Psycho

257 9 3
                                    

Umagang umaga ay may nanggugulo sa tulog ko tinignan ko ang orasan at nakitang 6 palang ng umaga, asar akong bumangon sa kama at isinuot ang roba ko pagkatapos ay bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa pinto at binuksan ito tila nawala ang antok at pagka inis ko ng makita kung sino ang nasa pinto.

Hinila ako ni Kiel papasok sa bahay ko at isinara niya ang pintuan sa bahay. "Good morning babe ang aga mo atang bumisita miss me?"

"Stop what you are doing Stella, hindi ako pumunta dito para sayo ang priority ko ngayon ay ang anak ko"

"So sweet, at least alam kong may malasakit ka pa sa sarili mong anak"

"Ano bang gusto mo Stella, bakit ka ba nag kakaganyan?"

"Alam mo kung ano ang gusto ko Kiel. Ikaw ang gusto ko, gusto ko ng pagmamahal mo, gusto ko ako lang ang nasa isip mo, gusto ko ako lang ang nasa buhay mo."

"Nababaliw ka na ba? Ikakasal na ako"

"At magkaka anak tayo! So mas pipiliin mo ang babaeng iyon kaysa sa sarili mong anak?"

"Nag usap na kami ni Meg itutuloy namin ang kasal, pero magiging ama parin ako sa anak ko, tanggap ni Meg ang bata. Lalaki parin siya sa pagmamahal at aruga ko pero hindi nga lang buo ang pamilya niya."

"NO! Hindi pwede, hindi ako papayag! Anong akala nyo sa anak ko laruan na pwede nating pagpasa pasahan! Kiel ititigil mo ang kasal nyo! Babalik ka sa akin, at mamahalin mo ako ulit pagkatapos ay ako ang pakakasalan mo. Mabubuhay tayo bilang isang pamilya, isang masayang pamilya."

"Stella hindi mo ba nakikita na hindi ako masaya sayo? Unang una sa lahat ay kasalanan nga ang batang iyan!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko si Kiel, alam kong ayaw niya akong maging ina ng anak niya pero ang idamay ang bata at sabihing kasalanan ito sobra na sobra na iyon. "Kasalanan? Pwes ang kasalanang ito ang magiging dahilan para bumalik ka sa akin kaya sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ka parin."

"Hindi ba ayaw mo naman sa akin noon bakit hindi ka nalang maging ganoon ulit Stella para matapos na to, nakakapagod ka na, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Namamalimos ka ng pagmamahal ko, wala ka ng dignidad Stella."

"Wala akong pakialam sa sarili ko dahil ang mahalaga ay sa akin ka. Ikaw lang ang mahalaga sa akin Kiel, ikaw ang kailangan ko para mabuhay."

"Tama na Stella kahit anong gawin mo hindi na ako babalik pa sayo"

"Sige kung ayaw mo na talaga sa akin, pwes kahit kailan hindi mo makikita, o mahahawakan ang anak ko, akin lang siya at hinding hindi ka niya makikilala tandaan mo Kiel nagawa ko noon kaya kayang kaya ko ulit gawin iyon ngayon." 

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Kiel kaya hinablot niya ang braso ko at sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito panigurado akong magpapasa na ito.

"Subukan mo Stella, dahil kapag nakahanap ako ng tiyempo at makuha ang anak ko baka ako pa ang mag layo sa kanya, baka ikaw pa ang hindi niya makilala dahil sisiguraduhin kong hindi ka niya kikilalaning ina niya."

"Kung ganyan lang pala at bakit hindi ko nalang ipa abort ang bata. Tama naman hindi ba kesa lumaki siya sa magulong pamilya. Bukas na bukas ipapa abort ko siya Kiel at ikaw ang may kasalanan kung bakit mamamatay ulit ang anak natin."

Nawalan ng kulay ang mukha ni Kiel, tila binuhusan ito ng malamig na tubig at unti unting natauhan binitawan niya ang braso ko at tinignan ako na tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi mo gagawin yan"

"Try me Kiel."

"Stella..... please"

"I made up my mind bukas na bukas ay pupunta ako sa kilala kong doctor at magpapa abortion ako, ayaw mo noon tapos na ang problema mo matutuloy na ang kasal nyo ni Meg at hindi ko na kayo magugulo pero ito ang tandaan mo Kiel ikaw ang dahilan kung bakit mawawala ang batang ito"

"Hindi ko hahayaang gawin mo iyan Stella"

"Ang tanging paraan lang para hindi ko ito gawin ay hiwalayan mo si Meg at pakasalan mo ako, iyon lang Kiel, iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ang anak natin"

Iniwan ako ni Kiel at umalis na ito muli naguunahan nanaman ang mga luha ko, lahat talaga ay gagawin ko para sa pagmamahal niya, sobra sobra na itong kahibangan ko halos lahat na ay nagawa ko pero hindi ako susuko dahil ngayon sigurado akong nanalo na ako.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon