Remake

285 8 4
                                    

Nagising akong sobrang sakit ng ulo pero lalo pa atang sumakit ang ulo ko ng maalala na may nangyari nga pala sa amin ni Stella. Ngayon ko iyon pinag sisisihan dahil tandang tanda ko lahat lalo na ng akalain kong siya si Meg. Dahil sa mga pangyayari ay hindi nalang siguro ako papasok ngayon sa trabaho dito ko nalang siguro aasikasuhin ang mga papeles lalo pa at parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit. Napagdesisyunan kong maligo baka sakali matanggal ang tama ko mula sa alak at gumaan ang pakiramdam ko pagpasok sa banyo ay nagulat ako ng makita si Stella na nasa bathtub halatang hindi ito kumportable dito ba siya natulog? Anong pumasok sa utak niya at dito siya nag stay ang akala ko ay nasa ibaba siya at gising na.

Nilapitan ko siya, sobrang himbing parin ng tulog niya, napansin kong may nagbago sa itsura nya halatang hindi siya nakakatulog at napapabayaan niya ang sarili niya dahil pumayat sya at mayroon na siyang mga eyebags, halata din ang lungkot sa kaniyang mukha.

Noong araw na sinugod ko sya sa ospital ay isa ata sa pinaka nakakatakot na pangyayari sa buhay ko akala ko ay mawawala nanaman ang anak ko pero mabuti at sabi ng doctor niya ay dala lang iyon ng stress pero kahit alam ko na ang epekto nito ay hindi ko parin maiwasang bigyan siya ng sama ng loob. Hindi ko mapigilan dahil tila ba gusto kong gumanti sa kanya sa pagmamanipula sa buhay ko tulad noon ay hawak niya ang buhay ko pero noon ay talagang iniaalay ko iyon sa kanya pero ngayon ay iba na dahil hawak nya nga muli ang buhay ko pero hindi ito ang gusto ko dahil gusto kong kumawala sa kanya, gusto kong kumawala sa pagmamahal niya.

Dahan dahan ko siyang binuhat at dinala sa kama, kinumutan ko siya at bumalik na ako sa banyo upang maligo, siguro ay dala lang ng alak itong mga pinag iisip ko at pagkatapos kong maligo ay paniguradong mas magiging maayos na ang pag iisip ko.

Natapos na akong maligo at nakapag ayos na pero tulog parin si Stella kaya nagdesisyon akong magluto nalang ng tanghalian hapon narin kasi akong nagising at paniguradong maya maya ay gising narin si Stella. Habang nagluluto ay kinausap ko ang secretary ko na dalhin sa akin ang mga papeles sa opisina na kailangan kong pagtuunan ng pansin eksakto namang pagkatapos kong magluto ay dumating ang secretary ko dala dala ang mga papeles. Alas dos na at hindi parin gumising si Stella kaya nagdesisyon akong gisingin nalang sya.

"Stella" dahan dahan ko itong niyugyog at unti unti naman itong nagmulat ng mga mata. Magkatinginan kami at kita ko ang pamamaga sa mata nito. Umiyak ba ito?

"Sorry I oversleep. Anong oras na ba?"

"2 o'clock, nagluto na ako ng tanghalian tara na kumain."

"Maliligo muna ako"

"Nalipasan ka na ng gutom masama iyan lalo na sa bata kaya kumain ka muna"

Wala naman itong nagawa at sabay na kaming bumaba naihanda ko na lahat kaya umupo nalang kami at nagsimula ng kumain pansin kong mahina itong kumain hindi tulad dati. Tahimik kaming kumakain hindi tulad dati na kapag tahimik ay mag kwe kwento siya ng kung ano ano at puno ng sigla ang itsura nya dahil ngayon ay sobrang tahimik nito ibang iba ang nakilala kong Stella noon sa kaharap ko ngayon. Pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na at maliligo daw sya iniiwasan niyang tumingin sa akin halata ko iyon marahil ay dahil alam niyang namamaga ang mata niya.

Pagkatapos kong mag ugas ng pinggan ay pumunta ako sa sala at doon ko binasa ang mga papeles at mga dapat kong pirmahan. Makalipas ang isang oras ay napansin kong bumababa na ng hagdan si Stella at dumiretso ito sa kusina ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko at inilapag ang merienda na gawa niya mayroong iced coffee, sandwich, at chocolates alam niya kasing paborito ko ng iced coffee at kapag nag tra trabaho ako ay hilig ko ang chocolates para hindi ako tamarin. Tinignan ko siya at nakangiti siya sa akin tila ba nawala ang kaninang Stella na malungkot, naka pustura na ito ngayon at natakpan na ang magang mata mula sa pag luha.

"Mag merienda ka muna, kanina ka pa ata nag tra trabaho."

Ayaw ko namang dagdagan pa ang nagawa ko sa kanya kaya ibinaba ko ang binabasa ko at kumain nakatingin parin siya sakin na tila kinakabisado ang bawat hulma sa aking mukha.

"Hindi ka ba kakain?"

"Hindi na kumain na ako habang ginagawan kita, kaya sa iyo lahat yan."

"Okay, thanks"

Nang matapos akong kumain ay lalo itong lumapit sa akin at yumakap sa braso ko at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Sige lang magbasa ka lang hindi kita guguluhin makikibasa lang din ako tulad ng dati diba"

Hindi na ako nakipag talo pa at nagbasa na nga ulit ako ng mga papeles, makalipas lang ang isang oras ay nangalay na ang leeg ko sa pagbabasa at napansin niya iyon kaya bumitaw sya sa akin.

"Gusto mo mahiga?"

"Huh?"

Tinap nya ang hita niya senyales na pinahihiga niya ako at gawin kong unan ang hita niya.

"Huwag na, hindi ko kailangan"

"Kiel ginagawa ko ito para tulungan ka wala naman akong masamang balak"

Bumuntong hininga ako at sa huli ay sinunod din sya humiga ako sa hita niya at pagkahiga ay dahan daan niyang minasahe ang ulo ko aaminin kong ang sarap sa pakiramdam dahil nangalay na ako sa pag upo at nababawasan ang sakit ng ulo ko dahil sa paghilot niya, hanggang ngayon kasi ay may hangover parin ako.

Natapos ko na ang lahat ng papeles at saktong 7pm na kaya inaya ko na si Stella para kumain kami kanina kasi ay nag request siya na sa labas nalang kami kumain.

Napili namin ang isang fast food chain malapit sa subdivision gusto nya kasi ng pizza pagdating ng order ay kumain na kami pero hindi tulad kanina na tahimik dahil ngayon ay daldal ng daldal si Stella. Ano kaya ang nagpabago sa mood nito? Kaya nabalik ang pag iisip ko sa itsura nito kanina at naisipang tanungin siya.

"Stella, maga ang mata mo kanina. Did you cry last night?"

Tila nagulat ito sa tanong ko at biglang nawala ang masayang awra niya bumalik ang kaninang Stella na nakita ko ang tahimik at malungkot na Stella na tila napakaraming problema sa buhay.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon