Love

305 9 3
                                    

1 week na ang nakalipas noong nanirahan kami sa iisang bubong ni Kiel, napag desisyunan namin na sa bahay ko nalang kami titira hindi ko nga masabi na kami nga ang nagdesisyon dahil halos ako ang nagpla plano para sa buhay naming dalawa puro lang siya oo talagang iniiwasan nya akong makausap o makita dahil kadalasan ay sa opisina na siya natutulog tapos kinaumagahan ay dadalhan ko siya ng suit nya at pagkain masaya naman ako na kahit papaano ay ginagamit nya ang damit na dinadala ko sa opisina nya pero ang mga take out kong pagkain ay hindi niya ginagalaw.

Subalit ngayong araw na ito ay tila iba dahil madaling araw ay may kumakatok sa pinto at pagbukas ko ay si Kiel iyon lasing na lasing siya kaya tinulungan ko siya hanggang maiakyat sa kwarto namin noong maihiga ko siya ay nilinisan ko siya at pagkatapos ay dinamitan ko siya ng bagong damit dahil amoy alak at sigarilyo ang suot niya akala ko ay nakatulog na siya dahil hindi siya gumagalaw noong nililinisan ko siya pero noong mahiga na ako sa tabi niya ay pinulupot niya ang mga braso niya sa beywang ko at isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko napaka higpit ng yakap niya at aaminin kong na miss ko ang mga yakap niya, na miss ko ang pakiramdam na ligtas ako sa mga bisig niya, na tila ako ang pinaka importante sa lahat dahil sa mga hawak niya.

"I miss you"

Akala ko ay nagkamali ako ng dinig pero tama ang pagkakarinig ko sinabi niyang miss niya ako nagsimulang lumakas ang pintig ng puso ko kasabay ng pag galaw niya at tinitigan ako sa mukha habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang pisngi ko.

"I miss you so much, love"

Gulat parin ako sa pangalawang pagkakataon na sabihin niya iyon pero ang mas ikinagulat ko ay noong halikan niya ako na punong puno ng pagmamahal, napaka sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya sapagkat tila bumalik na ang dating Kiel na kilala ko kung saan ako lang ang nakaka kuha ng kaniyang pansin at kaniyang pinahahalagahan. Kung panaginip ito ay tila ba ayaw ko na magising gusto ko nalang dito sa aking panaginip dahil dito ay hindi ako nasasaktan, hindi ako nakikipag agawan, at hindi ko ipinipilit ang sarili ko sa taong hindi na ako mahal, dahil sa panaginip na ito ay ako muli ang kaniyang reyna at walang hadlang sa aming pagmamahalan.

Hindi ko alam kung anong oras kami natapos pero nakikinita ko na ang pag usbong ng araw ngayong araw na ito ipinagdadasal ko na tuloy tuloy na ang pagbabago sa relasyon namin ni Kiel sana ay totoo na ito ngayon.

"I love you... I love you so much" lalo pa ako nitong niyakap at nagsumiksik sa akin sa sobrang higpit ay tila ayaw na ako nitong lumayo pa.

"I love you Meg" noong marinig ko ang huli niyang sinabi ay tila gumuho ang pangarap ko, gumuho ang pag asa ko na baka okay na kami dahil ngayon nakasisiguro ako na sa buong oras naming nagtatalik at sa mga sinabi niyang I miss you ay hindi ako ang pinararatangan ng mga iyon dahil para kay Meg pala ang lahat ng iyon.

Inalis ko ang braso niyang nakayakap sa akin at nagtungo ako sa banyo nilock ko ito at umupo ako sa bathtub at doon ako umiyak ng umiyak. Palagi nalang ba akong masasaktan? Palagi nalang ba akong iiyak? Nagmamahal lang naman ako pero bakit parang ang sakit sakit magmahal bakit parang ang hirap ibalik ang pagmamahal na ibinubuhos ko para sa kanya.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon