My Everything

235 11 0
                                    

"Stella, baka pwede naman natin itong pag usapan?" Pinuntahan ako ni Nay Mildred sa ospital dahil gusto nya daw ako kausapin, nagsampa na kasi ako ng kaso laban sa apo niya na si Meg, wala naman dito ngayon si Kiel dahil tinawagan siya ni Meg at nasa prinsinto na ito.

"Nay Mildred alam nyo namang wala ng magpapabago pa ng isip ko, anak ko ang sinaktan ni Meg alam naman po nating pareho na sinadya niya iyon kaya please po wag nyo na siyang pagtakpan."

"Mukhang hindi ko na nga mababago ang isip mo pero sana mapatawad mo parin ang apo ko, alam kong mahirap pero hindi ka mabubuhay na puro galit lang ang nararamdaman."

"Sige po Nay Mildred lalapitan ko lang po ang anak ko."

"Pinagdadasal ko na bumuti na ang lagay niya Stella."

Isang linggo na nasa NICU ang anak ko pero ang sabi ng mga doctor ay wala paring pagbabago sa lagay niya, kaya inabisuhan din kami ni Kiel na maghanda na sa mga maaaring mangyari sa kanya. 

"Zach, alam kong napapagod ka na anak pero mahal na mahal ka namin ng daddy mo at hindi ko ata kakayanin kung mawawala ka anak, sobrang bata mo pa ang dami ko pang pangarap para sayo. Kaya wag mong iiwan si mommy kasi ikaw nalang ang meron ako. I'm sorry kung nagkulang ako sayo anak, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito napaka selfish ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa iyo anak." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, nakikita ko palang na nanghihina ang anak ko ay para bang nanghihina din ako hawak hawak ko lang ang mga maliliit niyang kamay pero hindi na tulad ng dati na hahawakan din niya ang mga kamay ko dahil ngayon ay ako nalang ang humahawak dito tanda na hinang hina na siya at wala ng lakas. Sa pag aakalang mawawalan narin ako ng lakas ay mayroong humawak sa magkabilang braso ko at pagtingin ko sa likuran ko ay si Kiel iyon. Inaamin kong nabuhayan ako dahil sa kaisipang hindi lang ako nag iisa at may makakasama pa ako kahit tinatalikuran na ako ng mundo ay nandyan parin siya kailangan ko lang itama ang lahat ng pagkakamali ko.

Humarap ako kay Kiel at niyakap sya doon ko ibinuhos ang lahat ng paghihinagpis ko hanggang sa unti unti kong naramdamang iniyayakap din niya sa akin ang mga kamay niya, kahit papaano ay naramdaman kong safe ako at hindi nag iisa.

Pagkatapos ng eksena naming iyon ay lumabas na kami ng NICU at umupo sa upuan sa labas nito, mukhang wala siyang balak kausapin ako kung kaya't ako na ang nagsimulang kausapin sya.

"You don't have to feel guilty kung umalis ka dito kanina para puntahan si Meg. Of course she's your fiance at may responsibilidad ka din sa kanya."

"Alam mo bang si Meg ang nasa tabi ko noong iniwan mo ako, hindi niya ako iniwan kahit sobrang magulo ang buhay ko. Minahal niya ako kahit alam niyang walang kasiguraduhan sa akin. Hindi siya napagod, hindi siya sumuko kahit pa nasasaktan siya ay hindi niya parin naisip na iwan ako, kaya sa paglipas ng panahon ay natutunan ko siyang mahalin. Oo, Stella mahal ko si Meg, natutunan ko siyang mahalin, kaya kung tatanungin mo ako ngayon kung na gu guilty ako dahil iniwan ko ang anak ko para sa isa pang taong mahal ko aaminin kong na guilty ako pero ano bang magagawa ko? Mahal ko eh."

Parang unti unting namamatay ang puso ko, unti unti kong nararamdamang sumasakit ito na tila ba may tumutusok dahil sa mga salitang binitawan ni Kiel, mahal nya si Meg ang ibig sabihin lang noon ay hindi na niya ako mahal dahil nakay Meg na ang puso niya. Ganito pala ang pakiramdam na hindi ka na mahal ng taong mahal mo, sobrang sakit na gugustuhin mo nalang mamatay gusto kong umiyak at magwala pero tila nanghihina ako na gawin ang mga bagay na iyon dahil pati ata lakas ko ay nawala na. Mata sa mata sinabi niya sa aking mahal niya si Meg ano pa nga ba ang masasabi ko? Congrats? Good for you? Hindi ko ata kaya, dahil hindi ko kayang may iba na siyang mahal samantalang ako noon pa man siya na ang mahal ko.

"Ang unfair mo" Sa wakas tumulo din ang mga luha ko subalit nakatingin lang sa akin si Kiel hindi tulad dati na  yayakapin niya ako at aalisin ang mga luha sa aking pisngi, iba na nga siguro ngayon. "Alam mong ikaw ang una kong minahal at hindi narin ako magpapaka ipokrita kung sasabihin kong may iba akong minahal maliban sayo. Mula noon hanggang ngayon Kiel ikaw parin, pero bakit ganoon kadali sayo na magmahal ng iba at alisin ako sa puso mo, ganoon ba kalaki ang galit mo sa akin? You're my everything yet I was nothing to you."

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon