Bleeding Love

260 8 2
                                    

Kinabukasan ay nagkulong lang ako sa bahay ko hindi ko parin kasi makalimutan ang nangyari sa amin ni Kiel wala naman akong lakas ng loob na tawagan sya at kung tatawagan ko sya ano namang sasabihin ko? Kaya napag desisyunan ko nalang na mag linis ng buong bahay kinaumagahan at ng sumapit ang hapon ay nag video call kami nila Maine at Dakota tinanong ko kung kamusta na sila at nag sorry ako sa kanila alam ko namang may mali rin ako lalo pa at nagpakalasing ako dahil dapat ay siniguro ko ang safety nila siguro umiral nanaman nga ang pagka selfish ko at inisip ko nanaman ang sarili ko na gustong kalimutan yung tawag ni Meg sa cellphone ni Kiel at kung gaano na nga ka seryoso ang relasyon nila. Habang nag uusap ay hindi ko muna sinabi kila Dakota at Maine ang nangyari ang sinabi ko lang ay inihatid din ako ni Kiel pagkatapos noon ay wala na ayoko namang maging pabigat sa kanila lalo pa at may magandang balita si Dakota dahil sa wakas ay may label na sila ni Cole at alam kong ilang buwan o taon lang ang lilipas ay aayain narin ni Cole si Dakota magpakasal. Masaya ako para sa mga kaibigan ko at kahit papaano ay aaminin kong naiinggit ako sa kanila, siguro kung naging maayos lang ang mga desisyon ko sa buhay ay matagal narin kaming kasal ni Kiel at marami narin kaming anak. Noong matapos kaming mag usap usap ay nag desisyon naman akong magpahinga sa garden umupo lang ako sa swing doon at nag isip isip hanggang sa naramdaman kong may tumutulo na palang mga luha mula sa aking mata hanggang sa hindi ko na napigilan kung ano ba ang nararamdaman ko at iniiyak ko iyon, ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko lahat ng sakit, pangungulila, galit, at pagmamahal ko kay Kiel.

Naalala ko nanaman noong muli kaming magkita nawala na ang kislap sa kaniyang mga mata, hindi ko makita ang mga tingin na dati ay ibinibigay niya sa akin sapagkat nasa iba na iyon, ang natira nalang ay pagkamuhi at kawalan ng gana na makita ako. Akala ko lahat ng iyon ay ginagawa niya para lang kalimutan ako, akala ko paraan niya iyon para ipamukha sa akin kung gaano siya kalaking kawalan sa buhay ko at kapag naintindihan kong hindi ko nga sya kayanag mawala sa akin at naisip kong bumalik sa kanya ay tatanggapin niya uli ako dahil mahal niya ako, dahil ako lang ang mahal niya pero nagkamali ako dahil ang kawalan ng pagmamahal sa kaniyang mga mata ay senyales na talaga ngang wala na kaming pag asa pa, na wala na akong pag asa pa na maranasan muli ang pagmamahal niya dahil sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako mahal kung kaya't heto ako at naiwang mag isang nagmamahal at sa pangalawang pagkakataon ay umiiyak ako dahil sa kanya at ngayon ako lang ang dapat sisihin, ako lang ang may kasalanan sa lahat ng ito.

Natigil ako sa pag iyak noong marinig ko ang doorbell sa aking bahay senyales na may tao sa labas pinunasan ko ang aking mga luha at tinungo ang pintuan pagbukas ko ay may nag dedeliver ng sulat pinirmahan ko ito at iniabot na niya sa akin ang padala pumasok muna ako sa bahay at noong nasa sala na ako ay tsaka ko iyon binuksan napakagandang imbitasyon nito ngunit sa harapan ang nakasulat ay

"Kiel & Meg"

Sa itsura palang nito ay alam ko na kung ano at para saan ang invitation na ito, ibig sabihin lang ay itutuloy na nila ang kasal nila. Matagal kong tinitigan ang imbitasyon hanggang sa tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Maine, sinagot ko iyon at binitawan ang invitation.

"Stella, did you receive it?" Alam ko na kung ano ang tinanong nito, malamang ay ang invitation sa kasal nila Kiel.

"Yup"

"Are you okay?"

"I'm fine Maine"

"Are you sure?"

"Oo, sa katunayan may naisip na akong regalo para sa kanila. I got to go kailangan ko pang asikasuhin ang regalo for them"

Ibinaba ko na ang telepono at hindi ako nagbibiro noong sinabi ko kay Maine na may naisip na akong regalo at aasikasuhin ko iyon ngayon, dahil may naisip akong magandang regalo para sa kanila at hindi ko na papalipasin pa ang oras at ngayon din ay aasikasuhin ko na ito. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ba sila sa regalo ko pero ako? Siguradong sigurado akong matutuwa ako.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon