Never Be

792 18 1
                                    

"Ehem! Stella wag mo masydong titigan baka matunaw" kaloka di ko akalain na eksaktong pagkasabi ko ng chika ko eh syang dating naman ng mga loko loko ito.

"Excuse me ako tinitignan sya? Malayong mangyari yun." Tinarayan ko si Maine kasi naman ngayon nya lang sinabi at ang malala pa ay inaya din pala nya ang mga ito sa overnight namin. Magkakaibigan kasi kami noon at minsan sama sama kaming nag o overnight di ko naman alam na hanggang ngayon ay gagawin pa namin iyon matapos ng mga nangyari.

"But still aminin ang hot parin nila" Parang nababaliw na si Maine sa sinasabi nya kaya tinignan namin sya ni Dakota ng masama.

"Teka nga Maine diba sinaktan ka din nyan eh bakit grabe ka kung bigyan ng papuri ang mga hayop na yan?" Nako nakakahalata na ako dito kay Maine ah baka mamaya pumunta nanaman sya sa amin ni Stella na umiiyak.

"Nag move on na ako yun lang yun" itong dalawang ito ma issue talaga eh pati ako ginagawan ng bagong issue.

"Move on your face" Kilalang kilala ko tong si Maine. So ngayon anong gagawin namin kaming tatlo ay kanina pa nakaupo sa sofa samantalang ang tatlong demonyo ay nasa kusina ko maghahanda daw sila ng pagkain, well totoo naman mas magaling sila sa pagluluto kesa samin kahit pa babae kami.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - -- - - - - - - - -- - - -- - - - - - - -- - - - - -

"Dude nakita mo ba si Stella?" Inaasar nanaman ako nitong si Cole bago palang kami bumalik ng Pilipinas ay inaasar na ako nitong loko na to.

"Ang ganda ganda parin talaga ng Maine ko" Nagulantang kami sa sinabi ni Thomas tangina nahiwa ko yung daliri ko pucha.

"Puta kasalanan mo to Thomas kung ano anong sinasabi mo."

"Oh no Kiel, ang dami ng dugo ng kamay mo." Tarantado talaga tong si Cole alam na nga na takot ako sa dugo nang aasar pa itinapat ko nalang sa gripo ang daliri ko pera ayaw parin maampat ng dugo.

"STELLAAAA!!!!! Nasugatan si Kiel may dugo yung kamay nya." Puta mas mauubusan ata ako ng dugo sa sinigaw ni Cole ang gago ay tawa lang ng tawa maya maya ay pumunta na ang tatlong magkakaibigan sa kusina at may hawak ng first aid kit si Stella. Nakakunot pa ang noo nya ang ganda talagang pagmasdan hanggang sa kunin nya ang kamay ko at tignan ang daliri kong nasugatan.

"Maliit lang naman pero dahil sa tubig akala mo madami yung dugong lumalabas." Hindi ko inakalang magiging ganto ulit kami kalapit sa isat isa. Habang busy ako sa pag kabisa muli ng maganda nyang mukha ay bigla akong napasigaw.

"Shit!!! Stella anong ginawa mo?"

"Bobo binuhusan ko ng alcohol, kanina pa ako sabi ng sabi kung payag kang buhusan ko ng alcohol wala kasi akong agua or betadine dito hindi ka naman sumasagot dyan so you gave me no choice."

"Tangina dude para kang bata."

"Mamatay ka sana kakatawa Cole" tinignan ko sya ng masama punyeta kasi pinapahiya nya ako kay Stella.

"Ayan na lagyan mo ng band aid kaya mo naman diba."

Matapos noon ay iniwan na ulit nila kami sa kusina kantyaw naman ng kantyaw si Thomas at Cole sa akin nako kung pwede lang gigilitan ko sila eh.

Makalipas ang 30 minutes ay natapos na kami sa pagluluto nakapag luto na kami ng carbonara na paborito ni Stella, ng steak na paborito naman ni Dakota at fish fillet na paborito naman ni Maine. Inilabas na namin ang iniluto namin at inilagay sa table sa harapan ng sofa agad naman silang kumuha at nagsimula na kaming kumain habang nanonood ng disney movie. Yup disney movie mahilig ang tatlong iyan sa disney movies.

"Guys mag laro naman tayo!!!" Napaka hyper talaga nitong si Thomas hindi ko alam kung dahil nakita na nya ang Maine nya o lumaklak sya ng napakaraming chocolate. Sa huli ay nasunod ang gusto nya naglabas pa ng alak matagal nanaman na kaming nag iinuman ngayon nalang naulit ang unang nilaro namin ay uno yun ang paborito namin noon eh pero ng tinamad na sila ay nakaisip nanaman ng laro si Thomas. Naglabas sya ng newspaper at inilatag sa sahig maya maya ay pinatayo nya kami at by partner daw. Ang lalaruin daw namin ay yung ititiklop ng ititiklop ang papel hanggang sa magkasya at ang matatalo ay ang mag uugas ng pinggan. 

"What the fuck! Ayaw ko na uupo na ako." Mali talaga iniisip ni Thomas eh nako hindi ako makikipag partner kay Cole.

"Hey Mayi this is just for fun kaya wag ka na KJ."

"Am I talking to you?" Mataray kong sabi kay Cole epal talaga kahit kailan eh.

"Woah easy babe"

"Fuck you" Nakakahighblood jusko medic kailangan ko medic.

"Tsk Tsk you're talking bad words again. Do you still remember my punishment?"

"Wow FC?" Kapal talaga ng mukha ano kala nyan close kami huwaw asa ka dung

"Well let me remind you that my punishment for you is one kiss every curse you say."

 "You know what shut up Cole!"

"Are you serious Thomas? For Pete's sake"

"Well I'm fine with that unless you still have feelings for me Maine"

"What? Oh dear you've inhaled so much air you know that?"

"But admit it you are still inlove with me, Maine"

"I LOVED you but that won't happen again." Talagang diniinan ko ang pagkakasabi sa LOVED malamang past tense gago talaga tong si Thomas eh.

"Oh I love you too." She's so funny that's why I can't get over her

The game started and after that Thomas and Maine won. Samantalang kami ni Kiel ang unang natanggal at dahil kami ang unang natalo ay kami ang mag uugas samantalang sina Cole at Dakota ang mag wawalis. Naiwan naman kami ni Kiel sa kusina hindi ko din naman sya pinapansin kaya ok lang.

"How are you, Stella?"

"Never been better, Kiel"

"Well me.... I'm still broken into pieces" Because you still haven't fix me.

"Am I asking you?" Sarcastic kong sabi sa kanya, wala akong pakialam sayo Kiel  pinagpapatuloy ko paring sinasabunan ang mga plato sya naman ang nag babanlaw para makalayo na ako agad sa kanya.

"I just want you to know"

"I don't give a damn about it, Kiel" Matapos kong sabunan lahat ng pinag gamitan namin ay iniwan ko na sya doon sa kusina at pumunta na ulit ako sa sofa tuloy parin naman sila sa pag inom. Maya maya lang ay sumunod narin si Kiel at nakisama sa pag iinuman namin hanggang sa malasing na si Maine at kailangan na namin syang dalhin sa kwarto ko doon kaming tatlo matutulog habang ang tatlong demonyo ay sa kabilang kwarto matutulog.

"Ang gago gago nyo alam nyo yun!!!: Sigaw na ng sigaw si Maine pinipigilan naman namin sya ni Dakota. "Lalo ka na kiel ikaw ang pinaka gago diba Stella?" Kinaltukan sya ni Dakota at pinasok na namin sya sa kwarto. Lumabas naman ako ulit kasi naiwan ang mga cellphone namin paglabas ko ay si Kiel nalang ang naabutan ko nililigpit na nya ang mga ginamit namin. Inabot ko naman sa sofa ang mga cellphone namain at bago ako tuluyang makabalik sa kwarto ay nagsalita sya.

"I'm sorry Stella."







The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon