Stay

303 16 0
                                    

Umagang umaga ay nakikigulo sila Maine at Thomas sa bahay ko hindi ko alam kung anong oras sila dumating dahil si Kiel ang sumundo sa kanila sa airport nagising nalang ako ng nagkakagulo na sila sa sala late na ako nakatulog kagabi dahil sa dami kong tinapos na trabaho dahil nag leave ako ng 2 weeks dahil next week ay babalik kami sa Pilipinas dahil sa kasal nila Maine.

"OMG!!!! You're awake!!!!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Maine ng makita nya akong lumabas ng kwarto.

"Hi Stella"

"Hello Thomas"

"Love, nasa kusina na ang breakfast mo."

"Love? My gosh kayo na ba ulit?"

"Maine ano bang sinasabi mo."

"He called you love eh.. Diba yun ang tawag nya sayo."

"So?"

"Wow dati rati maliliit na bagay mahalaga na sayo.. Ngayon? Well..."

"Shut up Maine. Dun ka na sa fiancé mo."

Iniwan ko sila sa sala at dumiretso sa kusina nakahanda na nga ang breakfast ko doon at dahil gutom na gutom na ako ay nilantakan ko na ang pagkain. Mula sa kusina ay naririnig ko ang tawanan nila hindi ko alam kung bakit biglang hindi sumama sila Dakota at Cole ang usapan kasi noon ay sasama din sila para makapag relax bago ang big day ni Maine. Wala naming problema sa relasyon nila noon sadyang nadamay lang sila noon sa gulo sa pagitan namin ni Kiel. Ang unang naging mag jowa ay si Maine at Thomas 1 year na sila noon ng magka developan naman kami ni Kiel ang huling nagging mag on ay si Dakota at Cole mas magulo ang storya nila Dakota at Cole kesa sa amin ni Kiel gumulo lang naman ang sa amin ni Kiel ng may malaman akong sikreto nila sa akin. Nagkalabuan kami ni Kiel nasaktan ako nagkagulo ang pagkakaibigan naming lahat syempre sa akin kumakampi sila Maine at Dakota hanggang sa nagkalabuan narin sina Maine at Thomas sila Dakota at Cole naman matagal ng malabo kaya mabilis lang din silang nagkahiwalay.

"Hey, bakit parang malungkot ka?"

"Hu?"

"Love, may problema ba? Hindi ba masarap yung luto ko?"

"Ano ba Kiel, ang oa mo."

"Eh bakit ka nga malungkot?"

"Wala."

"Stella, you know you can always tell me anything that bothers you."

"I know. But that was before Kiel, remember we're best friends. Naging mas close pa nga ako sayo kesa kila Maine noon."

"Hindi na ba pwedeng mabalik yun? Kahit yung friendship muna?"

"Kiel hindi ka ba nag sasawa na palagi nalang natin pingauusapan ang bagay na to?"

"Ok I'm sorry alam mo namang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo ay mahalaga sakin because I care about you."

"Yes I know. But sometimes you just have to mind your own business." Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na sya sa kusina at bumalik sa kwarto para makaligo dahil nag aaya si Maine na mag mall daw kami.

- - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - -- - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -- -

"Ano nanaman ang pinag awayan nyo ni Kiel?"

"Hu?"

"Girl bago sya pumunta sa kusina ngiting ngiti pa sya tapos nung nag usap kayo paglabas nya ng kusina malungkot na sya."

"Maine akala ko ba gusto mong mag relax kaya tayo nandito sa mall pero bakit kailangan pa natin yang pag usapan?"

"Kasi kaibigan kita at kaibigan ko din sya hindi ba pwedeng pag usapan nyo ulit lahat ng problema nyo?"

"Maine hindi kami katulad nyo ni Thomas alam kong this is a shotgun marriage at pumayag kayong dalawa dahil inaalala nyo ang lolo ni Thomas ano after nyo magpakasal at bigyan sya ng apo mag hihiwalay kayo? Maine you are better than this."

"Desisyon ko to Stella. Tsaka who knows maybe along the way we may find each other again."

"So gusto mong maka ayos kayo?"

"Stella hindi na tayo bumabata. I need a family, my own family."

"Well, sabagay madali lang naman ang naging pag aaway nyo nag ugat lang naman iyon sa misunderstanding tsaka mukhang gusting gusto ka parin ni Thomas. Good for you."

"Stella wala na ba talagang pag asa? SA buong buhay mo nabubuhay ka sa galit at poot. Hindi ka ba nag sasawa?"

"Wala kang alam Maine. Hindi ikaw ang nakaranas ng lahat ng pinagdaanan ko. Hindi ikaw ang iniwan at niloko. Hindi ikaw ang kinakahiya ng pamilya mo. Hindi ikaw ang nasaktan kaya hindi mo alam."

"Stella ano bang nangyayari sayo?"

"You know what? Akala ko naiintindihan mo ko akala ko bestfriend kita pero mukhang mali ako."

"I've been with you since then Stella. Nadamay pa nga kami ni Thomas diba?"

"Wow so lumabas din ang totoo sinisisi mo nga ako dahil nagkahiwalay kayo ni Thomas."

"Stella I think we should stop talking about these things."

"Bye Maine, uuwi nalang ako I'm not in the mood na."

Nagkatampuhan kami ni Maine wala pa ngang isang oras na magkasama kami sa mall ay nagtalo na kami. Umuwi ako sa bahay ko at paguwi ko ay wala akong nadatnang tao mukhang umalis din sila Kiel at Thomas. Wala naman akong gagawin kaya natulog nalang ako ulit.

Nagising ako ng may maramdaman akong umupo sa kama ko hanggang sa maramdaman kong hinaplos nito ang pisngi ko at doon ko na dahan dahang binuksan ang mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin ni Kiel at bigla akong naguilty ng makita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Nagising ba kita? Sorry." Bigla syang tumayo at mukhang lalabas na ng kwarto ko para pumunta sa sala.

"Wait!" Hindi ko alam kung bakit ko sya pinapigilan. Humarap naman sya ulit sa akin at mukhang nagtataka.

"Stay... Please?"

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon