Frustrated

254 10 7
                                    

Read at your own risk... (spg)







"Stella, kanina ka pa inom ng inom" Sinasaway ako ni Maine, nandito na kami sa bar at kasama din namin si Dakota ayon sa kaniya ay tumakas sya kay Cole at nag iwan ng letter na sumama sa amin dala narin naman niya ang mga gamot niya at tulad ni Maine ay hindi din siya umiinom pareho sila ni Maine na juice lang kaya ako lang ang umo order ng alak.

"I'm fine Maine, alam nyo dapat mag saya tayo kasi paniguradong huli nato lalo kapag nalaman ng asawa mo Maine at ng jowa mo Dakota ang ginagawa natin ngayon."

"Maigi pa sumayaw nalang tayo tara na" Hinila ako ni Dakota at isinama namin si Maine hindi kami sa masikip pumwesto ayaw naman namin mapahamak si Maine. Sayaw kami ng sayaw na para bang mga teenager ulit, aaminin kong na miss ko ang ganito, na walang iniisip na problema, na puro sarili ko lang ang iniisip ko. 


Napagod ng sumayaw si Maine kaya sinamahan siya ni Dakota na bumalik sa pwesto namin at magpahinga samantalang nagpa iwan lang ako sa dance floor at nagsumiksik pa lalo sa gitna hindi naman ako mukhang matandang matanda na kaya malakas ang loob ko na maging wild ngayon hanggang sa may lumapit sa akin hindi naman siya mukhang bata siguro ay nalalapit lang sa edad ko.

"Hello" bati nito sa akin

"Hi" sa sobrang kalasingan ko na ata at nagagawa kong makipag landian well matagal ko naring hindi ito nagagawa.

"What's your name?"

"I'm Stella"

"Umm do you have a boyfriend Stella?"

"I'm single and ready to mingle" Shocks saan nanggaling iyon!

"Oh I like that, by the way I'm Charles"

"Hello Charles, are you free?"

"Yup same as you."

"But I'm old"

"You're not old, you still look hot"

"Bolero!"

Nag stay pa ako sa dance floor at nagsayaw kami ng nagsayaw ni Charles aaminin kong lalong lumakas ang loob ko siguro ito lang ang kailangan ko na malaman kong kaya ko paring maka apekto sa lalaki dahil sa ipinaparamdam sakin ni Kiel ay bumaba ang tingin ko sa sarili ko pero pagdating kay Charles ay tila ba ako ang pinaka magandang babae sa mundo. Noong mapagod ay inaya ko siya sa pwesto namin nila Maine nakita kong nagtatawanan ang dalawa pero noong madako ang tingin nila sa amin ni Charles na papalapit sa kanila ay napatigil ang mga ito at halata kong nagulat.

"Maine, Dakota this is Charles."

"Hi" bati ng dalawa, umupo kami ni Charles at tumabi ito sa akin, inilagay nito ang isang kamay sa baywang ko habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa hita ko, naka maikling fitted dress kasi ako kaya may access talaga siya sa aking hita.

Nag kwe kwentuhan lang kami at kaming dalawa ni Charles ay umiinom samantalang tumigil na sa pag inom ng juice ang dalawa dahil busog na daw.

"Stella I think we should go home" Aya sa akin ni Maine, tinignan ko naman ang relos ko at nakitang 2:00am na pala ang usapan namin ay hanggang 1:00am lang kami pero mukhang maging sila ay hindi napansin ang oras.

"Okay punta lang ako sa washroom"

Tumayo na ako sa upuan at sinabi naman ni Charles na sasamahan na niya ako dahil nahihilo na ako. Pagdating sa hallway ng cr ay bigla ako nitong isinandal sa pader at hinalikan, hindi naman ako ipokrita para sabihing hindi ko nagustuhan ang ginagawa niya kaya tumugon ako sa kaniyang mga halik hindi ko alam kung gaano na kami katagal naghahalikan ng bigla siyang mawala at nakita ko nalang siya na nasa lapag na at bigla nalang may humila sa akin. Hila hila parin ako nito hanggang sa makalabas kami ng bar at base sa likuran palang nito ay alam ko na kung sino siya. "Kiel bitawan mo ako"

Nakarating kami sa kotse niya at binuksan niya ito ay pinasakay ako sa passenger seat padabog niyang isinara ito at mabilis na pumunta sa kaniyang pwesto at padabog ding isinara ang pinto nilock niya ito kaya hindi ako makalabas.

"Ano ba Kiel! Pupuntahan ko sila Maine"

"Umuwi na sila, alam mo ba kung gaano kagalit si Thomas pati si Cole noong malaman na wala kayo sa bahay mo? Tinawagan ako dahil baka daw alam ko kung nasaan kayo dahil ako naman ang palaging nag dri drive sayo, anong oras na Stella! Hindi mo ba naisip na may kasama kang buntis at nagpapagaling sa cancer? Samantalang ikaw nandoon nakikipag halikan sa kung sino man! Napaka selfish mo!"

Sa sobrang inis ko sa pinagsasabi niya ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan siya hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ng loob ko pero malamang ay dahil ito sa alak at sa pagiging frustrated ko kahapon pa tapos ay gagatungan niya na ano? Naiinis ba siya dahil naistorbo siya sa pagtulog at kailangan pang sumama para sunduin kami samantalang hindi naman niya ako responsibilidad. 

Hindi ko alam kung gaano ko na siya katagal hinahalikan pero hindi siya tumutugon kaya lalo lang akong na fru frustrate sa kaniya at ginawa ko ang bagay na hindi ko akalaing gagawin ko. Itinigil ko ang paghalik sa kaniya at dali dali kong inalis ang seatbelt ko at mula sa pagkakaupo sa passenger seat ay sumampa ako sa kaniyang kinauupuan mukhang nagulat siya sa ginagawa ko dahil nakaupo sya sa driver's seat samantalang naka kandong ako sa kaniya ang dalawang binti ko ay magkahiwalay at pinagigitnaan ang kaniyang mga binti nakatingin lang sa akin si Kiel at sa aking ginagawa, tinanggal ko ang seatbelt niya at inurong ko ang upuan upang magkaroon ng mas malaking espasyo sa manibela matapos gawin iyon ay muli ko siyang hinalikan.

Mapupusok ang halik ko tila inilalabas ang inis, galit at kung ano pang nararamdaman ko sa kaniya subalit hindi niya parin ako tinutugon, hindi ko na alam ang gagawin ko, tinanggal ko ang polo niya at hindi naman siya tumutol subalit nakatingin parin siya sa akin pero wala akong mabasa kahit ano sa kaniyang mata, walang pagmamahal maski galit hindi ko na alam ang gagawin ko. Matapos kong mahubad ang polo niya ay isinunod ko ang akong damit, wala akong suot na bra tanging ang panty lang ang mayrron ako sa ilalim ng aking bistida, noong mahubad ko na ito ay hindi parin siya gumagalaw kaya hinalikan ko siyang muli at kinuha ang kaniyang kamay at pinadaan sa aking katawan hindi siya kumkikilos kaya ako ang nagpapagalaw sa kaniyang kamay sa aking katawan. Sasabog na ata ako sa inis at pagka frustrated hindi parin siya kumikilos, hindi niya parin tinutugon ang halik ko at unti unti ng tumulo ang mga luha ko pero hindi parin ako tumigil sa paghalik sa kaniya noong maramdaman niyang umiiyak na ako ay tsaka siya tumugon sa aking mga halik, tsaka niya hinawakan ang aking katawan na tila ba isa akong babasaging bagay at kailangang ingatan, hindi naglaon ay naramdaman ko siyang muli at sabay naming naabot ang langit. 


Pagkatapos ng lahat ng iyon ay umalis ako sa kaniyang kandungan at bumalik sa aking upuan inabot ko din ang aking damit at muling isinuot, maging siya ay nag ayos na ng sarili, hindi ko parin mabasa ang kaniyang nasa isip at muli ay wala nanaman akong makita sa kaniyang mukha. Maya maya ay nagsalita siya na siyang ikinawasak ng aking mundo.

"Na aawa ako sayo Stella. Nakaka awa ka"

Iyon ba ang dahilan ng lahat? Na aawa siya? Na awa siya kaya niya ako pinatulan, iyon lang yun Stella, wala ng iba pa.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon