Hey you! Yes you ^__^... salamat at nakarating ka dito, salamat sa pagbasa ng story na ito! Sorry sa mga typos at wrong grammars, pero higit sa lahat nag papasalamat ako dahil pinag tiyagaan mong matapos ang story ko na ito! Adios.
—-
-Gerone-
Ales explain to me everything. Sinabi niyana yung picture daw na nakita ko is, totoo. Yes they kissed, pero lasing siya noon at hindi niya inaasahang hahalikan siya ni Axel. Naka usap na din namin si Axel at umamin ito sa kasalanan nito. Axel was blinded because of his love for Alex. Inuutos daw ni Alex na gawin iyon ni Axel, kapalit ang pakikipag balikan nito sa kanya. Hindi namin alam ang rason ni Alex kung bakit nanggugulo pa rin ito hanggang ngayon, but who cares? Ang mahalaga, kasama ko na ngayon ang mag ina ko.
"Sweetheart" buong lambing kong ipinulupot ang mga braso ko sa bewang nito. Binack hug ko ito. Nakatingin ito sa crib ni Cook na ngayon ay himbing na himbing sa pag tulog.
"Napatulog mo na ba?" tanong ko habang hinahalik halikana ang balikat nito.
"Yes. Why?" nilingon nito ako. Kaya naman hinalikan ko ang mga labi nito ng mabilisan.
"Ako naman ang patulugin mo" napabungisngis ito.
"Ikaw talaga!" sabay pingot sa tenga ko.
"Aww—aww aray naman sweetheart masakit!" reklamo ko ng pakawalan nito yung tenga ko.
"Pilyo ka kasi" napa pout ako.
"Gwapo naman" nakangiting ginulo gulo nito ang buhok ko.
"Sweetheart" pinalambing ko ang boses ko.
"Bakit?" tanong nito na may kasamang pag taas ng kilay. Sinulyapan ko si Cook bago tumingin sa kanya.
"Sundan na natin si Cook" nakangisi kong sabi.
"Heh! Wala pang isang buwan si Cook, susundan na natin?!" pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Eh kasi naman, bakit kasi hindi triplets or twins ang pinanganak mo?" nakasimangot kong sabi. Normal na kasi sa lahi namin ang mga triplets and twins, pero sa case namin ni Ales, mukhang hindi nanaig ang genes ng Andrano ngayon.
"Buti sana kung ikaw ang manganganak Gerone! Bilib nga ako kay Mjeille, dahil triplets ang pinanganak nito. Yung isa pa nga na ipapanganak mo masakit na, what more pa kaya sa case ni Mjeille?"
"So, you should be thankful then. Siguro kaya di tumalab sayo ang triplets or twins because wala ako sa tabi mo nong pinag bubuntis mo si Cook"biglang akong sumeryoso.
"And I'm sorry for that Ales. Wala ako sa tabi mo kung kailan kailangan na kailangan mo ako. Kung hindi lang ako t*nga, hindi mangyayari ito"
"Shhh.. tapos na Gerone. Wag mo na lang banggitin. Ang importante magkakasama tayo ngayon" turan nito.
*Dingdong Dingdong*
"Sino yun?" takang tanong ni Ales. nagkibit ako ng balikat.
*Dingdong Dingdong*
"Buksan mo Ge. Baka mga kapatid mo yan or pinsan." Pag udyok sa akin ni Ales. ayaw ko man ay napilitan akong bumaba ng bahay ko para pag buksan ang pontio pilato na ito.
"Who the hell are—"
"Hi Gerone, miss me?"nakakalokong tanong nong taong nasa harapan ng pinto namin ngayon.
"What the f—-ck"
"Gerone sino yan?" napalingon ako kay Ales na papalapit ngayon.
"Ales stay there don't come—"hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng itulak ako paloob ni Alex. may nakatutok na sa akin ngayon na baril.

BINABASA MO ANG
Because of his past
Romance[BACHELOR SERIES 2] GERONE ANDRANO The name is Gerone Zaijan Raphael Andrano, I am a Chef and I have a past… a past that will make my life complicated especially when it comes to love…