Engaged

344 12 0
                                    

"Nagseselos ka ba Stella?"

"Bakit naman ako mag seselos Kiel, anong tingin mo sa sarili mo?"

"But the way you act-"

"Shut up! Hindi ako nag seselos naiinis ako sayo. Naiinis ako sa presensya mo naiinis ako sa boses mo o sa kahit ano na may kinalaman sayo. Kaya alam mo mas maigi pa lumayo ka sa akin mas maigi pa na hindi nag tatagpo ang landas natin kasi naiinis ako."

"Hanggang ngayon ba naman Stella? Ilang sorry pa ba ang kailangan kong sabihin sayo para lang mapatawad mo ako? Ilang sorry pa ba ang gusto mo?"

"Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin Kiel. Kulang pa na magdusa ka na hindi kita patawarin. Pinagmukha mo akong tanga pinagmukha mo akong isa sa mga babae mo tinulad mo ko sa kanila. Dahil sayo ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Hayop ka! Gago ka!"

"Ipinaliwanag ko na sayo ang lahat pero napaka kitid ng utak mo"

"Ako? Makitid ang utak? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng pag pustahan! Pinagpustahan nyo ang pagkatao ko pinagpustahan nyo ang puso ko. Sa tingin mo kung sayo ko ginawa iyon matutuwa ka?"

"Inaamin ko pinagpustahan ka naming pero maniwala ka pinagpustahan ka lang namin kung kelan mo ako sasagutin. Hindi labag sa loob ko na liwagan ka hindi labag sa loob ko na mahalin ka dahil simula palang na makita kita mahal na kita Stella. Maniwala ka sakin please."

"Mahal mo ko? Sinabi mo narin ba yan kina Mica at Lyn? Kung sila naloko mo pwes ibahin mo ko Kiel. Oh, and by the way I'm resigning Mr. Welsh hindi ko maaatim na makatrabaho ka."

"Stella please patawarin mo na ako kahit hindi mo na ako bigyan pa ng isang pagkakataon basta bumalik lang ang pagkakaibigan natin."

"Mahirap ibigay ang hinihingi mo Kiel. Sa ngayon ako naman ang magiging selfish at ikaw naman ang magdudusa."

- - - - - - - -- - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -

"Girl sigurado ka na ba na babalik ka na sa New York? Eh diba nagtra trabaho ka parin naman sa firm na yun pero dito ka nga lang naka base sa Pilipinas so bakit babalik ka pa dun?"

"I need space and time to think, Maine. Masyadong maliit ang Pilipinas para sa amin ni Kiel hindi ko kayang nasa iisang lugar lang kami kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko parin kaya, hindi ko parin pala kaya."

"Sige kung saan ka masaya bibisitahin ka nalang namin o kaya ay mag usap tayo nila Maine thru skype dahil hindi naman kami tulad mo na sobrang yaman na kayang mag lakwatsa palagi."

Inayos ko na ang mga papeles ko mayroon naman akong naipundar na bahay sa New York maliit lang pero pwedeng pwede na sa akin mag isa lang naman ako. Isang linggo ko din inaayos ang mga dapat ayusin kung minsan ay pinipigilan pa ako nila Maine at Dakota pero hindi ako nagpapa pigil sa kanila. Dumating na ang araw ng pag alis ko inihatid nila ako sa airport hindi ko pa sigurado kung kelana ko ulit babalik sa Pilipinas pero nasisiguro ko na matatagalan ako.

- - - - - - - -- - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -

"Bakit kasi hindi mo pinigilan?"

"Gago ka ba Cole?"

"Tanga malay mo kung pinigilan mo sya eh magpapigil naman sayo."

"Kilala ko sya Cole hindi sya basta basta papapigil lalo na at alam kong galit na galit parin sya sakin kung nakita mo lang ang pagkamuhi nya sa akin noong kinausap nya ako. Siguro nga kung pwede nya lang hilingin na mamatay na ako ay ginawa na nya."

"Mabuti pa si Thomas sa ating tatlo sya ang may pinaka maayos na lovelife. Hayaan mo na Kiel hindi ba nga ang sabi mo if its meant to be it will be."

- - - - - - - -- - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -

"Thomas pwede ba tantanan mo na ako, nakita mong nag tra trabaho ako." Nasa photoshoot ako ngayon ng isang swimwear nagulat ako ng bigla syang sumulpot pinag uusapan nanaman tuloy ako dahil ang daming balita na nagsasabing kami daw. He's a business man kaya kilala din sya palibhasa sya ang magmamana ng company ng lolo Manuel nya.

"Maine, kung wala ka ng nararamdaman para sa akin papayag ka naman eh."

"Ayoko nga. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na manloloko. Isa pa maawa ka sa pamilya mo, hindi mo nga sinabi sa kanila na wala na tayo at ngayon gusto mong pakasalan kita."

"Maine hindi naman ito para sa akin, nakita mo naman siguro ang kalagayan ni lolo matanda na sya at noong kinausap ka nya hindi ba tinanong ka nya kung kelan tayo magpapakasal dahil gusto nyang makita ang apo nya sakin. Ako lang ang nag iisa nyang apo Maine kaya sana maintindihan mo ako."

"Ayokong manloko ng iba, bakit hindi ka nalang makipag date sa iba at yun ang pakasalan mo at anakan mo edi tapos ang problema mo."

"Iba ka. Dahil noon pa man alam kong magiging mabuti kang ina alam kong ikaw lang ang nababagay sa aking maging asawa at maging ina ng anak ko."

God help me. Ayoko ng gulo please lang. Pero dinadala sakin palagi ni Thomas ang gulong iniiwasan ko.

- - - - - - - -- - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -

Nagising ako dahil sa sunod sunod na tawag sa cellphone ko isama narin pati sa telepono. Agad kong sinagot iyon ng makita kong si Dakota ang tumatawag.

"Umagang umaga nang iistorbo ka!"

"Gaga nakita mo na ba ang balita?"

"Wala ako sa mood manood ng balita."

"Tanga pinag pyi pyestahan ka na kaya kung ako sayo manonood na ako ngayon na!"

Binabaan ako nito napaka walanghiya talaga sinunod ko naman ang sinabi nya binuksan ko ang tv at nag ring nanaman ang phone ko ang manager ko naman ang tumatawag.

"Ano nanamang gulo ang pinasok mo Maine?"

"Ano ba yun? Wala akong idea."

"Manood ka ng balita!"

Maging sya ay binabaan ako ng telepono ano bang meron sa mga tao ngayon at tatawag tapos ibaba din naman agad ang phone habang nag aantay ay nag open ako ng social media ko at ganun nalang ang gulat ko sa mga nabasa ko may picture pang kasama hanggang sa ipalabas na ang balita at doon ko nakumpirma ang mga nabasa ko.

"Maine Patterson and Thomas Barnes engaged!" Oh shit!!!

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon