Paasa ka

304 10 0
                                    

"Miss Dobrev, nandyan po si Mr. Welsh papapasukin ko po ba?"

"Sino?" Napakunot ako ng noo parang nabibingi na ata ako isa pa wala naman kaming pag uusapan dahil naayos ko na ang problema sa kanya tsaka 6:30 am palang mamaya pa ngang 7:00 ang open ng firm.

"Si Mr. Welsh po."

"Bakit daw?"

"Hindi po nya sinabi, basta hinahanap ka po."

"Ok papasukin mo." Matapos kong sabihin iyon sa secretary ko ay binalik ko ang atensyon ko sa binabasa kong case.

"Good morning my dear Stella"

"What do you want?" Di ko parin sya tinatapunan ng tingin.

"Alam mo bang mas hot kang tignan ngayon ng nakasalamin ka?

"Nalilibugan ka nanaman ba? Sorry Mr. Welsh hindi ako porn star maigi pa manood ka nalang sa internet kesa mang gulo ka dito." Yup that's me I'm blunt, a bitch, ruthless and many more. Well, it's because he fucking changed me.

"What the hell is wrong with you, Stella?"

"Wala naman tayong dapat pagusapan ngayong araw diba bakit di ka nalang umalis iniistorbo mo ko."

"I came here because I wanted to ask you kung pupunta ka sa reunion ng batch natin. Humarap ako bilang tao sayo Stella and yet you're giving me one of those nasty attitude of yours. I'll get going ayokong makaistorbo ng tao."

Putangina ano pumunta sya dito para ipamukha sa akin na pangit ang ugali ko aba matagal ko ng alam na pangit ang ugali ko hindi na nya kailangan pang ipamukha sa akin. In the first place sya naman ang may kasalanan kaya wag syang magsalita na parang ang linis nyang tao.




"Oh bakit nakabusangot ka? Sabi ng secretary mo hindi ka pa daw kumakain." Narinig ko nanaman ang nang uuyam na boses ni Dakota.

Tsaka ko lang namalayan na ala una na pala ng hapon at nakikigulo nanaman sa opisina ko ang dalawang baliw na ito.

"Bakit nandito kayo?"

"Hindi mo manlang ba kami pasasalamatan ni Maine na dinalhan ka namin ng lunch?"

"Edi thank you, bitch"

"Ano bang problema mo girl?"

"Ikaw ano ding problema mo, nakita mo na ba ang headline sa dyaryo? I quote -  Thomas Barnes  and Maine Patterson dating!?"

"Oh shut up Stella, you're such a bitch"

"Oh I know right"

"By the way mamayang 6pm aattend tayo ng reunion"

Pinaalala nanaman sa akin ni Dakota ang reunion na iyan. "Anong reunion?"

"High school reunion duh!"

"Ayoko kayo nalang ni Maine ang pumunta"

"Aba gaga ka hindi pwede kailangan sumama ka sa amin ni Maine"

"Ano namang gagawin ko doon"

"Syempre makikipag usap you know socialize"










At exactly 6pm nandito na kami sa labas ng hotel na pag dadausan ng reunion daw namin. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ay nakita ko kaagad si Kiel he looks good with his three piece suit at kasama nya sina Cole at Thomas agad naman kaming dumiretso papunta sa kanila dahil nandoon din halos lahat ng mga kaklase namin noon. Pagdating doon ay binati kami nila Cole at Thomas samantalang sya ay walang pagbating ginawa napaka walang hiya talaga nya. Maya maya naman ay nag start na ang program kaya nagsiupo na kami ang siste ay si Cole tapos sa tabi nya Dakota tapos sa tabi ni Dakota ay si Maine tapos si Thomas at sa tabi ako ni Cole naupo at umupo naman sa tabi ko si Kiel ang round table na inuupuan namin ay may capacity na walong tao kaya may dalawa pang bakante sa tabi ni Thomas at Kiel nagulat nalang ako ng umupo doon si Mica at si Lyn ang sa tabi ni Kiel.

"Ehem! Ehem!"

Malakas na ubo ni Dakota at pareho silang nakatingin sa akin ni Maine. Para talagang mga baliw ang dalawang ito.

"Ayos ka lang ba Mayi?"

"Ayos lang ako, Cole."

Habang nagaganap ang program ay nag uusap ang kanya kanyang may partner kausap naman ni Kiel ang dalawang asungot at ako lang ang walang kausap how nice. Habang pinagmamasdan ko sila Dakota at Maine na kausap ang mga jow nila dati ay para naman akong na guilty dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nila hiniwalayan ang mga ito. Pagkatapos ng program ay sinerve na ang mga pagkain kaya galit galit muna dahil busy ang lahat sa pagkain ng matapos naman magpakabusog ay nagsimula na ang sayawan inaya nila Cole at Thomas sila Dakota at Maine na sumayaw kaya naiwan ako dito at kasama ko ang tatlong mukhang tuwang tuwa sa pinag uusapan. Nag cellphone nalang ako para mawala ang pagka buryo ko. Hanggang sa marinig kong magpaalam na si Mica dahil kailangan na daw nya umuwi dahil aasikasuhin nya ang anak nya. May pamilya na pala ang babaeng ito. Pero si Lyn ay mukhang nagpapa cute pa kay Kiel at walang balak umuwi well magsama sila wala akong pakialam.

"Would you like to dance, Lyn?"

Narinig kong tanong ni Kiel kay Lyn nag oo naman ang babaita at pumunta na sila sa dance floor tangina lang mag isa na ako dito. Kesa mag mukhang tanga ay lumabas nalang ako at pumunta sa garden.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil pinagmamasdan ko ang mga bituin nakaupo ako sa swing at ninanamnam ang katahimikan ng biglang may mag patong ng coat sa mga balikat ko, alam na alam ko na kung sino ito sya lang naman ang gumagawa sa akin nito noon pa man. Tumayo ako sa swing at hinarap ko sya, nakatingin din sya sa akin at tinanggal ko ang coat nya sa balikat ko at inabot ito sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng coat mo"

"Isuot mo na tignan mo ang suot mo naka sleeveless ka tapos kitang kita ang likuran mo."

"Ano naman? Wala ka ng pakialam dun"

"Bakit ba ganyan ka?"

"Wow nagtanong ka pa"

Lahat ng inis ko sa kanya ay bumalik punong puno ako sa nga oras na ito galit na galit ako sa kanya. "Alam mo bumalik ka nalang doon baka hinahanap ka ni Lyn"

"Hindi kita maintindihan Stella ang gulo mo."

"Ikaw ang hindi ko maintindihan mas magulo ka alam mo hanggang ngayon kasi paasa ka, gago!"

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon