Speak to me

236 14 0
                                    

"Stella? Where are you stella?"

"Pare ilang araw ka na daw hindi pumapasok sa trabaho. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo"

"Cole, bakit iniwan nanaman nya ko. Akala ko okay na, bakit tinalikuran nya ulit ako."

"Kiel malay mo nag iisip lang sya. Babalik din sya sayo."

"Isang buwan na mula nung umalis sya pero hindi nya sinasagot ang tawag ko pati mga text ko. Kahit sabihin man lang nya na okay siya, hindi nya manlang magawang ipaalam sakin."

"Dahil doon hindi mo na ipagpapatuloy ang buhay mo?"

"Hindi ako tulad mo na iniwan ni Dakota pero nakakaya paring mabuhay."

"Masakit parin sakin ang ginawa ni Mayi kasi binigay ko sa kanya lahat pero hindi nya ko magawang mahalin. Ikaw ang mahal nya."

"I'm sorry Cole"

"Hindi mo naman kasalanan yun pero ang magiging kasalanan mo ay kung hahayaan mong magmukmok ang sarili mo sa taong hindi ka sigurado kung mahal ka nga tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Iniwan ka nya Kiel, ilang beses na paulit ulit nalang ang nangyayari sa inyo hindi ka pa ba sawa? Madami pang iba dyan baka may mahanap ka pa na mamahalin ka ng sobra sobra."

Tinapik lang ako sa braso ni Cole at tuluyan na siyang umalis. Siguro tama sya, bakit ko ba naman kasi ipinag sisiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako sigurado kung mahal nga ba talaga ako. Nilagok ko ang huling alak sa baso ko at tumayo na at nilisan ang lugar napag pasyahan kong umuwi na sa bahay at ayusin ang buhay ko.

Paguwi sa bahay ay nagpasya akong matulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok kaya dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan si Stella. Huli na to sinisiguro ko na huli na ito. Ang akala ko ay hindi nya sasagutin ang tawag pero nagkamali ako, pero hindi sya sumasagot siguro ito na ang panahon na masasabi ko ang dapat kong sabihin, sapat na ang makinig sya kahit wala syang sabihin.

"Stella, masyado na kong nasasaktan. Minahal kita sa abot ng makakaya ko, binigay ko sayo lahat, willing nga ko na ibigay pati buhay ko sayo eh ganyan ako ka tanga sa pagmamahal ko sayo. Hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin noong ginawa natin noon akala ko pagkatapos noon maayos na tayo akala ko mahal mo parin ako pero pagkagising ko kinabukasan wala ka na, wala ka manlang iniwang sulat, hindi ka manlang nagpa alam. Hindi mo ko binigay ng pagkakataon na maunawaan kung ano ba ang parte ko sa buhay mo. Kung ginawa mo iyon para paasahin ako at iparamdam sakin ang sakit na naramdaman mo noon, pwes sinasabi ko sayo na nagtagumpay ka kasi ang sakit sakit durog na durog yung puso ko mahal na mahal kita eh pero kahit ganoon ang ginawa mo hindi parin ako nawalan ng pag asa na baka bumalik ka na baka nag iisip ka lang pero isang buwan na ilang tawag at text ang pinapadala ko sayo pero ni isa wala kang sinagot kahit manlang sabihin mong okay ka lang at wag na kita isipin para sana manlang mapanatag ako na maayos ang lagay mo, na masaya ka kahit wala ako. Alam kong kaya mong maging masaya ng wala ako sa buhay mo pero aaminin ko sa iyo na hindi ko kaya yun sobrang hirap para sa akin na maging masaya kasi ikaw ang buhay ko, ikaw ang nagpapasaya sakin. Pero lahat ng bagay may hangganan Stella. Huli na ito hindi na kita hahabulin, hindi na kita iisipin at mas lalong hindi na kita mamahalin. Pagod na ako Stella, gusto ko namang maramdaman na ako ang mahalin, ang isang bagay na ipinagkakait mo sa akin susubukan kong hanapin sa iba at kasabay noon ang pagkalimot ko sayo. Kakalimutan ko na naging parte ka ng buhay ko. Kakalimutan ko na minahal kita. Kakalimutan ko na mahalaga ka sakin. I love you but I quit because you are not worth fighting anymore. Goodbye Stella.

Ibinaba ko na ang tawag at kahit masakit susubukan kong gawin lahat ng sinabi ko sa kanya. Kakalimutan ko na sya.

-------------------------------------------------

Pagkababang pagkababa ni Kiel ng telopono ay syang tuloy tuloy na pag bagsak ng mga luha ko. Alam kong nasasaktan ko sya at alam kong nagkulang ako pero natakot ako pinangunahan ako ng takot ko na harapin ko sya. Natatakot ako na baka hindi ako maging sapat sa kanya, natatakot ako na baka hindi maging sapat ang pagmamahal ko sa kanya. Kailangan ko sya, sya lang ang minahal ko ng ganito pero duwag ako at isa na siguro yun sa dahilan kung bakit kailangan ko syang palayain.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon