Peace

405 11 3
                                    

"Sigurado ka bang iiwan natin sila Peggy at Chloe?"

"Hon, sila Maine naman ang kasama nila kaya safe sila."

"Alam ko naman yun kaya lang ma mi miss ko sila"

After 1 week ng kasal namin ay sinurprise nanaman ako ni Kiel nag book siya ng flight papuntang Australia para daw sa honeymoon namin at iiwan daw muna namin sina Peggy kila Maine dalawang linggo din iyon kaya hindi ako mapalagay kasi ngayon lang ako malalayo sa kanila ng matagal.

"Baka naman pwedeng after 1 week ay sumunod sila sa atin Kiel"

"Stella gusto naman kita ma solo, gusto kong bumawi pa sayo"

"Bawing bawi ka na nagpakasal nga ako ulit sayo diba? Tsaka kinalimutan na natin yung nakaraan kaya hindi mo na kailangan pang bumawi"

"Ang swerte ko talaga sayo hon"

"Aba syempre mabait, matalino at maganda pa"

--------‐----------------------------------------------------

"Peggy huwag pasaway okay?"

"Okay po mommy pero wag nyo po kalimutan yung pasalubong ko ah"

"Pagdating namin doon bibilhin namin kaagad yung doll na gusto mo"

"Thank you po mommy"

"Maine okay lang ba talaga sa inyo ni Thomas?"

"Oo naman Stella, ano ka ba mag enjoy ka lang doon dapat pagbalik mo may bago ulit kaming aalagaan ah"

"Nakita mong mag 1 years old palang yang si Chloe"

"Ano naman? Hello nagbabalak na nga kaming sundan itong anak namin kahit 1 years old palang"

"Bahala ka dyan Maine"

Pagkahatid namin kila Peggy sa bahay nila Maine ay dumiretso na kami sa airport talagang walang paawat itong si Kiel hindi na mababago pa ang isip tuloy na tuloy na talaga kami sa australia.

Pagdating sa Australia ay dumiretso kami sa hotel nakakapagod ang byahe kaya natulog muna kami nauna akong magising kay Kiel at pagkagising ay gabi na kaya nagpa room service na ako ng pagkain at habang nag aantay ay nag search ako ng mga pwede naming puntahan gumawa na ako ng itinerary para sa isang buong linggo.

Kinabukasan ay sinunod namin ni Kiel ang nagawa kong plano inaasar pa nga ako na may plano na daw ako samantalang noon ay ayaw ko pang umalis. Hanggang sa lumipas ang isang linggo at halos nagawa na namin ang mga pwede naming gawin kaya nag desisyon kaming mag stay muna sa hotel at mag swimming o kaya naman ay mag bar akala mo ay hindi kami matatanda dahil sa kung ano anong ginagawa namin.

Isang gabi habang naka higa kami sa kama ay muli naming napag usapan si Meg.

"Bago tayo ikasal noon ay nakipag kita ako sa kaniya."

"Nag usap kayo?"

"Kinausap ko sya, I said sorry to her at nag explain ako na masaya na ako sa buhay natin inamin ko sa kanyang minahal ko siya pero hindi noon nahigitan ang pagmamahal ko sayo. Inamin kong nasaktan ko siya at hindi ko ginusto iyon walang may gustong makasakit ng ibang tao sinabi ko ring makakahanap siya ng lalaking gagawin siyang priority at mamahalin siya."

"Hindi ko din naman ginustong masaktan si Meg"

"Siguro ay hindi na niya tayo guguluhin at makakapag move forward na tayo. Alam mo huwag na natin palungkutin ang mga sarili natin why don't we just focus on making new babies."

"Ano? Gusto mong sundan na si Chloe?"

"Mommy malapit na mag 1 yrs old si Chloe tsaka gusto ko ng maraming anak"

"Wow parang ikaw ang manganganak kung maka hingi ka parang madali ah"

"Ayaw mo bang ikaw naman ang kamukha ng bago nating baby?"

"Nako huwag mo ko lokohin Kiel"

"Hon dali na"

"Ayoko"

Kiniliti ako nito at napuno ng halakhakan ang kwarto namin sana ganito nalang kami palagi kasaya pero alam kong imposible iyon dahil sa bawat buhay ng tao ay may darating na lungkot pero ngayon kahit anong problema ang dumating alam kong kakayanin ko dahil nandyan ang pamilya ko lalong lalo na si Kiel.


The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon