Bulong

299 15 1
                                    

Nasa spa kami ngayon nila Dakota at Maine dahil bukas na ang kasal nila kailangan daw namin mag relax lalo na si Maine dahil kailangang maganda sya sa araw ng kasal nya.

"Maine I'm happy for you."

"Thank you Dakota. Sana mahanap mo narin ang taong makakasama mo sa pagtanda mo."

"Hindi na ako umaasa pa dyan Maine."

"Wag ka kasing bitter tatanda ang mukha mo nyan matanda na nga ang edad natin pati ba naman mukha gusto mo tumanda din. Ay! talagang hindi ka na mag kaka jowa kapag ganyan."

"Grabe ka sakin porket ikakasal ka na."

"Teka nga may itatanong ako sayo Stella, may sinabi kasi itong si Dakota dahil nung dumating daw tayo dito ay kinabukasan nakita nya si Kiel na lumabas sa room mo totoo ba?"

"Hu? Ah sinamahan nya lang ako dahil nga lumalala ang lagnat ko."

"Ayun lang ba??" Nanunuksong sabi ni Maine.

"K-kalimutan mo na nga yang issue na yan Maine nakita mong hindi komportable si Stella oh."

"Asus sooner or later malalaman nalang namin na kayo na ang ikakasal."

"That's impossible Maine." Matapang na sagot ni Dakota kay Maine.

"Ano ka ba naman Dakota pati ba naman sa lovelife ni Stella bitter ka."

"Magpahinga nalang tayo kesa magbangayan kayo dyan."

Matapos magpa spa ay dumiretso kami sa kwarto ni Maine at nanood ng movie mamayang gabi pa naman ang dating ng mga pamilya nila kaya may oras pa kami at mamayang gabi pa rin naman ang party na ginawa namin para kay Maine.

Nakatulugan na namin ang panonood at nagising ako ng may maramdamang humahaplos sa buhok ko.

"K-kiel? Anong ginagawa nyo rito! Thomas hindi ba at hindi kayo pwedeng magkita ni Maine."

"Na miss ko na ang sweety pie ko."

"Oh my god! Kiel umalis na kayo bago pa magising si Maine."

"Teka sila lang naman ni Thomas ang ikakasal kaya bakit pati kami aalis. Miss na miss na kita eh."

"THOMAS!!!!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Maine, nagising narin pala ito maging si Dakota nakatingin lang naman sa amin si Dakota dahil si Cole ay nakaupo lang sa sofa samantalang nasa gilid ko si Kiel na nakahawak sa balikat ko at si Thomas naman ay nakaupo sa kama sa tabi ni Maine.

"Anong ginagawa mo dito Thomas!"

"Miss na kita eh."

"Patay tayo kila Mommy kapag nalaman nito to"

"Hindi naman nila malalaman kasi wala pa sila may 1 hour pa tayo bago sila dumating"

"Noooo baka hindi matuloy ang kasal chupi na"

"Grabe ka naman sakin sweety pie."

"Alis na bilis!"

Hinalikan lang ni Thomas si Maine sa noo at umalis na sumunod naman si Cole sa kanya at ayaw pa umalis ni Kiel.

"Dito nalang ako."

"Ano namang gagawin mo? Dun ka nalang sumama kila Thomas."

"Titignan lang naman kita di kita iistorbohin."

"Ano ba Kiel para kang bata."

"Nagpapa miss ka kasi eh."

"Ano bang sinasabi mo."

"Sige mang inggit pa kayo!" Pabirong sabi ni Maine sa amin ni Kiel.

"Sige na sumunod ka na sa kanila mag aayos pa kami."

"Sige na nga pero pa kiss muna."

"Ano bang nangyayari sayo my god Kiel" Agad naman ako nitong hinalikan sa pisngi at kumaripas na ng takbo palabas.

"Baka maunahan nyo pa kami magkaroon ng anak ni Thomas ah."

"Ano bang sinasabi mo dyan Maine."

"Baka mahuli tayo kaya mag ayos na tayo." Mataray na sabi ni Dakota at agad tumayo sa kama at tumungo sa banyo.

"Anong problema nun?"

"Baka nainggit kasi walang lovelife di sila nagpapansinan ni Cole eh."

"Baliw ka talaga Maine kung ano anong naiisip mo."

Nag ayos naman na kami at pagkatapos ay bumaba na sa lobby para salubungin sila Tita pati ang mga kamag anak nilang babae dahil sila Tito at ang mga kamag anak nila lalaki ay kila Thomas dumiretso para din sa party nito. Matapos naming puntahan sa lobby ang mga kamag anak nila Maine ay dumiretso na kami sa seashore dahil doon gaganapin ang party nya samantalang ang kay Thomas ay sa rooftop ng hotel.

Naging masaya naman ang simula ng party hanggang sa nagsimula na ang games at lalong napuno ng tawanan. Nang mag simula ng lumalim ang gabi ay isa isa ng nawala ang mga matatanda para magpahinga. Lumayo naman ako sa kanila para hanapin si Dakota dahil bigla itong nawala medyo lasing narin kasi ito dahil kanina pa inom ng inom.

"Dakota?" Nilapitan ko ito at umupo sa tabi nya nakita kong mas marami na ang nainom nya dahil ang daming bote sa tabi nya na wala ng laman. "May problema ba?"

"Akala ko noong una wala na akong problema pero hanggang ngayon ikaw parin ang problema ko!"

"Hindi kita maintindihan Dakota."

"Hindi mo talaga ako maiintindihan kasi selfish ka! Nauna ako Stella! Ako ang nauna sa kanya. Nauna ko syang nakilala, nauna ko syang magustuhan at mas lalong nauna ako sayo na mahalin sya! Pero bakit ikaw ang gusto nya bakit ikaw ang pinipili nya bakit binabalik balikan ka nya. Ginawa ko lahat para mapunta sya sakin ginawa kitang tanga, sinaktan kita pero kulang pa iyon dahil mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Ano pa ba ang dapat kong gawin? Gusto mo ba magmaka awa ako!? Sabihin mo lang dahil gagawin ko! Stella akin nalang sya. Ibigay mo nalang sya sakin! Mahal na mahal ko siya Stella higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. Ibigay mo nalang sa akin si Kiel, please."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Dakota agad akong tumayo at tumalikod sa kanya pero hinawakan nya ako sa braso at pinaharap sa kanya wala paring tigil ang pagluha nya.

" Stella mahal ko sya. "

"Wala akong pakialam kung mahal mo sya dahil AKO ang mahal nya! Alam mo hindi dapat ako naniwala sayo noon maling mali ako. Dahil ng ipakita mo sa akin ang video dapat naghinala na ako na gusto mo kaming paghiwalayin noong paulit ulit mong sinabi sa akin na niloloko nya ako na pinagpupustahan lang nila ako. "

"Pinagpustahan ka nga nila pero ang pinagpustahan nila ay kung kailan mo sya sasagutin iyon ang totoo. Binago ko ang totoo dahil alam kong kapag nangyari iyon ay kamumuhian mo sya at lalayuan mo pagkatapos noon ay sakin sya babagsak pero walang nangyari at kasalanan mo iyon! "

"Wala akong kasalanan sayo dahil una sa lahat hindi ka kailanman nagustuhan ni Kiel tandaan mo yan Dakota hindi ka nya mahal kaya kahit anong gawin mo hinding hindi sya mapupunta sayo. At paano ka nakakasiguro na mas mahal mo sya na mas higit ang pagmamahal mo sa kanya kaysa sa pagmamahal ko? Alam mo hindi mo sya mahal dahil selfish ka at walang puwang ang pagiging selfish sa pagmamahal."

"Stella please layuan mo na sya"

"No. Hinding hindi ko gagawin yan. Noon sinunod kita dahil akala ko kaibigan kita at alam mo ang dapat kong gawin pero ngayon susundin ko ang sarili ko at alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin ngayon? Iyon ay ang mahalin si Kiel at hinding hindi mo na kami mapaghihiwalay. Kaya ibulong mo nalang sa hangin ang punyetang pagmamahal na sinasabi mo."

Iniwan ko si Dakota at nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko pagdating ko doon ay nakita ko si Kiel na nasa labas ng pinto ng kwarto ko agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinalikan sya na ikinagulat nya ngunit tumugon parin sya sa mga halik ko at binuksan ko ang pinto at pumasok kami sa loob ng hindi pinuputol ang aming halik dahil ngayon sinisiguro ko na akin sya. Akin lang sya.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon