Meet Again

260 10 2
                                    

"Stella! Akala ko hindi ka na makakapunta"

Na finalize ko na kasi ang divorce papers ni Meg kaya nag aya sya na mag celebrate sabi nya ay mag ba bar kami nahihiya naman akong tanggihan sya kaya sumaglit ako pagkatapos kong mang galing sa trabaho.

"Hindi din ako magtatagal Meg alam mo namang inaantay ako ng anak ko."

"Pero before you go I want you to meet my friends" 

Hinila ako ni Meg papunta sa kanilang pwesto at habang papalit kami ay kilalang kilala ko na kung sino ang mga haharapin ko.

"Maine, Cole, Thomas I want you to meet a good friend of mine Stella"

Halata ang gulat sa kanilang mga mukha maging ako ay nagulat dahil buntis pala si Maine.

"S-stella?" Naluluhang saad ni Maine at dali dali akong niyakap.

"So you know Stella? Sabagay sino ba naman ang hindi makakakilala sa kaniya napakagaling niyang attorney." 

"Meg paano kayo nagkakilala ni Stella?"

"Umm meron lang akong pina ayos sa kaniyang documents, Thomas tsaka magkapitbahay sila ng lola ko"

"Stella saan ka ba pumunta bakit hindi ka nagparamdam?"

"I'm so sorry Maine"

"Teka paano nga pala kayo nagkakilala? Mukhang kilala nyo rin sya Thomas and Cole"

"Yup we know her she's a friend tsaka magkakaklase kami noon pa." Si Cole na ang sumagot dahil walag tigil sa pag iyak si Maine at pinapatahan naman namin sya ni Thomas

"So ibig sabihin kilala din sya ni Kiel?"

Lahat kami ay nanahimik tila ba nagpapakiramdaman hanggang sa dumating ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ulit. Lumapit sya kay Meg at niyakap ito patalikod hinalikan din nito ang pisngi ni Meg.

"Anong nangyayari dito bakit umiiyak yang asawa mo Thomas?"

"Babe feeling ko na miss niya lang si Stella."

"Stella?" 

Muling nagtama ang mga mata namin ni Kiel subalit nabigla ako sa mga nakikita ko sa kaniyang mata, wala itong damdamin habang nakatingin sa akin. Tila ba ako'y hindi niya kilala.

"Babe you know her? Sabi ni Cole magkaka ibigan kayo at classmates"

"Ahh yes of course I know her, love"

"Umm, Meg pwede bang mauna na ako?"

"Aalis ka na agad Stella?"

"Ako din Meg. Pwede bang sa ibang araw na ako sasama sa inyo?"

"Masama ba ang pakiramdam mo Maine?"

"Hindi naman pero inaantok na kasi ako, sasabay nalang ako kay Stella. Thomas, I'll call you later"


Umalis na nga kami sa lugar na iyon na hila hila ako ni Maine, sumabay sya sa akin pero ang gusto nya ay mag usap kami kaya dinala ko sya sa bahay ko dahil sabi niya ay susunduin naman sya ni Thomas. Pagdating sa bahay ay rinig na rinig ko ang iyak ni Zach at halata naman sa mukha ni Maine na nagtataka siya. Kinarga ko sya at hindi maalis ang tingin sa amin ni Maine.

"He's my son"

"Oh my god Stella"

"I know so please help me win back Kiel" 

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon