Stella

238 10 3
                                    

"Salamat po Nay Mildred"

"Nako wala iyon alam mo namang wala din akong magawa." Si Nay Mildred ay ang matanda kong kapitbahay dito sa subdivision. Mayroon siyang apo pero minsan lang siya bisitahin, ako naman ay may trabaho at bumalik na ako sa Pilipinas doon parin ako sa firm na pinag tra trabahuhan ko pero nagpa relocate lang ako. Wala parin akong nahahanap na taga bantay kaya minsan ay si Nay Mildred ang inaatasan ko, okay lang daw sa kaniya dahil sawa na siyang gumala ng gumala lalo na at matanda na siya.


"Kamusta na ang baby ko"

"Nako halos buong araw tulog iyan gumigising lang kapag gutom kaya hindi ako nahihirapan."

"Mabuti naman po."

"Napaka gwapo talaga ng anak mo, Stella"

"Mana po sa nanay"

Nagbiruan at kwentuhan pa kami ni Nay Mildred dito ko narin siya pinakain ng dinner para naman din may kasabay siya sa pagkain, bukas ay dadating na ang taga alaga sa anak ko dahil sa wakas nakahanap na ako pero ang sabi ni Nay Mildred ay babantayan niya parin din ang anak ko kahit mayroon na akong taga alaga.

Kinabukasan ay nag leave muna ako sa trabaho ko dahil kailangan kong turuan ang yaya ni Zach kailangan kong malaman kung marunong nga itong mag alaga ng bata ayaw ko namang pabayaan lang ang anak ko.


"Good morning baby" Agad kong binuhat si Zach, siya ang aking anak. 7 months ko siyang iniluwal hindi naging madali ang lahat lalo na at premature siya akala ko nga ay hindi niya kakayanin dahil sobrang payat niya pero nagpapasalamat ako at hindi niya ako iniwan. Zachary Kiel Dobrev ang aming anak ni Kiel. Walang may alam ng pangyayaring ito maski ang aking mga kaibigan ay walang ideya na mayroon na akong anak. Hindi ko alam kung kailan ko ba sasabihin sa kanila pero alam kong hindi pa ngayon lalo pa at mayroong sakit ang aking anak epekto ito ng kaniyang pagiging premature, hindi siya pwede sa mga gatas lalo na kung ito ay may lactose kaya ingat na ingat ako at ang nireseta lang ng aming doktor ang binibili kong gatas para sa kaniya.


Kinahapunan ay dumating na ang taga alaga kay Zach nandito din sa bahay ko si Nay Mildred dahil sabay kaming naghapunan, siya muna ang nagbantay kay Zach habang nagbibilin ako sa kaniyang yaya. Kinagabihan ay dumating ang apo ni Nay Mildred, maging siya ay nagulat dahil sa biglaang pagbisita nito at pinakilala niya kami sa isa't isa. Ayon sa apo ni Nay Mildred ay mayroon itong problema.


"Stella may paraan ba para mapabilis pa ang annulment namin?"

"Meg wag ka mag alala gagawin ko ang lahat para next month ay siguradong hiwalay na kayo ng asawa mo."

"Thank you Stella. Alam mo mahal na mahal ko talaga ang finace ko ngayon at gagawin ko ang lahat para lang matuloy ang kasal namin ni Kiel."

"K-kiel?"

"Yup. He's name is Kiel. Here I have a picture of him." Ipinakita sakin ni Meg ang picture ng tinutukoy niyang fiance niya at tila ba nanghina ako ng makita ko kung sino nga ito.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon