Karma Is A Bitch

360 9 12
                                    

I've been having problems Kiel and I have been together for 2 months. Aaminin kong nahirapan ako noong mga unang linggo pero matapos ang pangyayari noong nakaraang buwan ay umayos ayos naman na ang pakikitungo nya sa akin pero hindi ko masasabing nakukuha ko na nga ang loob nya dahil tina trato man niya ako ng maayos pero alam kong dahil iyon sa kaniyang anak.

Hindi ko hinahayaang sumama siya sa tuwing pupunta ako sa doctor ko nag kwe kwento nalang ako sa kanya kung anong kaganapan tungkol sa anak namin. Nagdesisyon din kaming huwag muna ipaalam sa mga kaibigan namin na magkaka anak na kami basta ang alam lang nila ay nagpakasal kami kaya kahit kinukulit nila kami ay hindi kami nagbibigay ng anumang detalye.

Pupuntahan ko ngayon si Kiel sa opisina niya dahil dala ko ang bagong ultrasound. Kilala na ako rito maski ng kaniyang secretary kaya dire diretso nalang ako sa pagpunta sa opisina niya pero tila may kakaiba sa araw na ito dahil kaninang umaga pa ako hindi mapakali at ngayon naman ay wala ang secretary ni Kiel. Bakit kaya wala iyon ngayon. Pinagsawalang bahala ko iyon at tuloy tuloy na pumasok sa opisina niya pero nadatnan ko si Meg na nakaupo sa visitors chair samantalang nasa kaniyang swivel chair si Kiel kitang kita ko ang ngisi ni Meg pagkapasok ko. Nanatili namang nakayuko si Kiel at may hawak na papel.

Naglakad ako papunta kay Kiel upang yakapin siya dahil na miss ko siya ewan ko ba nitong mga nakaraang araw ay palagi ko siyang hinahanap hanap pero bago ko pa siya mayakap ay nahagip ng mata ko ang laman ng papel na hawak niya.

Walang nagsasalita sa amin, nakatayo lang ako sa tabi niya at hindi ko alam ang aking gagawin hanggang sa unti unting ginusot ni Kiel ang papel hanggang sa maging isang bola ito ng papel at doon siya tuluyang humarap sa akin.

"Liar"

"K-kiel..."

"Pinaikot mo ko Stella"

"I can explain please let me explain"

"Ano pang sasabihin mo Stella, niloko mo si Kiel, niloko mo kami."

"Pwede ba tumahimik ka Meg, problema namin itong mag asawa"

"Aba Stella lubusin mo na ang maliligayang araw mo dahil baka hanggang ngayon mo nalang maging asawa si Kiel"

"Hindi iyan mangyayari Meg"

"Bistado ka na Stella"

"Kiel umuwi muna tayo at mag usap please"

"Tigilan mo na ito Stella, get out now. Umalis ka narin sa buhay ko."

"Karma is a bitch Stella"

"Shut up Meg"

"Wow ikaw pa ang galit pagkatapos mo kaming lokohin."

"Alam mo Stella hindi ko inakalang lolokohin mo ako ng ganito, na palalabasin mong buntis ka. Sobra ka na, sakal na sakal na ako. Galit na galit ako sayo ngayon gusto kitang saktan pero alam kong sa hindi ko palang pagmamahal sa iyo ay nasasaktan ka na. Stella nag mamaka awa ako sayo ngayon please lubayan mo na ako masyado ka ng nasasaktan pati ako nasaktan mo sa isiping mag kaka anak tayo, umasa ako Stella umasa ako na mag kaka anak akong muli. Umasa ako na magkakaroon ako ng pamilya kahit pa nga sa iyo ko iyon makakamtam ay tatanggapin ko pero ginamit mo ang kahinaan ko para makuha ako. Ang sakit mo magmahal Stella, kaya please pakawalan mo na ako."

Niyakap ko si Kiel at humagulgol ng iyak hindi ko kaya ang gusto niya. Hindi ko kaya na palayain siya.

"I'm so sorry Kiel alam kong niloko kita pero ginawa ko lang iyon dahil mahal na mahal kita. Please give me another chance."

"Stella tigilan mo na ang pag arte dahil wala ng dahilan pa para hindi ka iwan ni Kiel. Remember you fake your pregnancy. So get out now"

"Kiel I'm so sorry."

Hinila ako ni Meg palayo kay Kiel nagpumiglas ako pero malakas si Meg at nadala niya ako sa pintuan.

"This is it Stella, goodbye forever."

Sinampal ako ni Meg subalit hindi ko maramdaman ang sakit nito dahil mas masakit parin ang mga sinabi ni Kiel pero hindi parin ako susuko lalapitan ko muli dapat si Kiel kaya lang ay hinablot ni Meg ang braso ko at tinulak ako palayo nawalan ako ng balanse at tumama sa table ng sofa kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ay naramdaman ko ang sakit sa aking puson. Sobrang sakit nito na hindi ko magawang tumayo napasigaw ako sa sakit hanggang sa may makita akong pulang likido na dumadaloy mula sa akin hinawakan ko ito dahil akala ko namamalikmata ako pero totoo ang lahat ng ito.

"Kiel..."

Lahat kami ay tila nagulat mula sa galit ay nabalot ng pangamba ang mukha ni Kiel at agad akong nilapitan nito at binuhat.

"Stella kayanin mo please"

"K-kiel I-I'm pregnant?"

Litong lito parin ako sa mga pangyayari habang nasa elevator kami ay napapa isip ako kung totoo ba ang lahat ng ito.

"You're pregnant Stella, so be brave please, for our baby"

"O-our baby?"

"Yes, our baby"

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon