. Pero sigurado ako, kahit na madilim, ikaw at yung babaeng sa parking lot ng Ravens Bar ay iisa.” Napanganga ako. Sh.t he was there nong muntik na akong ma rape! Nakakahiya.
“At para hindi ka na magtaka. He is my twin brother. Triplets kami. At kung tagarito ka, alam mong triplets ang mga pamilya namin o di kaya naman ay twins. His name is Gerone. Ako naman si Gavin. At yung isa naming kakambal ay si Grin” napatango tango na lang ako. Now that explains everything. Dito ako pinanganak, pero nong nag highschool na ako ay ipinadala ako nila mama at papa sa Manila. Except sa kapatid ko. She is a rebellious. At natakot ang parents namin na baka kung ipadala nila ito sa Manila ay lalo itong mag rebelde.
“If you will meet someone in the future, at nakita mo ulit ito at iba ang ugali. Alam mo na, na its either may kakambal ito—or topakin lang talaga na tao” ngumiti ito. Nugmiti na din lang ako.
“At tsaka—“
“Excuse me sir” pag i-interrupt ko sa sasabihin nito. Natigil naman ito sa pag sasalita, at tumitig sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya.
“Yes?” parang nalunok ko yung dila ko. Sht.t ano ba kasing iniisip mo Ales?!
“Anong sasabihin mo Ales?”
“Ummh”
“Say it. Hindi ako magagalit.” Pang eenganyo nito. I’d sighed bago nagsimulang mag salita.
‘”H-hindi niyo po ba ako i-interviewin?” namula yung mukha ko. Nagulat ito muli sa sinabi ko at muli ding humagalpak sa tawa.
“Hahahah. Cool. I’m sorry. Nag s-story telling lang ata ako dito. Palagay kasi ang loob ko sayo ehh. And I don’t know why. Maybe you’re something special” mas namula ako sa sinabi nito. Bakit ang sweet nito? Kung wala lang itong asawa, magiging crush ko na ito ehh!
“Hindi na kita kailangang interviewin, dahil lahat naman ay nasa resume mo na. What is the use of resume kung i-interviewin kita? Sayang lang ang effort mong pag encode dito at pag print. Sayang ang papel at ink. At sayang ang effort. And besides. I am already hiring you as my new secretary. Kampante ako that you can do a nice job, at kung mali man ang instinct ko, I can easily fire you away” nanatili itong nakangiti. Ganito ba talaga tong tao? Parang wala lang sa kanya ang lahat ng bagay? Parang para sa kanya ay napakadali ng lahat.
“So what can you say Miss Cortez? Hmm speechless?” hindi ako nakasagot kaya natawa na lang ito.
“Anyways, welcome to my company. I am Gavin Andrano
--
And I am your new boss”
Masaya akong lumabas ng kompanya na iyon dahil sa nakapasa nga ako sa interview—on the second thought wala palang naganap na interview.Pero at least may trabaho na ako! At sa pag didiwang ko ng kaligayahan ko, hindi ko napansin ang paparating na lalaki—dahilan para mag bungguan kami. Napatumba ako sa sahig. Para lang naman akong naka bunggo ng pader!
“Miss—you okay?” ang cool na tanong sa akin ng lalaking bumangga sa akin. Sa inis ko ay tiningala ko ito at sinumbatan ko ito ka agad. Naka shade ito at naka sombrero—na pang artist.
Gwapo, pero wala akong time para purihin ang lalaking ito!
“Seriously?! May gana ka pang itanong sa akin iyan? Kung hindi mo lang alam mister, na sing tigas ng pader yang katawan mo! And you expect me na hindi nasaktan?!” I saw him smile, at uminit ang ulo ko doon.
“Are you not going to help me?!” tuluyan na itong natawa, pero inilahad nito ang kamay nito na agad ko namang tinanggap. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at tinanggal ang shade. Nanlaki yung mga mata ko ng makilala ko kung sino ito.
“Stop starring, your drooling” maangas nitong sabi at mas nanlaki yung mga mata ko doon. Agad kong kinapa yung mukha ko, para i-check kong may laway nga na tumulo. Pero wala naman at naningkit ang mga mata ko ng marinig kong tumawa ito.
“Wag kang feeling! Hindi ka gwapo sa paningin ko!” mas lumakas ang tawa nito
“Really? Ehh bakit mo chineck kong may tumulo nga na laway mula sayo?” tinignan ko siya ng masama.
“Hindi ko chineck kung may lay akong tumulo! Chineck ko kasi baka nadapuan na ako ng germs na nagmula sa kamanyakan mo!”
“Haha , why checking your lips? I didn’t kiss you” at nag smirk ito. Napahiya naman ako doon! Nga naman! Geez ang layo ng palusot mo Ales!
“Letse ka! Pakawalan mo na nga ako manyak!” at pinilit kong makawala mula sa pagkaka akap niya sa akin pero ang letse! Mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya sa akin!
“Anong sinabi mo?” natigil ako sa pagpupumiglas ng bumulong ito sa may puno ng tenga ko. That sent shivers into my body. Kinilabutan ako. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Bakit ganito ang epekto ng bulong na iyon sa akin?
“W-wala” pag dedeny ko. Nanginginig na ako at kinakabahan na ako. The way he holds me, mas nakakapagkaba sa akin lalo na nong hinigpitan niya ang yakap sa akin.
“Kung tama ang pag kakarinig ko, tinawag mo akong manyak” I can feel that he is smirking!
“Why? Is that because I kissed you, not twice, but thrice? Hahaha” parang wala lang dito ang pagkasabi nito doon. Samantalang ako, eh halos bangungutin na dahil napapanaginipan ko pa ito! Grrr.
“Ahh! Manyak ka talaga! Let me go!” nagpatuloy ako sa pag pupumiglas. Nanumbalik ang inis na nararamdaman ko para dito. I don’t know why I did stop because of the way he holds me.
“Diba sabi mo manyak ako? Bakit hindi natin totohanin? Since yakap yakap kita, mamanyakin muna kita bago kita pakawalan!” I swear, nagka goosebump ako pagkatapos niyang sabihin iyon. At naalarma naman ako ng makita kong ibinababa na naman nito ang mukha niya sa mukha ko! Nag simula akong mag panic at dahil siguro sa panic ay nasipa ko siya sa pinaka-iniingtan niya. Napahiwalay naman ito sa akin at nag sisitalon sa sakit.
“Aray!Fxck! Bakit mo ako sinipa! And worst sa pinakainiingatan ko pa?!” reklamo nito sa akin habang hawak hawak nito ang nasipa ko sa kanya. I just smirk at him.
“You deserve it dahil manyakis ka!” then I leave him there na namimilipit sa sakit. Pero mukhang hindi pa ako nakuntento sa pang iinis sa kanya kaya nilingon ko siya.
“Nga pala, masakit ba?!” nakangising kong tanong para asarin ito lalo. Tinignan lang naman niya ako ng pagka sama sama. Bineltan ko muna ito at tuluyan na akong tumalikod at nag lakad paalis.
“YOU WILL PAY FOR THIS! I SWEAR!” narinig kong pag babanta niya. But who cares? I’m Alesson Craige Cortez—and I’m not afraid of threats.
---
End of chapter Nine
---
![](https://img.wattpad.com/cover/17838934-288-k640843.jpg)
BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…