Babies

477 8 3
                                    

Hindi ko alam paano kami umabot sa ganito, hindi ko alam paano kami nagtagal. A year passed by so quickly, pero nandito parin kami.

"Mommy ihahatid mo po ako sa school?"

"Peggy baka hindi kita maihatid ngayon kasi may lagnat ang baby sister mo"

"Okay lang po si kuya elmo nalang po maghatid sa akin alagaan nyo nalang po si chloe."

"Thank you for understanding Peggy"

"I love you po"

"I love you too baby"

Nursery na si Peggy and 5 months na namin siyang kasama sa wakas ay na adopt na namin siya ang nakalagay narin sa birth certificate niya ay ang apelyido ni Kiel, habang pino process kasi ang adoption papers ni Peggy ay binago namin ito at inilagay ng ina adopt din siya ni Kiel kung kaya't pareho niya kaming magulang ni Kiel.  Bago ko ipinanganak ang anak namin ni Kiel na si Chloe ay nasa puder na namin si Peggy. 8 months ako noon kay Chloe ng pinanganak ko siya naging delikado ito na dumating sa puntong pinag dedesisyon si Kiel sa kung sakaling may mangyari ay sino ang ililigtas ng mga doctor, sa awa ng diyos ay pareho kaming nakaligtas ni Chloe. Dumaan sa maraming test ang anak namin araw araw umiiyak ako dahil hindi manlang namin siya mabuhat at ang payat payat niya pero mabuti at naging maayos ang lagay niya hanggang sa maging normal siya.

Umakyat ako sa nursery room ni Chloe at nakita ko itong tulog kahit 4 months palang ito ay mukha na itong 6 months dahil napaka tangkad at mataba manang mana sa daddy niya. Mula sa balat, sa ilong, maging sa mata ang nakuha lang ata sa akin ay ang kaniyang labi. Hawig na hawig siya ni Kiel. Nagsimula itong gumalaw tiyak kong magigising ito marahil ay barado nanaman ang ilong sa sipon, nilalagnat kasi ito dahil sinisipon siya napa check up na namin siya ni Kiel kahapon at binigyan siya ng gamot. Nagsimula na nga itong umiyak at binuhat ko siya at isinayaw sayaw upang makatulog siyang muli, nakakatulog nga siya ngunit kada ibabalik ko siya sa crib ay umiiyak kaya nagpasya akong buhatin nalang ito at umupo kami sa sofa hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako alas dose na nagulat pa ako ng wala na sa mga braso ko si Chloe akala ko ay nalaglag ko siya pero wala chineck ko ang crib pero wala rin agad akong lumabas ng nursery room at narinig ko ang mumunting tawa nito maging ang tawa ni Peggy at nanggagaling ito sa kwarto namin ni Kiel. Pagbukas ko ay nakita kong nakahiga sila sa kama kasama si Kiel at inaaliw nila si Chloe. Napansin naman ako ni Peggy at agad itong bumaba sa kama at tumakbo papunta sakin.

"Mommy you're awake!" Nagpabuhat ito sa akin at binuhat ko naman ito.

"Sino ang sumundo sa iyo?"

"Si daddy po"

"Really?"

"Yes po, ang aga nga po niya eh kasi paglabas namin nung room andun agad siya tapos umuwi na po kami dito sa house then nakita po namin kayo ni Chloe na tulog sabi ni daddy wag ka daw po namin gisingin tapos kinuha nya po si Chloe sayo eh nagising po si Chloe kasi daddy di careful ang pagkuha kay Chloe ayaw ka naman po gisingin ni daddy kaya dito po namin dinala si Chloe tapos nag play kami."

"Naku napaka daldal talaga nitong baby ko" Bumalik kami sa kama at muling nakikipag laro si Peggy kay Chloe.

"Maya maya kakain na tayo ah. Change your clothes na Peggy" naka uniform pa kasi ito.

Iniwan ko sila sa kwarto at bumaba ako ng kitchen para maghanda, nakita ko naman ang kinuha naming kasambahay si nanay emerald, mukhang katatapos lang nito magluto. Dalawa lang ang kinuha naming kasambahay si nanay emerald para sa pagluluto at si jane para sa paglalaba at paglilinis ng bahay kumuha din kami ng driver si elmo para may maghatid at sundo kay Peggy sa school minsan kasi ay hindi ko ito maihatid dahil inaalagaan ko si Chloe samantalang palagi namang maaga umaalis si Kiel at gabi na umuwi nagulat nga ako ngayon at nandito siya himala at hindi busy.

Nang maayos ko na ang hapag kainan ay saktong bumababa na ang mag aama pumwesto na ang mga ito sa upuan at kinuha ko naman si Chloe kay Kiel. Pinapakain ko si chloe ng baby foods pero konti palang ang nakakain niya ay ayaw na niya napaka hirap talaga pakainin ni chloe.

"Chloe you need to eat. Please eat na"

Tinawanan lang ako nito maging si Peggy ay tumawa sa ginawa ng kapatid niya.

"Amina, ako na ang magpapakain"

"Pero hindi ka pa tapos kumain"

"Kaya ko na, ikaw nga wala ka pang kinakain tignan mo pumapayat ka"

Kinuha sa akin ni Kiel si Chloe at siya ang nagpakain rito nako mukhang daddy's girl ito dahil kumakain naman siya ngayong si Kiel na ang nag susubo sa kanya.

"Hay nako Chloe favorite mo talaga ang daddy mo ano, nakakatampo ka talaga"

"Mommy don't worry favorite naman po kita tsaka ikaw din ang favorite ni daddy. Right dad?"

Naging awkward naman ang paligid at nagkatinginan lang kami ni Kiel bago siya bumaling kay Peggy at nginitian ito.

"Oo naman favorite din ni daddy si mommy"

"Wag ka na tampo mommy ah. Love ka namin ni daddy"

Nginitian ko nalang si Peggy at nagtuloy sa pagkain. Hanggang ngayon ay walang alam si Peggy sa tunay na estado ng relasyon namin ni Kiel paano pa kaya kapag lumaki si Chloe ayoko namang masaktan silang dalawa ni Peggy kapag nalaman nilang kaya lang nag stay ang daddy nila ay dahil sa kanila at hindi dahil mahal ako nito.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon