Ipagpatawad mo

263 14 1
                                    

Natapos ang bakasyon ng mag on na sina Maine at Thomas at ngayon ay sabay sabay na kaming babalik sa Pilipinas para sa kasal nila. Pagdating sa airport ay nadatnan namin sina Dakota at Cole mukhang naiilang pa si Dakota lalo na ng makita nya na si Kiel ang may bitbit ng gamit ko, sinabihan ko naman na si Kiel na kaya ko naman pero ayaw pumayag na ako ang mag hila ng maleta ko kaya ang ending ay sya na ang nag asikaso ng gamit ko.

"Dakota na miss ka namin, dapat kasi sumama na kayo eh"

"Alam mo naman Maine na busy ako."

"Hays pero ayos na at magkakasama naman na tayo then after 3 days ay ikakasal na kami."

"I'm happy for you Maine"

"Ikaw ba Dakota dahil mukhang ikaw nalang ang mapag iiwanan"

"What do you mean?"

"Hay nako mahabang kwento tara na mamaya na natin pag usapan at gutom na ako."

Sumakay naman na kami sa sasakyan at dumiretso sa condo ni Dakota dahil doon daw sila naghanda ng hapunan namin pagkatapos ay mamayang gabi naman ang flight namin papuntang Balesin dahil doon gaganapin ang kasal nila.

Pagkatapos maghapunan ay naglinis na sila Dakota ng pinagkainan tinulungan sya ni Cole samantalang sina Thomas at Kiel ay pumunta sa opisina para asikasuhin ang ilang papeles. Naiwan naman kami ni Maine sa kwarto ni Dakota para magpahinga sandali.

"Maine somethings odd."

"What do you mean?"

"Ewan ko ba pero iba ang aura ni Dakota."

"Hu?"

"Noong makita nya kami ni Kiel kanina mas lalong nagiba ang itsura nya lalo naman kanina noong kumakain tayo at inaasikaso ako ni Kiel parang may mali alam mo yun parang kakaiba sya kumilos."

"Baka pagod ka lang alam mo girl magpahinga na tayo."

Natulog kami ni Maine at ginising lang kami nila Kiel dahil aalis na daw kami. Nauna naman sa sasakyan sila Maine at Thomas dahil nandoon narin sina Dakota at Cole inasikaso pa kasi ako ni Kiel dahil sumakit ang ulo ko nabigla siguro dahil sobrang init ngayon sa Pilipinas. Pinainom nya ako ng gamot at bumaba na kami pagkatapos habang nasa elevator ay umakap ako sa bewang nya at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya ganito ang palagi kong ginagawa maski sa magulang ko noon kapag masama ang pakiramdam ko gustong gusto kong may kayakap dahil nararamdaman kong safe ako. Niyakap nya rin naman ako pabalik hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay nakayakap kami sa isat isa mukha akong bata na ayaw humiwalay sa candy nya pero wala na akong pakialam dahil dito ako komportable.

"Maayos ka na ba Stella?"

"Medyo nahihilo parin ako."

"Sana hindi na lumala ang sakit mo ilang araw nalang kasal ko na."

"Huwag ka mag alala Maine mawawala din to."

Pagdating namin sa Balesin ay dumiretso kami sa kanya kanyang kwarto may sari sarili kaming kwarto at magkakatabi lang naman ang bawat kwarto namin. Tinulungan ako ni Kiel sa pagdala ng gamit ko at sya na ang nagpasok hanggang sa kwarto ko. Humiga naman ako agad sa kama at nagtalukbong ng kumot dahil medyo giniginaw na ako. Hanggang sa maramdaman kong lumundo ang kama at dahan dahang ibinaba ni Kiel ang kumot hanggang leeg ko at niyakap nya ako mula sa likuran ko.

"Baka mahawa ka."

"Ayos lang atleast may karamay ka na diba."

"Sira!"

"Joke lang. Alam mo namang malakas ako noh."

"Sige na pumunta ka na sa kwarto mo para makapag pahinga ka rin."

"Dito nalang muna ako babantayan kita."

"Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko."

"Says who?"

"Says me!"

"My love alam nating pareho na hindi mo kaya. So pabayaan mo na akong alagaan ka."

"Bahala ka dyan."

"Sandali lang o-order lang ako ng pagkain natin para maka inom ka na ng gamot."

Maya maya ay dumating na ang order nya at kumain na kami at pinainom na nya ako ng gamot. Matapos uminom ng gamot ay bumalik ako sa pagtulog. Naalimpungatan lang ako ng alas kwatro na ng madaling araw at nasa tabi ko parin si Kiel at nakayakap sa bewang ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko nawala na ang lagnat ko at hindi na gaano masakit ang ulo ko.

Dahan dahan kong hinawakan ang buhok nya at pinaglaruan ito habang kinakabisado ang mukha nya, wala paring nagbago siguro ay mas gumwapo lang sya pero sya parin yung Kiel na naging kaibigan ko, na minahal ko at yung Kiel na nakasakit sa akin.

"I'm sorry." Dahil gustuhin man kitang patawarin at bigyan ng chance ay hindi ko talaga magawa. Pero isa lang ang sigurado ko at iyon ay ikaw parin hanggang ngayon ang nag mamay ari ng puso ko.

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya at hinalikan ko ang pisngi nya.

"S-stella...."

"shhh.."

Niyakap nya ako ng mahigpit at niyakap ko rin sya pabalik habang muli nanamang umagos ang mga luha kong wala na atang patid sa pagtulo dahil hanggat nandito sya hanggat nasasaktan ako at hanggat mahal ko sya ay hindi na ata titigil ang pag luha ko.










~Ang nalalapit na pagtatapos~ 😀

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon