Meg

246 13 3
                                    

AN: Hello thank you sa pag aantay para sa update ko 




"Akala ko ba sasama sa atin si Dakota?" Nasa mall kami ni Maine at namimili ng gamit ni Zach maging ng kaniyang anak. Nagka usap na kami at makalipas ang ilang araw ay nag usap naman kami ni Dakota unti unti naring bumabalik sa dati ang lahat sana lang ay magtuloy tuloy na ito.

"Nanghihina daw eh" 

"Puntahan kaya natin sya after nito?"

"Stella, alam mo naman yun ayaw niyang kinaka awaan sya"

"We will just visit her and make sure that she's fine"

"Sa ibang araw nalang Stella kapag umayos ayos na ang lagay niya."

Habang tumitingin kami ng mga damit ay biglang may tumawag sa pangalan namin.

"Hello guys!!"

"Meg?" Sabay pa kami ni Maine ng pagkakasabi sa pangalan nito, agad ko namang tinignan kung may kasama sya.

"Di nyo manlang sinabi sa akin na mag sho shopping kayo for your kids."

"Biglaan lang kasi to Meg" Halata kong naiilang si Maine kay Meg well di ko sya masisisi minsan talaga ay ang awkward kasama ni Meg

"By the way Stella dinala ko kanina sa bahay mo yung regalo ko for Zach"

"Nag abala ka pa"

"Ano ka ba para narin naman tayong magkaibigan tsaka favorite kaya ng lola ko yang si Zach"

"Mauuna na kami Meg may bibisitahin kasi kaming kaibigan"

"Nagmamadali ka naman Maine kumain kaya muna tayo?"

"Hindi talaga pwede kasi may hinahabol kaming oras ni Stella"

"Edi sasama nalang ako sa inyo"

"Umm medyo private kasi ito Meg, I'm sorry sa ibang araw nalang siguro"

"O-okay"


Hinila na ako ni Maine palayo kay Meg at halata kong madaling madali ito.

"Akala ko ba hindi natin pupunta si Dakota?"

"Hindi nga, palusot ko lang iyon ano"

"Talagang mainit ba ang dugo mo doon kay Meg"

"Stella, alam mo ang hormones ng mga buntis kaya naiintindihan mo naman siguro ako"

"Hay nako Maine kung hindi ka lang buntis iisipin kong ayaw mo sa kaniya kasi ako ang gusto mo for Kiel"

"Oh shut up!"




Linggo ngayon at kada umaga basta wala akong work ay nag jo jogging ako sa subdivision. Habang pabalik sa bahay ay napahinto ako dahil dumating ang kotse ni Meg at lalo pa akong nagulat ng lumabas din sa sasakyan si Kiel. Sinalubong sila ni Nay Mildred sa pag aakala kong hindi nila ako mapapansin ay bigla naman akong tinawag ni Nay Mildred.

"Stella! Ipapakilala kita sa nobyo nitong apo ko."

"Nay Mildred nakilala ko na po sya"

"Aba ganoon ba? Dapat pala ay dito ka narin mag hapunan mamaya"

"Nako marami pa po kasi akong gagawin"

"Aba'y pag hapon tulog naman iyang si Zach ah"

Kinabahan ako noong binanggit ni Nay Mildred ang pangalan ng anak ako. Hindi pa ako handa na ipaalam sa kanila ang totoo ngunit ang pangamba ko ay nawala noong napansin kong mukhang hindi naman nakikinig si Kiel sa usapan namin dahil busy sila ni Meg maglandian. Mukhang wala na nga itong pakialam sa akin.

"Sa susunod nalang po siguro Nay Mildred"

"Hay nako ikaw talagang bata ka, o sige basta ba mamayang gabi ay dadalhin mo si Zach dito ilang araw ko ng hindi iyon nakikita, ikinukulong mo sa bahay mo eh"

"S-sige po" Matapos ng pag uusap namin ni Nay Mildred ay umalis narin ako agad siguro ay pagkatapos maghapunan ay doon nalang ako tatambay kila Maine baka doon narin muna kami matulog ni Zach.


Pagkatapos ng hapunan ay sinabihan ko na ang kasambahay na aalis na kami ni Zach at kapag hinanap kami ni Nay Mildred ay sabihin nalang na biglang tumawag ang kaibigan ko at hindi nito alam kung anong oras kami babalik ni Zach. Madaling madali ako sa pag lalagay sa sasakyan ng mga gamit namin habang karga ko naman si Zach ay may nag doorbell sa pinto kaya binuksan ko muna ito bago ko iupo si Zach sa sasakyan.

"Meg!"

"Stella can we talk?"

"Aalis kasi ako eh, pwede bang sa ibang araw nalang?"

"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ni Kiel pero bakit parang lumalayo ka sa kanya?"

"What do you mean?"

"The way you look at him, may kakaiba. Hindi nagsasabi sa akin si Kiel ng about sa past nyo, wala din akong makitang feelings sa kanya kapag nakikita ka niya kaya gulong gulo na ako para bang may tinatago sya."

If I want to win back Kiel maybe this is the first step and that is to face Meg and tell her the truth. "We have a past and we didn't have a closure at hanggang ngayon naniniwala akong pipiliin niya parin ako kaysa sayo Meg."

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon