Hospital

258 10 0
                                    

"We heard what you did." Kasama ko ngayon si Cole dahil nakipag kita ako sa kanya gusto ko rin naman kasing tulungan si Dakota.

"Hindi ko intensyong guluhin sila, but Meg has the right to know the truth."

"Alam ko pero sana pinabayan mo nalang si Kiel na magsabi kay Meg"

"Eh hindi naman daw kasi sya nag o open up, so why do I need to wait for him when her fiancé demands an answer from me."

"Stella hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo pero sana this time mapanindigan mo na ang kung ano mang ginagawa mo"

"I also hope that you do the same Cole"

"Teka bakit ba nandito tayo sa ospital?"

"You need to know the truth, tigilan na natin ang mga kasinungalingan, but promise me that you will be calm."

"Bakit?"

"Basta you need to promise me."

"Okay"

Kumatok muna ako sa pinto bago kami pumasok ni Cole pagbukas ng pinto ay hindi ko makita si Dakota pero nakita kong nakabukas ang ilaw sa banyo kaya agad akong tumakbo papunta doon at nakita nga namin sya na nakahiga na sa sahig at walang malay.

"Mayi?"

"Are you just gonna stand there? Buhatin mo na sya Cole at dalhin sa higaan niya."

Binuhat sya ni Cole at ako naman ay agad na tumawag ng nurse. Chineck nila si Dakota at sinabing mukhang nahimatay ito dahil sa kahinaan mukhang sumuka ito sa banyo at sa sobrang panghihina ay nawalan ng malay kung kaya't hindi na sya nakabalik sa higaan nya. Matapos matignan si Dakota ay umalis din ang nurse at babalik nalang kapag nagising na sya.

"Anong nangyari sa kanya?"

"She has cancer. Ayan lang ang pwede kong sabihin sayo dahil mas maigi na kayo ang mag usap. Cole, ayaw niyang ipaalam sa kahit kanino ang sakit nya pero hindi ko naman matiis na pabayaan nalang syang mag isa. Ayaw niyang dalawin namin sya, ayaw niyang ipakitang nahihirapan sya at mas lalong ayaw niya na kinakaawaan siya. So please pag isipan mo ng mabuti ang lahat, you can still go kung hindi mo kaya ang lahat ng ito hindi ko nalang sasabihin sa kanya na alam mo na at na nakita mo siyang ganyan. Lumayo ka nalang kung masasaktan mol ang siya."

"I'll stay."

Kita ko ang kalungkutan sa mukha ni Cole hindi man niya sabihin alam kong mahal parin nya si Dakota. Iniwan ko muna sya at sa labas nalang muna ako uupo bibigyan ko sila ng privacy at kapag nalaman kong gising na si Dakota at nagka usap na sila ni Cole ay tsaka ako uuwi dahil ayaw ko namang magka gulo sila dahil sa akin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Maine alam kong pareho mong kaibigan sina Kiel at Stella pero kailangan ko ang tulong mo."

"Meg ayokong makialam sa gulo niyo, magagalit lang sa akin ang asawa ko lalo na at buntis ako."

"Maine gusto ko lang malaman ang totoo."

"Hindi ba at sinabi na sayo ni Stella"

"So totoo ang sinabi nya? Pero sino ang ama ni Zach?"

"Wala ako sa posisyon para sabihin iyan sayo"

"Maine, s-si K-kiel ba?"

"Meg, mabuti pa kausapin mo nalang si Stella"

"So si Kiel nga. Alam mo kahit hindi mo sabihin sa akin halata ko naman sa iyo na alam mo kung sino ang am ani Zach at sa pagtanggi mo alam kong pinagtatakpan mo si Stella"

"Kaibigan ko si Stella at mahalaga si Zach sa kaniya dahil anak niya iyon kaya mahalaga narin sa akin si Zach kaya ayoko siyang masaktan at kung ikaw ang dahil kung bakit masasaktan ang kaibigan ko pati si Zach ay sinisiguro ko sa iyo na wala kang maaasahan sa akin Meg"

Iniwan ko si Meg at sumakay na sa sasakyan dahil kinausap ako ni Stella na nasa ospital siya at kasama niya si Cole dahil dinala daw niya ito kay Dakota. Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si Stella na nakaupo sa labas ng kwarto ni Dakota agad ko itong nilapitan upang malaman kung ano na ang nangyari.

"Nag uusap na sila."

"Pero ayos lang ba ang lagay ni Dakota?"

"Maayos lang siya Maine. Sana ay maayos narin nila ang gulo sa kanila ni Cole"

"Stella pinuntahan ako ni Meg"

"Alam kong hahanap pa siya ng detalye tungkol sa amin ni Kiel"

"Stella si Zach ang pinupuntirya niya. Mukhang alam na nito na si Kiel ang ama ng bata"

"Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko. Akalain mo iyon sa iyo din pala manggagaling ang sagot Maine"

Nagulat kami ni Stella ng biglang sumulpot si Meg, mukhang sinundan ako nito at narinig ang pag uusap namin ni Stella

"Anong ginagawa mo dito Meg?"

"Kung inaakala mong magagamit mo ang anak mo Stella para mabawi si Kiel, pwes nagkakamali ka"

"Pwede ba huwag kang gumawa ng gulo dito"

"Hindi ako ang gumagawa ng gulo Stella, alam mong ikaw ang nagpasimula ng gulong ito."

"Umalis ka na Meg"

"Bakit natatakot ka na ba Stella? Sa simula palang dapat kayo ng anak mo ang umalis dahil kahit kailan hindi ko matatanggap yang bastardo mong anak."

Sinampal ko si Meg, hindi ko napigilan dahil kung ano ano ang sinasabi nito sa anak ko. Ako ang kalaban niya kaya wala siyang karapatang pagsalitaan ang anak ko. Matapos ko siyang sampalin ay sinabunutan niya ako para kaming mga walang pinag aralan dahil nag aaway kami sa loob pa mismo ng ospital pinipigilan naman kami ni Maine hanggang sa maitulak ni Meg si Maine at tumama ang ulo nito sa pader, sakto naman na lumabas si Cole at nakita ang nangyayari sa amin. Agad kaming tumigil ni Meg at nilapitan ko si Maine na may dugo mula sa sugat niya sa noo, wala din itong malay dahil sa lakas ng pagtama ng ulo niya sa pader. Agad naman itong binuhat ni Cole at dinala namin sya sa emergency para magamot, habang ginagamot siya ay tinawagan ni Cole si Thomas at pagkadating ni Thomas ay kasama niya si Kiel agad namang tumakbo si Meg kay Kiel at niyakap ito. Matapos magamot ni Maine ay sumailalim sya sa CT scan at inantay namin ang resulta at okay naman daw sya, maya maya lang ay nagising na siya.

"I'm so sorry Maine hindi ko sinasadya"

"Pwede ba Meg wag muna ngayon, kailangan magpahinga ng asawa ko."

Umiiyak naman si Meg habang yakap yakap siya ni Kiel. Nilapitan naman ako ng nurse dahil may mahaba pala akong kalmot sa braso at nagdudugo ito, pumayag naman akong ipagamot ito dahil nararamdaman ko narin ang hapdi. Habang ginagamot ako ay biglang bumukas ang pinto sa emergency kaya lahat kami ay napukaw ang atensyon doon pero ang mas ikinagulat ko ay ng ang anak ko pala iyon at bitbit siya ng yaya niya at kasama nito si Nay Mildred.

"Tulong hindi po humihinga ang alaga ko!"

Tila ba nanlambot ako sa narinig at dali daling tumayo kahit pa hindi pa ako tapos gamutin ng nurse, agad akong tumakbo sa kanila at kinuha ang anak ko sa yaya nito at binuhat ito.

"Tulungan nyo ang anak ko!" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para isigaw pa iyon pero habang yakap yakap ko ang anak ko na walang buhay ay para narin akong unti unting pinapatay.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon